Prologue

109 4 0
                                    

CASEY ADIRA

"I can't breath, Ma." Nahihirapang usal ko habang patuloy parin akong naghahabol ng hininga. Bakas sa mukha ng pamilya ko ang labis na pag-aalala. Hindi na sila mapakali habang pinapaypayan nila ako.

Mahigpit akong napahawak sa braso ni Dad dahil sa hirap na nararamdaman ko ngayon. Parang nakikipag-kalaban ako sa kamatayan dahil sa sitwasyon ko.

"Call the fucking Doctor!" Dumagundong ang boses ni Dad sa loob ng silid kung saan nandito kaming lahat.

Umiiyak na si Mama at gaya ng iba ay balisa narin Ito.

May sakit ako sa puso at habang tumatagal ay palala na Ito ng palala dahil sa isang lalakeng labis kong minamahal. Si Ethan...

"Hold on, Princess. Malapit na ang Doctor" Mahinang bulong ni Dad sa may tenga ko.

Ilang sandali lang ay dumating nadin si Tito Kamdem. And kapatid ni Dad slash Doctor ko.

"Gawin mo ang lahat, Kamdem. Save my daughter" dad said while tears started to escape from his eyes.

Tumango si Tito tsaka sya lumapit sakin.

"Akong bahala sayo, Casey"

~~~~~~~~~~~~

Nagising ako at kaagad na lumapit sakin si Mommy.

Medyo maayos na ang pakiramdam ko at nakakahinga na'ko ng maluwag.

Thanks to My Tito Doc.

"Ka-kamusta ang pakiramdam mo, anak?" Alalang tanong ni Mommy.

Ngumiti ako sakanya upang ipahiwatig na maayos na ako at wala  na silang dapat na ipag-alala.

"This is not the first time na nangayri to sayo, Casey. Kamuntik ka ng mawala samin dahil sa gagong lalakeng yun" malakas na sigaw ni dad. Kita ko sa mga mata nya ang labis na galit kaya hindi ko maiwasan na huwag umiyak.

"Ma-mahal ko po si Ethan, dad---"

"Mahal? Dahil sa pagmamahal na yan, kaya ka napapahamak! Isipin mo naman ang sarili mo, Casey Adira. Wag kang selfish"

"Stop it, Antonio. Huwag mo ng pagalitan ang anak mo!" Sigaw ni Mommy tsaka nya ako niyakap.

Patuloy lang sa pag-agos ang mga luha ko tsaka mahigpit na niyakap si Mommy.

"I-i'm sorry, Ma. Hi-hindi ko gustong pahirapan kayo" I whispered.





~~~~~~~~~~~~~~~

"Hindi kaba talaga nakakaintindi? Ayoko nga nyan!" Malakas nyang tinabig ang pagkain na hawak ko kaya nagkalat iyon sa sahig.

Kanya-kanyang tawanan naman ang mga kaibigan nya kaya yumuko nalang ako habang pinipigilan ang mga luhang nais na namang kumawala.

"Ni-niluto ko yan para sayo, Ethan---"

"Wala akong pake kung sino ang nagluto nyan. I just want you to stay out of my fucking life!" Galit nyang kinuha ang gym bag nya tsaka lumabas ng school gym.

Ilang sandali lang ay sumunod nadin ang mga tropa nya pero bago sila tuluyang lumabas ay pinicturan muna nila ako at alam ko, ipo-post na naman nila yun sa Meme page ng Facebook.

Ng mawala sila ay duon na tuluyang kumawala ang mga luha ko.

This is the reason kung bakit halos araw-araw akong nakikipaglaban sa sakit ko.

Ethan Rage Aleje.

Ang lalakeng minamahal ko pero malabong maging akin..........

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 23, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Marrying The Gangster Where stories live. Discover now