Sapo ko ang dibdib at napaluhod na lang muli sa panghihina habang sinasambit ang pangalan ni Lucas. Sinasampal ko ang sarili ko. . . umaasang isang masamang panaginip lamang ito. Pilit ko pa ring pinapaniwala ang sarili na hindi ito kayang gawin sa akin ni Luke. Na hindi niya kayang ilayo sa 'kin ang anak ko. . . ang anak namin! Na kahit kaunti lang ay mayroon pa rin siyang natitirang awa at pagmamahal sa akin para hindi niya gawin ito.

"R-Rose, tama na. . ." Lumuhod si Bluie sa aking harapan.

She gripped my hand tightly while sobbing. "R-Rose, tumayo ka na. Tama na, tama na. Umuwi na tayo."

Patuloy ang pag-agos ng aking masasaganang luha. Para akong sinasakal sa pighating nararamdaman ko. Hindi ko kaya. Hindi ko kaya ang ganitong klaseng sakit. Marami nang nawala sa buhay ko. Marami nang umalis at hindi muling bumalik kagaya ng Nanay ko at nakayanan ko iyon. Nakayanan kong harapin ang bukas na wala siya sa tabi ko. Natiis kong hindi siya makita, makausap o mayakap man lang. Natiis kong walang ina na gumagabay sa akin, ngunit ang hindi ko yata makakaya ay iyong mawala ang anak ko. Iyong hindi ko siya mayayakap, masisilayan o maaalalagaan. Iyon ang hindi ko kayang tiisin. Lumaki akong walang ina at ayaw kong maranasan niya iyon. . .

Lumipas pa ang mga panahon at walang gabi na hindi ko siya iniisip. Umaasa na sa bawat pagpatak ng bawat segundo ay magigising ako sa isang pinakamatinding bangungot. Walang mga araw na hindi ko siya sinubukang hanapin. Para na nga akong baliw na palaging nakaabang sa pinto habang naghihintay na isang araw ay susulpot ang mag-ama ko sa harap ng bahay namin at muli kaming magkakasama-sama.

Walang segundo na hindi ako umiyak at nangulila sa kanila. Palagi kong iniisip kung kumusta na kaya si Lucas? Kumain na kaya siya? Naalalagaan ba siya nang tama? Kailan kaya sila babalik?

Gusto ko na silang bumalik.

Sinubukan kong humingi ng tulong kahit kanino. Sinubukan kong gawin ang lahat para makapunta at masundan ko sila sa America o kahit magkaroon ng komunikasyon man lang.

Palagi akong nagba-baka sakali ngunit palagi rin akong nabibigo.

I almost lost hope. I almost gave up my life.

Ilang beses kong sinubukang tapusin ang buhay ko dahil sa tingin ko'y wala na rin namang kabuluhan kung mananatili pa ako rito sa mundo. Pagod na pagod na ako at gusto ko na lang matapos ito.

Ubos na ubos na ako.

"Kung mawawala ka, paano ang anak mo? Paano kung bukas bumalik na siya pero wala ka na, ha?" Iyan ang palaging ipinapaalala sa akin ni Damian at Bluie.

They stayed by my side even in the most fucked up point of my life.

Hindi nila ako iniwan. Hindi nila ako sinukuan kahit paulit-ulit ko nang sinukuan ang buhay ko.

Pinilit nila akong bumangon. Pinilit nila akong itayo. Wala na sana akong planong ipagpatuloy ang pag-aaral ko but I still made it. Noong tinatanggap ko ang diploma sa stage ay masaya naman ako ngunit kulang. Palaging may kulang, eh. Ang unang pumasok sa isip ko ay ang makahanap ng trabaho para mabilis akong makaipon ng pera papuntang America.

Hindi naman ako nabigo dahil pagkatapos ng graduation ay wala akong inaksayang panahon at kung saan-saan ako naghanap ng trabaho sa Manila. Si Bluie naman ay nakatanggap ng e-mail mula sa kompanya kung saan siya nag-OJT at doon siya nagtrabaho. Humanap kami ng apartment na matutuluyan ngunit kadalasan ay palagi siya ang sumasalo sa mga bill dahil madalas din akong masisante sa trabaho. May mga ipon naman ako ngunit hindi iyon sapat.

Nakakahiya man pero naiintindihan naman niya 'ko. Pinangako ko sa kaniya na kapag nakabangon na ako ay ibabalik ko sa kaniya ang lahat ng mga naitulong niya pero ayaw naman niyang pumayag.

Just Your Liability (Accounting Series #2)Where stories live. Discover now