Kumunot ang noo ko at pumasok sa walk in closet. Tinago ko muna ang binili ko'ng miniature ng carousel sa likod ng mga damit ko. Plano ko na sa susunod na araw ko nalang ibigay kay Hani ang regalo ko sa kanya.

   Matapos ko'ng magbihis ay nakaramdam ako ng gutom kaya pumanhik muna ako sa kusina. Pagbukas ko ng ref ay nakita ko ang isa'ng kahon ng manok galing sa isa'ng fast food chain at may katabi pa'ng softdrink. May nakalagay rin na note sa kahon.

Kinainan ko ng konti yung manok, natakam kasi ako sa balat eh. Pasensya na :)

   Napangiti ako tapos ay kinuha ko na ang pagkain at ininit sa microwave. Habang hinihintay ko na uminit 'yun ay nakatingin lang ako sa hawak ko'ng note.

     “Ang takaw mo talaga.” nakangiti'ng sabi ko.

   Every thing she does is cute.

   Nag-enjoy ako sa dinner ng binili ni Hani. Espesyal 'yun dahil pinuntahan pa niya ako sa opisina para dalhan ako ng hapunan. Napaka-maasikaso rin talaga niya kahit na nag-aasaran lang kami parati.

   Matapos ko'ng kumain at nang itatapon ko na ang kahon ng manok ay napansin ko ang isa'ng nakalukot na papel na kakulay ng note na nabasa ko kanina. Dinampot ko ang lukot na papel mula sa basurahan at bigla ako'ng napangiti sa nabasa ko.

WAG MONG KAKAININ ‘TO! BINILI KO ‘TO PARA SA’KIN! UUBUSIN KO PA ‘TO BUKAS KAYA KEEP OFF! GETS MO?!

     “Kailangan talaga capslock?” nakangisi'ng tanong ko.

   Siguro sinulat niya ‘yun bago ako tumawag sa kanya at nang malaman na niya 'yun'g dahilan ko ay siguro nag-iba na rin 'yun'g mood niya at binago ang note. Ikaw talaga, Hani, akala mo siguro maiisahan mo 'ko. Alam ko naman na para sa’kin talaga ang binili mo.

    

“May cake pa ba tayo sa ref? Parang gusto ko ata'ng kumain ng dessert.” tanong ko sa kanya kalagitnaan ng almusal namin sa sumunod na araw.

     “Wala na, gagawa nga ako mamaya pagdating ko galing Jacksbridge.”

     “Marunong ka'ng gumawa?”

     “Tinuruan ako ni Mama at nakasulat naman sa notebook ko ang procedures at ingredients kaya 'yun nalang ang susundin ko.”

     “Hintayin mo 'ko mamaya.”

     “Ha? Bakit?”

     “Tutulungan kita sa paggawa.”

     “Talaga?!” gulat pero may tuwa'ng reaksyon niya.

     “Oo, hindi ako kampante na ikaw lang mag-isa ang gagawa, baka magsayang ka lang ng gamit.” pang-aasar ko na nagpawala ng ngiti niya.

     “Akala ko kung ano na.”

     “Bakit? Ano ba'ng akala mo?”

     “Akala ko naaawa ka sa’kin kaya tutulungan mo 'ko, pero 'yun pala mas concern ka pa sa mga ingredients.”

     “Dapat lang, pera ko ang ginamit pambili nun.”

     “He!”

     “O, ba’t ka nagagalit?

     “Itanong mo sa sarili mo.”

     “Ewan ko sa’yo.”

     “Mas ewan ko sa’yo, ang gulo mo.”

BOOK 2: The HIM who loves Her...so muchWhere stories live. Discover now