Prologue

1 0 0
                                    

Nagising ako dahil sa nag ri-ring kong cellphone, 'di ko pinansin 'yon at nag taklob nalang ng kumot. Tumigil 'yon sa pag ring ngunit segundo lang ang lumipas at nag ring na ulit 'yon


Antok na antok pa 'ko kaya kinapa-kapa ko na lang ang paligid ko, may marinig akong nahulog pero 'di ako natinag malamang yung alarm 'yon, pero kakaiba! Di alarm yung gumigising sakin araw-araw! Tawag!

Nung makapa ko yung cellphone ko ay sinagot ko yung tawag at pinatong sa mukha ko, ang aga-aga naman kasi nakakabanas!

"Hello" antok na sabi ko

Wow naman! Bedroom voice! Halatang di pa naliligo!

Rinig kong sabi ni Zach tumawag sya ng sobrang aga para lang sirain araw ko, piste! Agad-agad kong pinatay ang tawag at bumalik sa pag himbing pero sa kasamaang palad hindi ako tinigilan ng demonyo at tumawag ulit

"Ano nanaman! Yawa sabihin mo na lang!" Inis na sigaw ko

We have a party to attend later, get ready

Rinig kong sabi ni Mom! Shit ang bobo! 'kala ko si Zach na naman! Pero parang di naman nya pinansin kaya wala akong dapat ipag-lala?

Ugh kairita, party nanaman!? Tigil tigil, tumigil ka Adonis ang baduy! Para kang bakla!

Nababaliw na 'ko, umupo ako at sinapo ang noo ko saglet ano sabi ni Mom? Party later? Get ready? So ngayon na ko mag hahanda? Putangina

Tumayo ako at nag lakad papunta sa Closet, formal ba? Luxurious? Bwisit bahala na! kumuha ako ng Polo, jeans at syempre underwear bago pumunta sa CR.

Pag tapos maligo ay sinuot ko na ang damit ko, tumingin ako sa salamin at nakita ang napaka gwapo kong mukha, kahit ano talagang e-suot ko gwapo na talaga 'ko! Ngumiti at kumindat ako sa salamin bago kunin ang cellphone ko, nakita ko lamp sa sahig at yung alarm clock sa ibabaw ng cabinet, bobo yung lamp pala nahulog! Shit lagot ako kay Mom! Dali-dali kong kinuha yung lamp at binalik ito sa dating pwesto, sinubukan kong buksan pero hindi na bumubukas yung ilaw, baka napundi lang? Bahala ka 'dyan, bumaba ako ng hagdan at pumunta sa living room

Nakita ko sila manang na naglilinis na ngumiti agad ako nung tumingin sila sakin, para saan pa ang ka-gwapuhan kung hindi din naman pala gagamitin, 'di ba?

"Magandang umaga manang, sila Mom?" Tanong ko

"Ay umalis po sila sir, pero sabi ni Ma'am Heart susunduin ka na lang daw po nila mamayang alas-singko para sabay-sabay po kayo pupunta" sabi ni Manang

Piste! Mamaya pa pala eh! Tanginang yan! Nakasimangot akong pumunta sa kusina at kumain na lang, nag ring nanaman ang cellphone ko at dahil nadala ako kanina tiningnan ko yung caller I.D

Zachit sa ulo

"Oh? Ano nanaman?"

Naka ligo ka na ba dude?

"Alangan"

Share mo lang

"Gago nag tanong ka 'di ba!"

Chill ka lang, palamig ka muna HAHAHAHAHA! punta ka dito sa mall ngayon na

"Baket? Papalibre nanaman kayo? Gago! Pass ako!"

— Tangek may pera din kami! Tingin mo samin! Sadyang nag titipid lang talaga!

"Ang sabihin mo naubos yang pera nyo kase kakapusta nyo kung sino mananalo sa ml!"

Geez bro ez ka lang! HAHAHAHAHAHA! Pumunta ka nalang kung ayaw mong kaladkadin pa kita, eleven oc' lock

"Sa laki ng muscle kong to, baka ikaw makaladkad ko"

Falling GameWhere stories live. Discover now