X

779 23 1
                                    

[Narration]

Evie's P.O.V.

5:43 a.m.

Nilapag ko ang phone sa aking bed table ng magpaalam na si ate Amari. Maaga raw siyang pupunta ngayon sa company nila sapagkat nagkakagulo na ang kanilang business partners dahil sa pag-resign ng kaniyang kapatid, nakaraan lang.

Bumuntong hininga ako at pabagsak na humiga sa aking kama. Ipinikit ko ang aking mga mata. Ayon pa pala ang problema ko ngayon. My roommate is a complete stranger, and on top of that, lalaki pa.

I shuddered.

Kinuha ko ang unan at inilagay sa dibdib ng maramdaman ang lamig. First week of March, ang lamig agad. Ni-hindi ko nabuksan ang electric fan o aircon buong gabi, or maybe it was because I'm a heavy sleeper that I didn't feel the heat?

Napaupo ako ng may pumasok sa isip ko. Malamig kahit nasa kuwarto, paano naman kaya sa sala?

Hindi na ako nagdalawang-isip at tumayo. Dahan-dahan kong binuksan ang aking pinto, dahil baka magising ang tulog. Medyo madilim pa sa sala dahil nga malamig at madaling-araw pa lang. I tiptoed my way to the living room. Saglit akong napatigil ng makita ang kapatid ni ate Amari.

Pilit na pinagkasya ang matangkad nitong katawan sa maliit na sofa. Malaki naman sana ang upuan, pero parang lumiit. He's wearing a white and blue long-sleeved polo, and a pair of black jeans. Ginawang kumot ang kaniyang black coat. May suot na medyas.

His face is covered by his slightly curled hair. Hindi kita ang mukha nito, but thinking about Carter's genes, I'm sure he's a looker. I've seen his pictures along with the other Carters, but I don't really remember his features. Ang alam ko lang, matangkad ito at maputi. Mas lamang din ang dugong briton nito na galing kay Tita Mayari, unlike Cleo, the mini version of their japanese father, Tito Lucas. Habang si ate Amari ay hati ang mukha.

That is pretty amazing, to be honest. Unlike I and kuya Adam who shared both of our parents genes. Magkamukhang magkamukha. I smiled, saka iwinaksi ang aking iniisip.

Binalik ko ang tingin sa lalaki at inobserbahan ang kaniyang paghinga. Muntik akong mataranta ng mapansing hindi siya humihinga, but not really. His breathing rate is 8 bpm. Normal for an adult at rest.

Nilagay ko ang likod ng aking palad sa kaniyang pisngi. Saglit akong napasinghap dahil sa lamig nito. Hindi ko na napansin ang lapit ng kaniyang mukha sa akin, magaan kong inalis ang buhok sa kaniyang mukha para mahawakan ng mabuti ang kaniyang noo.

That's when I realize how close we are. Oh my god.

He looked really peaceful, sleeping. Kitang-kita ang makapal at mayabong nitong pilikmata. You can say that you can slide your finger in his nose, perfectly. His cherry lips were half-opened, ngunit hindi iyon bumawas sa kaniyang kakisigan. Oh, to be honest, he's not really that white, as I remembered. Golden ang kulay nito, ngunit kita pa rin ang namumulang mga pisngi.

Dahil siguro sa lamig, Evie.

I felt guilty. Nilobo ko ang aking pisngi. Kung hindi lang ako wala sa sarili kagabi, e 'di sana, mahimbing itong natutulog ngayon sa kuwarto ni ate Amari.

Naglakad ako sa kuwarto ko at kumuha ng malinis na blanket. Wala siyang lagnat ng hipuin ko ang noo kanina, buti na lang. Bumalik ako sa sala at kinumutan ang lalaki. Ng maramdaman nito ang kumot ay nagtangka itong ayusin. Sumimangot ako ng mahulog lang ito, saka lumapit upang ayusin ang kumot.

Aalis na sana ako papuntang kusina ng mapansin ang puwesto ng kaniyang ulo. Paniguradong paggising nito, ramdam niya ang nakakainis na stiff neck. Nagusot ang aking mukha.

Huwag na, Evie. Baka mamaya, magising. Magalit pa.

Hindi ko na lang ito pinansin at nagpatuloy sa kusina. Nakita ko ang ilang bukas na cup noodles, sa stock namin ni ate Amari. Right, I forgot to eat yesterday. Paniguradong walang pagkain kahapon.

Anong oras kaya dumating ang lalaki? Maybe just before I got home. Hindi na niya naabutan si ate Amari, e.

Hinanda ko na ang ibang ingredients at nagpakulo ng chicken broth sa pot. Pagkatapos ay inilagay ko na ang wontons at mushrooms sa pot at nilagyan ng mga pampalasa. Naglagay ako ng aking serving sa sariling mangkok at inabot ang dinner spoon.

Just when I was about to slurp a spoonful of wonton soup, I heard a familiar emergency ringtone. I sighed. Maybe not now, wontons.

Tinakpan ko ang pagkain ng food cover at tumayo. Mabilis akong naglakad sa kuwarto, saka sinagot ang tawag. Just what I expected, pinapatawag na ako ni Ms. Cha sa ospital. Supposedly, may isang oras pa ako na preparation, but with the call, I'm gonna say, no.

Pagkalabas ko ng C.R. ay tumakbo na ako papunta sa aking kuwarto. I wore my pink scrubs and layered it with my hoodie. Pagkatapos ng mabilisang hair dryer, I put on a minimal make-up because I wanted to look presentable, at least. I neatly put my hair in a ponytail at lumabas na ng kuwarto.

Ng malagay ang lahat ng necessities sa aking Nike duffel bag ay sinuot ko na ito. Nilapag ko ang susi ng kuwarto ni ate Amari sa table, malapit lang sa lalaki. Pagkalock ng pinto ay napabuntong hininga ako. It's never a good idea that I agreed with ate Amari to live in the 3rd floor of the building.

[Twitter]

Killian @kkill
Roomie did everything, got everything, but her phone. Hmm.

Mister, MisterDonde viven las historias. Descúbrelo ahora