Chapter Thirteen (Unintentional Kiss)

Magsimula sa umpisa
                                    

Mayamaya pa ay bumalik na sa dati ang temperatura, "That's unusual," isinawalang bahala niya na lang iyon, baka naging irregular lang ang wind temperature, mukhang guni-guni niya lang. Bumalik na siya sa kinaroroon ng munting nilalang at omega.

Hindi pa nga siya nakakalapit ay napapakunot noo na siya, naririnig na naman kasi niya ang lintaya ng madaldal na lalaki.

"Sabi ko na nga ba, tama ang hinala ko, dinala mo ako sa ganitong lugar para ipakain sa halimaw, iiwan mo na lang akong bigla rito tapos susunggaban na lang ako bigla ng mga malalaking halimaw. Sinabi ko naman diba pag-iisipan ko ang mga sinabi sa akin ni Alican. Huwag niyo naman akong madaliin. Mahirap din ito para sa akin."

"Hindi ka ba hiningal sa haba ng sinabi mo?"

"Ewan ko sayo!"

Hindi niya maintindihan ang kanyang nararamdaman gusto niyang kurutin ang mga pisngi nito dahil sa reaksiyon ng mukha nito ngayon.

Hinawakan niya ang kamay nito, "Hindi kita iiwan dito, saka kung gusto ko mang idispatsa ka, hindi sapat ang pagpapakain sa'yo sa halimaw na sinasabi mo," naramdaman niya na lang na binatukan siya nito, walang epekto iyon sa kanya pero imbis na mainis bakit parang nagustuhan niya iyon?

"Bakit mo ginawa 'yon?!" kunyaring asik niya.

Inirapan siya nito, sa ginawa nito ay nagmukha na naman tuloy itong isang lepus, isang hayop dito sa kanila na sobrang sarap alagaan dahil sa sobrang nakakagigil. Binabawi na naman nito ang kamay pero nungka hindi niya iyon bibitawan.

"Bumalik na nga lang tayo sa asticus, sa susunod na lang kita dadalhin sa lugar na iyon," mukha kasing mapanganib ngayon sa lugar na ito, naramdaman na naman kasi niya ang pag-iba ng temperatura gaya kanina.

"Maglalakad tayo pauwi ha, o kaya sumakay kung may jeep kayo rito, ayoko ng lumipad, nahihilo ako,"

"Omega," tawag niya rito, ayaw niya ng magpaliwanag. Ito na lang ang gumawa para sa kanya.

"Apolectus Unum, tanging paglipad lamang po ang paraan para makabalik tayo sa asticus, wala rin pong sasakyan dito kasi po nasa asticus po lahat ng 'yon," paliwanag ng omega.

"Ano!?" nginisian niya ito.

"Talagang sinadya mo akong dalhin dito para makatyansing ka 'no! Manyak din pala kayong mga alien!"

Hindi man niya alam kung anong sinasabi nito pero sumagot pa rin siya, "Hindi 'no, sa'yo lang," ngumiti pa siya. Sana tama ang sinabi niya pero ng makita niyang babatukan na naman siya nito mukhang mali ata ang naging tugon niya.

"Oh! Sorry! Sorry na!" sinasangga niya ang isang kamay nito ng isang kamay niya dahil ang magkabilang kamay nila ay magkahawak.

"Sa susunod talaga hindi na ako sasama sa'yo, manyak!"

"Tama na nga 'yan," ginamit niya na ang kanyang kakayahan para umangat sila. At sa pag-angat nila kasabay naman niyon ay ang pagyakap nito sa kanya.

"Dito ka sa likod ko," sabi niya habang nasa ere.

"Ayoko, dito lang ako," pabor iyon sa kanya, mas lalo pa ngayon na ang dalawang kamay nito ay nasa leeg niya habang ang mga binti naman nito ay nakapulupot sa kanyang beywang.

"Okay," pero nahihirapan siyang kontrolin ngayon ang hangin kumpara kanina. Kaya niyang pagsabayin ang limang nilalang sa ere kahit nga sampu pa, pero bakit ngayon tatlo lang sila ay nahihirapan na siya. Itinaas niya ang dalawang kamay para maayos na makontrol ang hangin.

"Omega, sa unahan ka," utos niya.

"Opo," simpleng tugon lang nito.

"Anong nangyayari?!" tanong ng munting nakayakap sa kanyang katawan.

Hindi siya tumugon, "Philcan?"

Hindi niya maintindihan ang naramdaman ng marinig niyang tawagin siya nito sa kanyang pangalan. Ang sarap sarap sa pandinig. Iyon na ata ang pinakamagandang narinig niyang tinawag siya sa kanyang pangalan.

"Philcan?" ulit nito, parang binigyan siya nito ng panibagong lakas ng tawagin siya nito sa pangalan. Kanina'y nahihirapan  siyang kontrolin ang hangin, ngayon ay parang kahit ilang libong nilalang pwede niyang isama sa ere.

"Philcan, sumagot ka, kinakabahan na ako rito,"

Sige lang. Tawagin mo lang ako sa pangalan ko. Gusto ko 'yan. Masarap sa pandinig.

"Philcan, isa," ngumiti siya.

"Dalawa,"

Ba't wala na 'yong pangalan ko?

"Tatlo," naramdaman niya na lang na kinurot siya nito sa likod. Walang epekto 'yon.

"Umaray ka naman kahit hindi ka nasaktan! Nakakainis ka na talaga!"

"Aray!"

"Too late, sabihin mo na kasi ano bang nangyayari,"

"Wala nga, napakaparanoid mo naman,"

"Sorry ha, kasi po nasa ere po tayo,"

"So?" hinawakan niya ang pwet nito.

"Manyak!"

"Sa'yo lang,"

Mukhang hindi niya pagsisisihan ang maging philetor nito.

My Alien Soulmate (boyxboy) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon