Chapter 47

2.6K 91 1
                                    

*Fryell POV*

Nagising ako ng maramdaman kong parang may mabigat na nakadagan sa bandang tiyan ko.

Tiningnan ko kung ano iyon at ang binti lang naman ni Dark ang nakadagan.
Ini-angat ko ito Ng dahan-dahan para hindi ito magising.
Nang maiangat Kona ito ay dun lang ako nakahinga ng maayos.

Umalis ako sa Kama at tiningnan ang asawa ko na mahimbing pa din na natutulog.

Napag isipan ko na mag shower muna para maging fresh naman ang umaga ko.
Namili ako ng susuotin ko para ngayong araw.
Nang makapili na ako ay agad akong pumasok sa bathroom para mag shower.

Mabilis akong natapos sa pagligo at nag bihis na din ako.
Nang matapos ako sa lahat ng dapat kong gawin sa katawan ko ay tumingin ulit ako sa kama kung saan mahimbing pa din na natutulog si Dark.

"Hayyy nakuu.....sigurado akong may hung over Ito pagkagising..."mahinang sabi ko.

"Aha!!,bibili na muna ako ng breakfast namin para naman pagkagising ni Dark ay kakain na lang Ito."usap kona naman ulit sa sarili ko.

Lumabas na ako ng cabin at nag antay Ng golf cart na dadaan para makapunta ako sa restaurant na pagbibilhan ko ng breakfast namin ni Dark.

"Ohh baby fry!!!!"
Napalingon ako ng marinig ko ang boses ni Mich.
Tumakbo ito palapit sa kinaruroonan ko.

"Saan punta mo?"tanong nito sakin ng makalapit Ito.

"Sa restaurant bibili ng breakfast namin ni Dark."Sabi ko dito.

Kumunot naman ang noo ko ng nakatingin ito sa may likod ko kaya humarap ako para Makita ang tinitingnan nito.

Nakita ko lang naman ang masayang ngiti ni Maria.

"Ohh good morning girlsssss!!!!"bati nito ng makalapit samin.

"Good ang morning mo Maria?"tanong ni Mich dito.

"Yep!!!!hehehehe..."
Na curious naman kami dahil kakaiba ang ngiti ni Maria ngayon.
Magbabalak na sana kaming magtanong ni Mich ng biglang dumating ang golf cart.

"Tara na Elleybell and Michebell!!!!"..
Aya ni Maria at nauna na itong sumakay sa golf cart.
Bumaba naman ang lalaki na nag da-drive kanina sa golf cart.
Nagkatinginan kami ni Mich at sabay na nagkibit-balikat.
Sabay kaming sumakay ni Mich sa golf cart at si Maria ang nag da-drive sa golf cart na sinasakyan namin.

"Saan ba ang punta nyong dalawa?"tanong ko sa dalawa,dahil Hindi ko Alam kung saan ang lakad ng mga ito.

"Malamang Elleybell bibili ng breakfast tss.."-Maria.

"Dun din ang punta ko."-Mich.

Hindi na ako nagsalita pa ulit dahil nawawala ako sa mood.

Hayssss....

"Okay ka lang ba Baby Fry?"
Lumingon ako Kay Mich na syang katabi ko.
Tumango lang ako dito at itinutok na ang mga Mata sa daan.

"By the way how was your night?"tanong ni Mich.

"It's so verry good!!!!!"si Maria ang unang sumagot na waring nasiyahan sa tanong ni Mich.

"Ano bang nangyari sa inyo ni Marco?share mo naman Maria!"excited na Sabi ni Mich dito.
Chismosa talaga kahit kailan tsk!

Napailing na lang ako sa dalawa.

"Heheheh secret na yun Mich kaya quite ka lang dyan,okay?"
Ngumuso naman si Mich sa sinabi ni Maria.

"Daya Naman!"
Pagmamaktol nito.

Biglang huminto ang golf cart na sinasakyan namin kaya napatingin ako sa paligid.
Nasa restaurant na pala kami.

MY BOSS IS MY HUSBAND(Mafia's Corporation)Where stories live. Discover now