Chapter 28: Misunderstanding

Start from the beginning
                                    

Matapos kumain ng dinner ay tumungo na rin kami ni Eve sa living room ngunit hitsurang session hall dahil sa sobrang lawak nito.

"Dia, they are all the staff here inside the palace. You already know Maliya and Lou, they are both your personal maids while Umi and Kera are still working with their documents towards Rallnedia." Si Maliya at Manang Lou ay nasa tabi ni Eve na pareho ang suot na uniporme, at gaya ng sinabi ni Eve nakilala ko na itong dalawa magmula kanina.

"Mr. Yong is your butler, while Hanz and Mhek will be your bodyguard and driver."

Ipinaliwanag ni Eve lahat ng role ng mga staff, kasama na sina Maliya. Halos nasa 30 personnel silang lahat kasama sina Ate Umi, Manang Kera at Mr. Yong.

Masasaulo ko ba silang lahat? Kasi sa pagsusuot pa lang ng damit tatlo na agad sila, ibang personnel pa ang mag-aasikaso sa sapatos na gagamitin ko, iba pa ang sa nakaassigned sa kakainin ko, maging sa make up na gagamitin ko, hays mabuti na lang si Jeyya lang ang nakaassigned sa mga schedule ko ngunit malabo iyong mangyari dahil ayaw ni Eve na iisa lang ang kasama ko kaya for sure may isa siyang idadagdag na personnel to arrange my schedule for possible meetings.

"Masasanay ka rin after one week." Napalingon ako sa sinabi ni Eve nang makabalik ako sa kuwarto ko kasama si Maliya at Manang Lou.

.

.

.

Hindi ko alam kung ano ang mangyayari bukas, wala pa akong idea kung ano ang gagawin ko. Wala din kasing nababanggit si Eve sa posible kong gawin.

Handa ako sa mga bagay na posibleng ipagawa sa akin as a Princess, sa loob ng dalawang buwan na pag-aaral ko sa lahat ng itinuro nila sa akin dapat lang na maging handa ako. Ngunit may kaba sa dibdib ko na harapin ang mga Duke at Duchess na nabanggit ni Eve kanina habang nasa hapag kainan.

Sa 31 cities dito sa Rallnedia lima sa mga ito ang may nakatalagang Duke at Duchess upang manguna. Ngunit sa lahat ng ito Hari at Reyna ang mas nakakataas ngunit dahil wala na sila naging bakante ang trono, hanggang ngayon ay pinag-aagawan ng mga Duke at Duchess ang trono, hanggang ngayon ay hindi pa rin natatapos ang hearing kung sino ang karapat dapat na umupo sa trono.

Nabanggit sa akin ni Shaine na kapag umabot sa 25 years ang pagiging bakante ng trono ay mawawalan ng bisa ang lahat ng batas at palatuntunan sa bansang ito, ang may karapatan na papalit sa trono ay ang sinumang may kapangyarihan na kasunod sa Hari at Reyna, dito sa Rallnedia ang apat na mas may kapangyarihan kasunod ng Riandorr ay ang siyudad ng Dunnelbridge, bago pa ang Cratemia, Stania at Wistown. Nakatala ang mga iyon sa mismong batas na ginawa ng grand grand grandfather ko na si King Geeno, ang kauna-unahang Hari o Emperor sa bansang ito.

Sa ngayon ay 24 years ng walang nakaupo sa trono kaya naghihintay ang mga Duke at Duchess sa pagdating ng September 5 ngayong taon para sa ika 25 na taon sa pagiging bakante ng trono.

At kung sakaling hindi ako makoronahan bilang Prinsesa, ang trono at lahat ng ari arian ng magulang ko ay mapupunta sa kamay ng Duke at Duchess ng Dunnelbridge, sila ang tinutukoy ni Shaine na matinik at madiskarte pagdating sa pagpapalaganap at paggawa ng bagong batas, sila din ang nangunguna sa lahat matapos mamatay ng mga magulang ko.



.

.

.

Nico's POV

"Sa tingin mo ba handa na si Dia para bukas?"

"Don't worry dalawang buwan niyang ginugol ang pag-aaral tungkol sa bansang ito, maayos ang resulta kaya alam kong handa na siya." Sagot ko sa kabilang linya.

"Nag-aalala lang ako para sa kanya."

"George nakilala mo siya ng mahigit isang buwan, at nakasama mo na din siya sa mga appointment mo. Wala ka bang tiwala sa pinsan mo?"

"Hindi naman sa gano'n, pero ayaw kong pag-initan siya ng mga magulang mo." Natigilan ako ng banggitin niya ang tungkol sa magulang ko, tama si George mainit ang dugo ng magulang ko kay Dia pero may tiwala ako kay Dia na kaya niyang harapin ang mga posibleng batikos sa bansang ito.

"May tiwala ako kay Dia, at may tiwala din ako sayo. Pero huwag mong hahayaan na mapasakamay nila ang utak ng pinsan ko."

"Matalino si Dia kaya hindi mo kailangang mag-alala." Napansin ko na napanatag naman ang reaksyon sa mukha ni George dahil sa sinabi ko.

Ang totoo niyan may kaba din sa dibdib ko ang biglaang pagpunta nina Dia sa Rallnedia, lalo pa't hindi ko maaaring iwanan ang on going rehearsal para sa fashion show na magaganap sa makalawa. Isang buwan na lang bago pumatak ang ika 25 na taon sa pagiging bakante ng trono, hindi ako sigurado kung makakapunta ba ako sa coronation night ni Dia pero sisikapin ko na makapunta ng mas maaga upang maituro ang iba pa tungkol sa mga batas ng Rallnedia.

"Sige kailangan ko ng bumalik sa stage, update mo na lang ako once na may schedule ka na sa pagpunta sa Rallnedia para makasabay ako sayo." Tumango tango lang ako sa sinabi ni George at ibinalik ang atensyon sa photo area kung saan abala ang mga models at photographer para sa entry ng Swisly Corporation.

.

.

.

Shaine's POV

"My lady hindi po ba kayo bibisita sa Riandorr ngayon?" Hindi ko nasagot ang tanong ni Krish habang abala ako sa ginagawa kong report.

"Maybe next time, I still working with my reports."

"Pinasasabi po kasi ni Butler Yong na kayo ang naka assigned bilang personal assistant ng Prinsesa." Napatigil ako sa ginagawa ko ng marinig iyon.

"Sino ang nag-assigned sa akin?"

"Pasensya na po pero 'yon lang ang sinabi ni Butler Yong at umalis na din agad kanina." Agad akong tumayo sa aking kinauupuan at nagpalit ng damit sa harap ni Krish.

"Sumama ka sa akin sa Riandorr."

"Po?"

"Diba gusto mong makita ang Prinsesa in person? Samahan mo ako." Napansin ko ang saya sa mata ni Krish ng sabihin ko iyon, pero naiinis ako dahil ako na naman ang naka-assigned na maging personal assistant ni Dia kung kailan may misunderstanding pa kaming dalawa.

Unexpected RoyalWhere stories live. Discover now