KABANATA 05

38 0 0
                                    

KABANATA 05

Everleigh Kaihley's Point Of View

"Dito ka nga!" Mariing sabi ko sa kanya habang naglalakad kami papunta sa hagdan. Kakalabas lang namin sa office pero tawa siya nang tawa. Parang tanga talaga!

"May klase pa ako!" Kunot noong sabi niya. Inirapan ko siya bago siya harapin. Nasa harap na kami ngayon ng hagdan.

"May klase din ako, bakit ba?" Nilakihan ko pa siya ng mata pero ngumiti lang siya. Umirap ako dahil parang kakaiba yung nararamdaman ko nang ngumiti siya.

Humakbang na ako papalapit sa hagdan. At nang makaapak ako sa pangatlong baitang nagulat ako na hilain niya ako pabalik. Nanlaki ang mga mata ko nang sobrang lapit naming dalawa. Parang may kung anong insekto ang naglalaro sa loob ng tyan ko.

Agad akong umayos ng tayo at lumayo sa kanya. I could feel my heart beating slowly until it slowly accelerated. Inayos ko ang sarili ko at inirapan siya. "T-tara na nga!"

Medyo nagulo pa ang buhok niya. Nakangiti siyang sumunod sa akin. Tumigil siya sa paglalakad nang malapit na kami sa room ko. Inis ko siyang nilingon. "Ano ba?!"

Hinaltak ko pa siya. "Aray!" Sigaw niya bago magpatianod. Napapalingon sa amin ang mga schoolmates namin. Napatanga ang teacher namin sa Filipino dahil sa itsura naming dalawam

"Anong ginagawa ninyong dalawa?!" Gulat niyang tanong sa amin. Napayuko ako. Nilingon ko si Lorenzo na nagpapaliwanag sa teacher namin. Nagtatawanan nanaman yung mga classmates ko.

Habang nakikinig kami ay sobrang lapit ni Lorenzo sa akin. Nilingon ko ang mga classmate ko na nagsusulat. Nang lumingon ako sa likod ay nakita kong nakapanghalumbaba si Rafael habang ang kanyang buhok ay tumatama sa kilay niya.

Umangat ang kilay niya pero bigla siyang ngumisi. Nagpalipat lipat ang tingin niya sa amin ni Lorenzo. "Ang bagal mong magsulat." Napalingon ako sa kanya nang marinig ko iyon.

"Kesa naman sa sulat mo. Parang kinahig ng manok." Mahina kong sabi. Gusto ko talaga siyang sapakin pero hindi ko magawa.

"Gwapo naman yung nagsulat." Smiling he said. I glared at him.

"Tanga, mukha kang titan." Halos pabulong kong sabi. Tumawa siya pero hindi bumubuka ang bibig niya.

"Smeagol." Bulong niya dahilan para mas mainis ako. Siniko ko siya. Alam kong gusto niyang gumanti pero di niya magawa! HAHAHAHA.

Nang sikuhin ko ulit siya ay tumama iyon sa tagiliran niya dahilan para mapasigaw siya sa lakas. "Orcajada?" Tanong ng teacher namin.

Pilit na ngumiti si Lorenzo kahit pa mukha siyang binugbog na ewan. "Ma'am, may I go out first?"

Hinubad ng teacher namin ang salamin niya bago tumango. Nagulat ako nang mabilis siyang lumakad. P*ta! "Bagalan mo naman!" Reklamo ko pero dinilaan niya lang ako.

Nagtatawanan ang mga lalaki sa cr nang makapasok kaming dalawa. "Ano yan, Enzo?" Natatawang tanong ni Oliver.

Hindi ako nakinig dahil nakayuko ako dahil sa matinding kahihiyan. "Ano ba!" Inis ko siyang tinignan.

"Sandali!" Reklamo niya. Gusto ko siyang sigawan nang buksan niya ang zipper ng pants niya kung saan malapit iyon sa kamay ko. Tumatawa tawa pa siya habang nakapikit ako.

Puny*wa talaga. Nanginginig-nginig pa siya. Kapal talaga nito. Muntik pa akong madapa habang naglalakad kami dahil sa bilis niyang maglakad.

"Putcha! Ano gumaganti ka ha?" Taas noo kong tanong sa kanya. Ngumiti siya at marahang tinampal ang noo ko.

UNTIL I  LOVE YOU (Hope of heart series 02)Where stories live. Discover now