Chapter 27: Cratemia School

Magsimula sa umpisa
                                    

"Ma pasensya na po pero kailangan kong sumama sa Rallnedia. Mga ilang araw lang naman po kami doon kaya makikita ko muli kayo, at hinihintay ko pa po ang sasabihin niyo tungkol sa totoo kong pagkatao. Magpagaling po kayo ha? Huwag niyong pababayaan ang sarili niyo, laging makikinig kay Dr. Sylvia lalo na kay Dr. Luson, sila muna ang magbabantay sayo habang wala ako, okay?" Hinawakan ko ang kamay niya sa mga sandaling iyon, kahit wala akong sagot na narinig mula sa kanya ay napangiti pa rin ako.

Ramdam ko ang nagbabadyang init mula sa katawan ko patungo sa aking ulo, maging ang pamumuo ng luha sa aking mga mata.

"Mamimiss ko po kayo." Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko na hindi maging emosyonal sa mga sandaling iyon.

Hindi ko na nga siya nabibisita araw araw dito sa hospital, then aalis pa ako ng bansa.

"Babalik po ako Ma. I love you po." Hinalikan ko ang noo niya maging ang kamay niya sabay punas sa luha na nasa kanang pisngi ko.

Bago ako umalis ay inilabas ko sa aking bag ang isang litrato at key chain na paborito ko, inilapag ko iyon sa tabi ng kama niya sa ibabaw ng mini cabinet kung saan may nakalagay na isang basket ng prutas. Muli ko siyang hinalikan sa noo bago umalis.

"I love you Ma." Pabulong kong sambit.









Lumabas na ako ng room at tinahak ang daan pabalik sa basement.

"Excuse me Miss, is this yours?" Natigilan ako sa paglalakad ng marinig ang boses na iyon mula sa likuran ko, mabilis kong ibinaba ng kaunti ang cap na suot ko sabay harap sa babaeng iyon.

Napatingin ako sa bag ko ng makita ang hawak niyang keychain. Lalapit na sana ako sa kanya ng mapansin ang ngiti sa labi niya na tila kilala niya ako.

"Here. It's nice to meet you." Umalis na din siya matapos maibigay sa akin ang keychain na nahulog mula sa dala kong bag.

Sino 'yun? Kilala niya ako? Bulong ko sa sarili ko nang ipagpatuloy ko ang paglalakad patungo sa elevator na ginamit ko kanina.









Tahimik akong nakaupo habang nakatingin sa bintana ng eroplano, kitang kita ng dalawa kong mata mga ulap na nasa ibabang bahagi ng eroplanong sinasakyan namin. Hindi muna ako nagpaabala sa mga kasama ko sa halip ay nagpahinga, sakay kami ng private airplane kaya payapa ang paligid at hindi maingay.

May nakasalpak na headset sa tainga ko habang patuloy na tumutunog ang kanta n naka-play sa phone ko. Hindi ako nakapagpaalam ng ayos kay Mariel, maging sa iba kong katrabaho sa Swisly Corp. at Blant Styl, lalo na kay Brenda at Shine. Wala akong magagawa kung pinagbawalan ako na bumisita sa kanila, para din kasi sa kaligtasan ko ang inaalala nila kaya sumunod na lang din ako.

Naisipan ko na lang na matulog para sa susunod na biyahe bago makarating sa Rallnedia.

.

.

.

Evelyn's POV

"Sa tingin mo ba tama lang na hindi ko pinayagan si Dia na magpaalam ng ayos sa mga kaibigan niya?"

"Iyon pa rin ba ang bumabagabag sa isipan mo hanggang ngayon your grace?" Balik na tanong sa akin ni Mr. Yong.

"Pansin ko kasi ang cold aura niya magmula ng lumabas siya sa hospital kanina."

"Tama lang po ang ginawa niyo, hindi kayo nagkulang para sa kaligtasan ng Prinsesa kaya huwag po kayong mag-alala." Hindi ako nasatisfied sa sinabi ni Mr. Yong dahil hanggang ngayon ay ramdam ko pa rin ang guilty, halos lahat ng taong kakilala ni Dia ay hindi ko pinayagan na makabisita or makapagpaalam man lang bago kami umalis ng bansa. Ngunit kaya ng sinabi ni Mr. Yong para sa kaligtasan ni Dia ang ginawa ko, maging ang nabanggit ni Nico na nag-iingat lang ako sa posibleng mangyari.

.

.

.

Shaine's POV

Nabalitaan ko mula kay Gene na sakay na ng private airplane si Dia patungo dito sa Rallnedia, masaya ako ng marinig iyon ngunit may lungkot din naman sa dibdib ko dahil hindi ko alam kung paano harapin ang pinsan ko matapos naming magkasagutan. Ang immature ko mag-isip sa mga sandaling iyon, hindi ko na din kasi napigilan pa ang sarili ko na mabanggit ang mga salitang iyon.

"My lady handa na po ang bath tub niyo."

"Thank you Ate Krish."

Baka sakaling magtaka kayo kung bakit maalam magtagalog ang personal maid ko o ang kahit sino dito sa mansion at sa Palasyo. Matapos kasi na malaman ko mula kay Nico ang tungkol kay Princess Ela ay sinimulan naming pag-aralan ang Filipino bilang unang lengguwahe ng bansang kinaroroonan niya. Hindi naman mahirap aralin dahil halos kapareho lang ng English ang alphabet na ginagamit nila.

Halos limang buwan ang itinagal ko sa pag-aaral ng Filipino, mabuti na lang magaling ang instructor na kinuha ni Tita Vel kaya mabilis ko rin nasaulo ang mga malalalim na Tagalog maging ang Taglish na isa sa nakasanayan ng mga Pinoy.






Makalipas ang ilang minuto ko sa banyo ay nagbihis na din ako at tumungo sa capital upang bisitahin ang school na pinasukan ko noon. Every weekend ako pupumunta dito upang bisitahin ang mga estudyante maging ang mga facilities na ipinatayo ng aking mga magulang noong nabubuhay pa sila.

"Aren't you going to visit the auditorium today, my lady?" Tanong sa aking ng Director ng Cartemia School.

"How are the equestrian players?" Pag-iiba ko ng usapan upang makaiwas sa pagbisita ko sa auditorium.

Sikat dito sa Rallnedia ang equestrianism o ang tinatawag na horseback riding, kung saan ito ang pangunahing sports sa bansang ito. Masasabi mo naman agad sa hitsura pa lang ng watawat ng Rallnedia, may marka na agad ng kabayo kung saan ito ang sumisimbolo sa bansa.

 Masasabi mo naman agad sa hitsura pa lang ng watawat ng Rallnedia, may marka na agad ng kabayo kung saan ito ang sumisimbolo sa bansa

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"They're doing good. By the way, this coming month the final sport fest will take place in Riandorr, nearly fifteen universities will be attending the event, so our players are getting ready for that day." Napansin kong abala ang halos sampung estudyante sa kanilang training, kahit pagod at pawisan na silang lahat ay patuloy pa rin ang pag-eensayo nila.

Taon taon may nagaganap na equestrian sports dito sa Rallnedia, isa ang Cratemia School na nangunguna sa larong ito kaya halos lahat ay dito nakatuon ang atensyon. Maraming gustong makasali ngunit iilan lang ang pinapayagan na maging parte ng laro, ito rin ang laro na tumagal ng halos isang daan taon. At dito rin ako nakakapaglabas ng sama ng loob ko sa tuwing nag-aaway kami ng magulang ko, ngunit dahil wala na sila ako na lang mag-isa ang nagpapatuloy na alagaan ang itinayo nilang paaralan.

"Can I join the game today?" Tanong ko sa director, ngumiti muna siya bago iharap ang sarili sa akin.

"You don't even have to ask that thing my lady. You can have fun here in anytime you want."

"Excuse me." Alam kong iyon ang isasagot niya sa tanong ko. Mabilis kong tinanggal ang suot kong coat nang makapasok kami ng butler ko dito sa loob ng field.

Hindi ko na kailangan pang magbihis ng damit, dahil nakasuot na ako jodhpurs. Ang paborito kong pair ng black smooth sole high knee boots, white jodhpurs or breeches then black 3/4 sleeve para maging komportable ako sa paggalaw.

Unexpected RoyalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon