Kath's POV
Nakauwi na kami galing sa Secret Forest. Napa upo na lang ako sa couch kasi nakakapagod. Nakita ko naman si DJ na umupo rin sa tabi ko.
"Napagod ka?"
"Oo ehh." Ngumiti ako.
"Sige. Magpahinga ka muna. May pupuntahan lang ako." Tumayo na siya at aaktong aalis pero hinila ko yung kamay niya.
"San ka pupunta? Sama ako." *O*
"Di pwede. Importante 'to."
"Eh san nga kasi?"
"Basta." Ngumiti siya tapos ginulo niya yung buhok ko.
"Fine." Nag crossed arms ako tapos nag pout.
"Tss. Dadalhan na lang kita ng chocolates. Di ba gusto mo nun?" Napatingin ako sa kanya.
"Talaga?" Napangiti ako tapos nag cling ako sa damit niya. "Seryoso ka?"
"Basta talaga pagkain eh. Takaw mo Kath! Haha!"
"Whatever. HAHA! Pero. Hintayin kita ah! Yeeeeeey! Chocolates! Mmm." Ngumiti ako ng abot tenga. Ewan. Naiisip ko pa lang. Ang sarap.
Ngumiti lang siya tapos umalis na. Paglabas niya ng pintuan. Saka ko lang naisip ulit...
San kaya siya pupunta?
Di kaya... Mambababae siya kaya ayaw niya akong isama?!
Hinde, hinde. Love niya ako ehh. At may tiwala naman ako sa kanya. ^_^
Tumayo ako sa mula sa couch. Haaay. Matutulog na lang muna ako. Maglilinis ako mamaya ng kwarto ni DJ.
Feeling ko kasi, hindi na ako Personal Maid ni DJ eh. Di na ako gumagawa ng gawaing bahay. Sayang naman yung sini-sweldo sa akin ni Tita Karla.
Yes naman! Tuuuhray ng Tita di ba? Haha.
Humiga ako sa kama ko at pinilit ko nang matulog.
DJ's POV
Nandito ako sa pa-developan ng pictures ngayon. Secret lang 'to ah? Gusto kong gumawa ng scrapbook namin ni Kath.
First time ko 'tong gagawin kaya hindi ko alam kung magugustuhan niya. Pero, wala namang masama kung susubukan ko 'di ba?
Binigay ko na yung memory card ng camera sa employee nilang babae.
"Miss, pwede simulan mo na yung pinapagawa ko?" Naka titig lang kasi siya sa akin habang nakangiti eh. Na-gwagwapuhan maybe?
"Ayy. Opo. Sorry po sir." Tumingin na siya sa monitor tapos tinignan niya yung pictures.
"Girlfriend niya ba 'to? Ang pangit naman. Mas maganda pa ako dito eh." Narinig kong bulong niya sa sarili niya.
"Excuse me miss?" Halata namang nagulat siya tapos parang nag isip siya ng sasabihin niya.
"What did you say about my girlfriend?"
"Uhm. Sabi ko po sir, Napakaganda po ng girlfriend mo. Bagay na bagay kayo." Palusot pa 'to.
YOU ARE READING
My Personal Maid [KathNiel]
FanfictionDaniel Santiago? Yung mayabang na feeler na playboy na masungit na matakaw na pangit? Juskeeeels! Itaya ko pa aso naming si Pocholo! Hinding hindi ako ma-iinlove sa manyak na yun! - Kathryn Madarcos
![My Personal Maid [KathNiel]](https://img.wattpad.com/cover/1272153-64-k516077.jpg)