Dahan dahan siyang yumuko para mapantayan ako. "Hindi man kita magantihan ng pisikalan, gagantihan kita sa ibang paraan. Tingnan nalang natin kung hanggang saan yang tapang mo,  Manang Everleigh Kaihley."

Nawala lahat ng reaksyon ang mukha ko. Napalunok ako dahil sa kaba. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Kalaunan ay bigla siyang tumawa.

"Anong mukha yan, Smeagol? Kinakabahan kaba? Anong iniisip mo?" Tumawa pa siya na nagpaingay sa buong paligid. Nanatili akong nakatitig sa kanya. Mukhang baliw ang isang to. "Ano? Nagugustuhan mo na ba ako?" Tanong niya.

Umiwas ako ng tingin. "Kapal ng mukha mo." Mahina kong sabi. Exactly when we entered the room was our teacher leaving.

"Kniazeff? Orcajada?" Sabay kaming nahinto nang may tumawag sa amin. 

"Po?" Sabay naming tanong. Nagkatinginan pa kaming dalawa, pero nakangiti siya habang ako naman nakatingin sa kanya ng masama.

"Pinapatawag kayong dalawa sa office." Nanlaki ang mata ko at agad na hinila si Lorenzo. Tumakbo agad kami pababa. 

"Sandali. Ang sakit na ng braso ko." Aniya. Tumigil ako sa paglalakad para tignan siya. Inangat niya ang manggas ng uniform niya at nakita kong namumula iyon. Medyo nagsusugat na din.

Agad niya iyong tinago. Natigilan ako doon. I feel guilty for what is happening. I am also at fault here. Imbis na tumakbo ay naglakad nalang ako. Hindi na ako nagsalita at tahimik na pinauna siya sa paglalakad.

Natigilan kaming dalawa sa paglalakad nang makasalubong namin si Hazel. Hawak niya ang mga makapal na libro. Mukha siyang nahihirapan dahil mukhang mabigat iyon.

Nagulat ako nang mapatid siya sa sirang tiles dahilan para mahulog lahat ng libro sa tiles. Tinignan ko si Lorenzo na mukhang walang pakialam sa kanya.

Pinilit kong hilain si Lorenzo palapit may Hazel. "Are you okay?" Tanong ko sa kanya. Pinapagpagan niya ang tuhod niya. Mukhang tumama pa iyon sa basag na tiles kaya nasugat. Inabot ko ang makapal na libro sa kanya.

The shock on her face was obvious due to the sudden presence of Lorenzo and me. "Y-yes. Thank you." Pilit siyang ngumiti at dahan dahang kinuha ang mga libro.

Bumagsak ang tingin niya sa posas na nasa kamay namin ni Lorenzo. Lalong naging malungkot ang mukha niya. Parang gusto ko lalo itong tanggalin nalang.

Mabilis siyang naglakad palayo kahit pa paika ika siya maglakad. Dahan dahan akong napalingon kay Lorenzo. Pairap siyang umiwas ng tingin.

Kumirot ang puso ko dahil sa nakita niya. Sa lahat ng babaeng pinaglaruan niya kay Hazel lang siya nagkaganyan. I can’t believe he feels nothing for Hazel.

"Bakit ang bait mo?" Natigilan ako dahil sa tanong niya. Pinilig ko ang ulo ko. Gusto kong matawa dahil sa tanong niya.

"Siraulo kaba? Alam mo ba talaga ang ibig sabihin ng mabait sa masungit? I treated you like my enemy and then you said I was kind? What are you thinking of, Titan?" Sunod sunod kong tanong sa kanya.

Umiling siya at tumawa. "I mean hindi naman kasi ganyan ang ibig sabihin ng mabait o masungit. Bakit purket ba inaaway at tinatarayan mo ako masungit kana? No. Alam mo sa sarili mo na kayang kaya mong baguhin ang pakikitungo mo sa iba't ibang tao."

"Hindi naman purket nagpakita ng galit ang isang tao ibig sabihin noon masama na agad ang ugali niya. May ibig sabihin ang lahat ng mga kinikilos ng mga tao." Palinawag niya.

I was stunned by what he said. He was right. Minsan may laman din pala ang utak nito. Hindi nalang ako nagsalita ag basta nalang akong pumasok sa office. Naabutan namin si Mrs. Cruz na nakaupo sa upuan niya.

"Kanina sabi nila hindi pa din kayo nagkakasundo. Ayaw ninyo naman malaman ito ng parents ninyo. Ngayon hindi ko sasabihin bastat may parusa kayo. Bilang parusa kayong dalawa ay maglilinis bukas ng tambakan ng mga libro." Mahaba niyang sabi.

Gusto kong sumigaw pero hindi pwede! Madaming peste doon! "Pwede naman po iyon. Kung si Everleigh po makakasama ko bakit pa po ako aangal?" Ngumiti pa siya sa akin at kumindat.

Sisipain ko na sana siya pero tumayo si Mrs. Cruz. Tinanggal niya ang posas sa braso naming dalawa. Napahinga ako ng maluwag. Pilit akong ngumiti.

"Sa susunod na mag aaway ulit kayong dalawa doon kayo sa bahay ninyo." Paalala  niya.

Gusto kong sipain si Lorenzo habang naglalakad kami paakyat sa taas. Ngayon ko nalang napansin na mag uuwian na pala.

Sinalubong siya ng mga classmate niya pagpasok niya sa loob ng room nila. Ako naman ito. Nakatanga.

Nag umpisang lumapit sa akin ang mga classmates ko hindi para icheer ako kundi pagtawanan ako.

"Kayong lahat! Umalis nga kayo sa harap ko!" Inis kong sigaw sa kanila. They all laughed as if something was funny.  Pag tunog ng bell ay mabilis akong tumayo at agad na tumakbo pababa ng hagdan.

"Mami?" Natigilan ako sa paglalakad nang marinig ko iyon. Nakasandal siya sa pader at mukhang hinihintay talaga ako. Ayaw ko nang magpalibre sa kanya. Iisipin nanaman niyang nadadala niya ako sa suhol niya.

Hindi ako nagsalita at agad na naglakad palabas ng school. Puro babae na tumatawag sa kanya pero hindi niya iyon pinapansin.

I stopped walking when he held my hand causing me to face him. Tinignan ko ang kamay niya na nakahawak sa maliit kong kamao na agad kong binawi.

"Magbati na kasi tayo, please?" My heart seemed to melt when I heard that. I look at his eyes para siyang nangungusap. Iniwas ko agad ang tingin ko, feeling ko matutunaw nalang agad ako sa titig niya.

UNTIL I  LOVE YOU (Hope of heart series 02)Where stories live. Discover now