Prologue:
Di mawawala sa classroom ang mga classmate na mahilig matulog sa klase, kumain ng palihim, mamburaot ng classmate, mahilig magpaganda at magselfie, ayan lamang ang ibang katangian ng mga estudyante o mga classmate n'yo. Pero paano kung may dumagdag na bagong estudyante at sa hindi mo inaasahan APO pa ng may ari ng school n'yo. Hindi lang 'yun ! SEAT MATE mo pa. Ano kaya ang feeling na katabi mo ang apo ng may ari ng school n'yo na alam mong magiging FUTURE owner ng school n'yo.
Chapter 1 :
Ericka 'POV'
"Aray! Ang sakit naman. " hinihimas ko ang ulo ko dahil binatukan lang naman ako ng sadista kung kaibigan .
"Sssshhhhh~ Kasi tulog ka ng tulog, pag makita ka d'yan ni Maam.Cutanda, lagot ka talaga ! " pabulong na sabi niya habang nakatingin sa teacher namin sabay taray.
*ting ting ting ting*
Ang ganda ng tunog? Ayan ang tunog ng bell ng school namin, bakit ba ? Cute kaya.
"Yehey! Recess na." , sabay unat-unat ng kamay yung tipong parang kagigising lang ang peg. This is the best subject for me. RECESS. "Ericka! bilisan mo bibili pa tayo." sabi ni Trisha Mae Estrada.
Trisha Mae Estrada- siya ang sinasabi kong kaibigan kung sadista. Napakalakas manakit pero para sa kanya isa lang na normal na hapas 'yun.
"Oo na! Kinukuha ko pa nga ang payong. Wait mo me trishy! ", sabi ko habang pinipilit kunin ang payong na naipit sa cabinet.
Azar! Bakit ayaw matanggal ng payong na ito? Hinila ko ng malakas ang payong nang biglang nagkalaglagan ang mga libro sa loob ng cabinet dahil sa lakas ng hatak ko sa payong .
//BOOOGGSHH BOOOOOGGSSH//
"Arayyy! ", hinimas himas ko ang noo ko at patayo na ako nang---
/BUUGSHH/
"Ugh!", natuluyan na akong nawalan ng malay.
TRISHA MAE 'POV'
"Ericka! bilisan mo bibili pa tayo.", sabi ko habang nakatingin sa kanya pero parang may hinahatak siyang bagay. "ah, payong".
"Oo na! Kinukuha ko pa nga ang payong. Wait mo me trishy! ", sabi niya habang hinahatak ang payong sa ilalim ng cabinet.
*Napakamot ako sa ulo ko* Napakatagal naman ng babaitang to, sisilipin ko nga muna kung may bakanteng lamesa pa sa Canteen.
Takbo
Takbo
Takbo
Pag dating sa canteen hiningal ako tapos sabay tingin sa mga table.
Tingin
Tingin
Tingin
Ayun! Meron sa dulo malapit sa bintana. Pwede na doon.
Takbo
Takbo
Takbo
Pagdating ko sa room ay nagkakagulo sila at hindi ko alam kung bakit?
"Hala! Tulungan n'yo siya! ", sabi nung isang babae na isa sa nakisiksik.
Napakadami namang echosera at echosero.
"Padaan nga! Excuse me!". Hindi pa man ako nakakalapit nakita ko na si Ericka na buhat buhat ng isang lalaki na walang malay. "ERICKA!", sambit ko at tila nagulat ang babaeng katabi ko.
STAI LEGGENDO
I'm In love with my SEATMATE
Teen FictionHello mga kaREADER and kaWRITER! I've decided to revise the story para naman mas gumanda pa at mas maintindihan ninyo. Hope you like my story. Updated Date: 05/18/2020
