KLEIN’S POV
Hooraaaaaay for Saturday! Buti na lang hindi KJ yung schedule ko. Wala akong pasok tuwing weekend. Kaso nga lang, may kailangan akong bilhing book na requirement namin sa major subject ko. Kailangan kong aralin. I REALLY LOVE NURSING! Enjoy, pero lagi na lang akong pinapahirapan. -_-
Yung mga kasama ko sa condo, ayun ang sarap pa ng mga hilik. 9am na kaya! Wala tuloy akong kasamang bumili ng book. Nakakatakot pa namang maglakad sa may patawid ng condo namin. Mag-ooverpass pa ko para makarating ng SM North/Trinoma. Dapat kasi hindi na ko nag-demand nun kay Daddy na mag-condo. Nag-iinarte lang naman ako nun kasi nga naiinggit ako sa mga kaklase ko na malayang nagagawa ang gusto nila sa labas.
Buti na nga lang malapit lang ang mall dito sa condo ko. Tinatamad kasi ako ngayong araw. Wala pa kong halos tulog this week. Finals na at nagsisimula na naman akong kabahan. Hindi pa kasi nagbibigay ng grades sa major subject ko. Huhu. May hindi kasi ako na-perfect na isang quiz nun sa Microbiology. Grade conscious eh? Badtrip ako ng araw na yun simula nung matapos yung debate. Sino ba naman kasing hindi?
Naglakad ako palabas ng condo at nagsimulang ilagay ang earphones sa tenga ko.
“So what did you think I would say? You can’t run away, you can’t run away. So what did you think I would say? You can’t run away, you can’t run away. You wouldn’t… I never wanted to say this. You never wanted to say. I put my faith in you, so much faith and then you just threw it away! You threw it away…” (NOW PLAYING: For a Pessimist, I’m Pretty Optimistic by Paramore)
Habang nagmamasid sa mga sasakyang nakahinto sa paligid ko dahil sa traffic, di ko napansin na may papasalubong sakin kaya nagkabanggaan kami bago umakyat ng overpass.
“Ay, sorry.”, sabay hakbang ko paakyat ng overpass.
Ooops! Wait! Kilala ko yung lalaking yun ah? Paglingon ko nakayuko siya at inaayos yung gamit niya na nalaglag. Dumere-diretso na lang ako ng lakad ko. Pagpasok ko ng mall, nagulat ako sa kumalabit sa akin pero di pa ko napapalingon ay nagsalita na siya.
“Ate, yung panyo mo nalaglag kanina nung nagbanggaan tayo sa labas. Pasensya na---“
Naputol yung sinasabi niya at nagulat ako sa nakita ko.
“Robi?!”
“Oh, Klein! Ikaw pala, long time no see ah.”
“Ah… Oo nga eh. Si-sige… Salamat.”
Nagmadali akong maglakad palayo. Ano kayang ginagawa niya dito? Kelan pa siya umuwi dito sa Pinas galing U.S.?
“Wait lang, Klein! Sandali!”
Nagmadali ako pero nasundan niya pa din ako.
“Oh? Bakit?”
YOU ARE READING
Bitter Since Birth
Teen FictionPaano nga ba nagiging bitter ang isang tao? At bakit nagiging bitter ang isang tao? "BSB ako. BSB as in, “Bitter Since Birth”. Hindi ako naging bitter simula nung ako ay naging tao. Naging bitter ako simula nung natauhan ako. Hindi ko lubos maisip n...
