CHAPTER 19

4.5K 100 0
                                    

Di malaman ni Zion kung ano ang sasabihin.  Nakita niyang nakayuko at umiiyak si Aya sa gilid ng malaking puno habang may sugat sa paa.

Buti na lamang at nakita niya ito agad. Tinawag niya ito saka lumingon sa kanya  habang umiiyak itong tumayo nalang bigla at lumapit sa kanya saka siya agad na niyakap.

Di niya maipaliwanag pero gumaan ang pakiramdam niya ng  makita ito. Niyakap nalang din niya ng mahigpit ang dalaga. Kung nasundan sana niya agad ang dalaga hindi ito matatakot ng ganun katindi. Lalo pa't walang tao at matutulis ang mga kahoy na nakaharang sa mga daanan. Kinakabahan siya sa alalahaning mag-isa ito sa gubat na di alam kung ano ang naghihintay roon.

"I'm sorry!" tanging naisambit niya saka hinagod hagod ang likod ni Aya. Kumalas naman ang babae saka niya pinahid ang mga luha nito. Kinilatis niya ang kabuuan ng babae ng mapansing may dugo ang sapatos nito. Yumuko siya at sinuri ito, may sugat ang paa niya. Kumuha siya ng panyo sa bulsa niya saka tinali roon para tumigil ang pagdurugo.

"Masakit pa ba?" nag-aalalang tanong niya.

Lumingo lingo lang si Aya saka naman tumayo si Zion saka kinuha ang bag na dala niya saka bumalik sa kanya at umupo patalikod sa harap niya.

"What are you doing?" Nagtatakang tanong ni Aya habang humihingos sanhi ng pag-iyak.

"Hop in, di ka makakalakad ng maayos baka bumuka pa yang sugat mo mas lalala pa yan!" Sagot nito saka tinapik ang balikat nito para sumakay rito si Aya.

Dahan-dahan namang sumampa si Aya. Tahimik lang silang naglakad pabalik sa camping site kung saan naroon ang mga kasamahan nila.

"Zion"

Napasinghap si Zion ng maramdaman ang mainit na hininga ng dalaga. It gives him a craziness feeling.

'Damn' mura niya sa isip niya.

"Hmm?" mahinang sagot niya rito habang patuloy parin sila sa paglalakad.

"Salamat!" mahinang sambit ni Aya. Nahihiya man siya ay natutuwa pa rin siya na hinanap siya nito. She was such a burden to him na kahit magenjoy roon ay andun siya hinahanap si Aya.  He still has a kindness kahit lagi siyang inaasar at pinipikon nito.

"Wala iyon, pasensya kana sa ginawa ng dalawa. Di ko naman alam na ganito ang mangyayari. It was unexpected."

Di na sumagot pa si Aya saka tumango lang. Ilang metro rin ang layo ng nilakad nila saka nila nasalubong si France at David na hinahanap rin sila.

Tanong naman ito ng tanong kung ano ang nangyari sa kanya habang naglakad sila pabalik.

Hindi na niya kayang magalit basta ang mahalaga para sa kanya ay may kasama na siya at ligtas siya.

Ilang sandali pa ay natanaw na nila ang camping site nila. Walang tao roon kaya nagtataka si Aya, dati kanina ang dami ng tao pero ngayon wala na.

"Nasan sila?" takang tanong niya pagkababa niya sa pagkakasakay sa likod ni Zion at pinaupo siya sa isang foldable chair na naroon.

Nagkamot naman ng ulo si David saka sumenyas kay France na may pupuntahan sila.

"They're somewhere. Treasure hunting activity!"

Tumango lang siya saka tinanggal ang sapatos at tiningnan ang paa niya. Namamaga na ang parte na nasugatan. May naiwan  yata na putol na kahoy roon dahil sa hapdi at kirot.

"Does it hurt?"

"Eh kung ikaw kaya magkaganito!" Angil niya.

"I was just asking. Masama bang magtanong? Nagawa mo pang magalit so you don't need a first aid."

BILLIONAIRE'S SERIES #1 : BILLIONAIRE'S WIFE Where stories live. Discover now