PRANK

7 4 1
                                    

| Hazel's Point Of View |

“Hey! It's a prank! Wag ka ngang kj, Marianna! ” saad ko.

“I'm not kj! Alam nyo namang I hate pranks diba?”

“Oo nga! Pero kasi prank is just fun!”

“Pranking everyone is our hobby! Alam mo yan!”

“Pranking is our source of happiness!”

“Alam nyo kayong apat na Nica, pwede kayong maging masaya ng hindi nanloloko ng kapwa” pangangaral ni Marianna.

“Ok po lola Marianna!” saad naman ni Zielle, ang mastermind kong kapatid.

“Tse! Dyan na nga kayo!” saad ni Marianna saka pumunta sa kanyang silid.

---

| Dazelle's Point Of View |

“Hey! Daze and Gizz! Wake up!”

Sabi na si Zielle na naman.

“Zielle naman! Ano na naman ba? Prank na naman?” iritadong tanong ko. Ngumisi lang ang kapatid kong kupal, senyales na oo.

“April 1 is coming and 18th birthday yun ni Marianna! Our biggest prank is coming!”

Masayang mang prank, pero nagsisimula na akong mainis dahil lagi na lang iniistorbo ni Zielle ang tulog namin ni Gizelle. Gizelle feels the same.

May ilinatag na papel si Zielle, at nandoon na ang lahat lahat ng plano. Napag-usapan na namin ang gagawin para sa next week, kaya makakatulog na ulit ako.

---

| Marianna's Point Of View |

Birthday ko na ngayon! April 1 na!! Omg, I think wala naman sigurong prank ang apat na Nica kase birthday ko! Mukha kasing prank yung magkakapatid na yun e. Naalala ko tuloy yung prank nila na muntik na akong mamatay.

-Flashback-

May narinig akong nagsasalita sa baba pero kakaalis lang nila Zielle eh? So sino sila? Nakakatakot yung boses hindi ko kayang pakinggan.. Bumalik ako sa higaan at nagtaklob ng kumot. Natatakot ako, kasi ako lang mag isa at mahilig ako sa dark mode kaya pinatay ko ang lahat ng ilaw sa bahay kanina pag alis nila Zielle, tanging lamp lang sa kwarto ko ang nakabukas.

Hindi ko alam pero parang may katabi ako.. Ang lamig niya.. Medyo masasang ang amoy.. Ewan pero parang meron talaga.. So hindi ko na kinakaya yung amoy nya kaya naman bumangon ako ngunit ganon na lang ang gulat ko ng may bangkay na sa tabi ko.. Napatili ako ng malakas at muntikan na akong atakihin sa puso.. Duguan yung buong mukha nung bangkay at madaming sugat.. Sobrang puti nya.. Naiyak na lang ako sa gilid dahil sa takot.. Hirap na hirap na akong huminga..

Nag liwanag ang buong paligid at nakita ko sila Zielle na tumatawa.. Meaning full na prank na naman. Hindi ako natutuwa dahil muntik na akong malagutan ng hininga.

“It's a prank!! Doll lang yung akala mong bangkay haha!” tumatawang saad ni Zielle. Nakitawa rin sila Hazel kahit walang nakakatawa.

“Pag ako namatay dahil sa prank nyo, papatayin ko talaga kayo.” inis na saad ko. Tinawanan lang nila ako.

-End Of Flashback-

May naamoy akong mabango kaya napag-pasyahan ko na bumaba na. Naabutan ko si Gizelle at Dazelle sa kusina na nagluluto ng fried chicken. Nag greet sila ng happy birthday sa akin saka yumakap. Yii! Kinilig naman ako ehe. Pumunta ako sa may garden para mag-pahangin. Pagkarating ko doon ay may mahabang lamesa na naka latag at madaming pagkain. Hmmmm... mukhang surprise ang hinanda nila sa akin at hindi prank. Good yon.

Prank (oneshot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon