Chapter 29: Duke and Duchess Of Wistown

Start from the beginning
                                    

"Oh I'm sorry." May galit pa rin ba siya? Grabe ang higpit niya kasi yumakap.

"My lady." Sabay kaming napalingon ni Dia sa kinaroroonan ni Krish na naghihintay upang ipakilala ko siya sa Prinsesa.

"Oh sorry I forgot to introduce my personal maid. Dia si Krish pala, and Krish si Princess Ela o mas kilala sa pangalang Dia."

"It's my pleasure to meet you, your highness." Napangiti na lang ako ng mapansin ang nangangatal na kamay ni Krish.

"It's nice to meet you too, teka nakakaintidi ka ng tagalog?" Tumango tango lang si Krish bilang sagot.

"Ang cute, tsaka ang cute din ng suot mong damit haha." Nabura na parang bula ang ngiti ko sa sinabi ni Dia. Ito na naman ang pagiging clingy niya at kawalang hiyaan.

.

.

.

Magmula ng araw na iyon ay muling bumalik ang communication naming dalawa ni Dia. At dahil hindi pa siya pamilyar sa mga pasikot sikot dito sa palasyo ay araw araw akong bumibisita upang itour siya sa bawat pasilyo ng palasyo, syempre kasama ko palagi si Krish dahil gusto niya pang makilala si Dia, bihira lang kami makalabas upang makapamasyal dahil may iba akong pinagkakaabalahan maging si Dia na under training pa rin nina Tita Vel at ang pinakamagaling na instructor dito sa Rallnedia na siya ring instructor ko sa pag-aaral ng wikang Tagalog.

"My lady hindi po ba tayo pupunta ngayon sa Riandorr?" Hindi ako makalingon sa kinaroroonan ni Krish dahil nakaharap ako sa monitor kung saan nasa virtual meeting ako, pero nakamute naman ang mic ko kaya hindi maririnig ang kahit anong tunog mula dito sa office ko maging ang tanong ni Krish kanina.

"Oh I'm sorry my lady." Napangiti ako ng bahagya matapos mapansin sa peripheral vision ko ang reaksyon ng mukha ni Krish nang malaman niya na nasa gitna ako ng meeting.

"What do you think Lady Garrett?"

"I agreed with Mr. Tuazon, his proposal for incoming sport fest is a new idea and new concept this year. I am looking forward to everyone and approved Mr. Tuazon's proposal."

"We're glad to hear that my lady." Ngumiti ako sa sinabi ni Mr. Tuazon, alam kong tatlong buwan ang ginugol nila upang mas mapaganda ang proposal na ito kaya hindi na ako magtataka kung bakit ang presentation niya ay tila pamilyar sa akin.

"I'm sorry but I have to go now, I still have other appointment this afternoon."

"Thank you Lady Carson."

"Thank you my lady."

"I'll see soon at the sport fest." Pagkasabi ko ng mga salitang iyon ay agad ko na ring pinatay ang laptop, mabilis akong tumungo sa room ko upang magpalit para sa next appointment ko with the Director of Cratemia School. Ngayon araw kasi ang final proposal nila para sa bagong logo ng sport fest.

"Sa tingin mo ba maganda na ang final proposal para sa logo ng sport fest ngayong taon?" Tanong ko nang mapansin si Krish na kakapasok pa lamang dito sa room.

"I think so my lady. By the way, nasa baba na po si Mr. Crane para ihatid kayo sa Cratemia School."

"Teka hindi ka ba sasama sa School?"

"I'm sorry my lady but I need to finish my work here."

"Yeah your assignment of these new case, I understand. Basta tapusin mo ang assignment mo then pwede ka na ulit sumama sa mga appointment ko."

"Sure my lady." Inilagay ni Krish ang cardigan sa balikat ko matapos kong maisuot ang sando na kulay peach.

.

.

.

Dia's POV

Abala ang lahat ng tao sa palasyo matapos kong makalabas sa session ng etiquette with the new instructor.

Strict, tough and smart ang bagong instructor ko, hindi siya katulad nina Nico, Tita Vel este Eve, June and Shaine. Kung kina Shaine nagagawa ko pang makipagbiruan kapag break time ngayon sa bago kong instructor ay hindi, maski isang segundo kong pagngiti ay hindi ko magawa. May mga hugot at jokes naman siya kapag nagiging boring na ang lesson pero ayaw niyang sinasakyan o tinatawanan ko ang mga iyon, at hindi ko alam kung bakit.

His name is Marcelo Hienz, isang professor sa Cratemia, isa ring magaling na instructor dito sa buong Rallnedia. Kung ipapaliwanag ko ang postura niya madali lamang, 5.5" lang ang height niya so ibig sabihin mas matangkad ako sa kanya, black hair, pale skin na kapag nasikatan ng araw ay mabilis mamula dahil sa sobrang nipis ng balat niya, single and ready to mingle.

"Is that clear?" Isang malakas na snap ng daliri ang narinig ko sa aking harapan, bumalik ako sa realidad ng mapansin na hindi pa pala siya tapos sa mga reminders niya.

"Yes Mr. Hienz."

"Tomorrow I will not be able to come, do your homework and see you next Wednesday."

"Thank you again Mr. Hienz."

"Nah, I'm the one who need to say thank you. By the way, I wonder about your looks this past few days of our session. You look alike your father, you're gorgeous."

Alam ko naman na maganda ako kaya hindi mo na kailangan pang sabihin ang bagay na iyon. Bulong ko sa aking isipan habang nakangiting nakatingin sa kanya palabas ng hall.

Wow ang kapal talaga ng mukha mo Dia. Mahiya ka naman, uso din ang magpakipot sa kagandahan. Tandaan mo nandito pa ako, matalino ka din kaso pagdating nga lang sa kawang hiyaan at sa mga designs. Natawa na lang ako sa tinutya ng aking isipan. Oo sa designs lang ako magaling, hindi ako matalino pagdating sa academics pero matalino ako sa pag-iisip ng mga designs at ng mga paraan kapag business ang pinag-uusapan.

"You should be the model of your own company."

"Thank you for the compliment Mr. Hienz but I should focus to my obligations and responsibilities as Princess of this country."

"Yeah you're right. But you should be as a part time, just try it for a single time. Haha by the way I'm heading to Ducches Eve office."

"See you next Wednesday Mr. Hienz and thank you again."

Kumuway na lang ako matapos kong mag-iba nang daan pabalik sa aking kuwarto, hindi ko kasama si Maliya at Manang Lou ngayon dahil abala sila sa paghahanda para sa dinner kung saan imbetado ang Duke at Duchess ng Wistown.


.

.

.

Naisipan kong tumungo muna sa garden kung saan iyon ang huling pinuntahan namin ni Shaine kahapon, umupo ako sa may bench sa harap ng isang fountain, napabuntong hininga pa akong napatingin sa kalangitan kung saan malapit ng lumubog ang araw.

Ma, kamusta na po kayo diyan sa Gemolis City? I hope you're doing great. I already miss you Ma, don't worry babalik din ako diyan after the coronation. And I still waiting for your answer about my true identity.

.

.

.

Nakangiti lang ako matapos kumain ng dinner with Duke and Duchess Of Wistown, si Eve lang at ang Duke ang palaging nagsasalita kaya nakaligtas ako sa mga posibleng itanong sa akin. Pero kanina ko pa napapansin ang mga tingin ng Duchess, parang gusto niya akong sakalin sa mga titig niya.

"Do you have boyfriend?" Isang nakakabinging tanong ang pinakawalan ng Duchess, hindi ako nakasagot agad sa mga sandaling iyon.

"She's single, why? Is your son wants to apply?"

"I'm sorry but I should focus to my obligations and responsibilities as Princess before that thing." Isang nakakalokong ngiti ang napansin ko sa mga labi ng Duchess dahil sa sinabi ko.





Unexpected RoyalWhere stories live. Discover now