15 2 0
                                    


「 NALALAPIT NA PAGDARATING 


--- Isang kwento ng dalawang babae tungkol sa pag-ibig at sakuna na hinaluan ng elementong kababalaghan.


"Naniniwala ka ba sa multo?" Tanong sa 'kin ng babaeng may bendahe sa mukha, sabay ngiti na para bang may masamang pakay. Ang mga mata niya'y numiningning at tila gutom para mang gulo.


Bago tuluyang magpaibang bansa si Rin Agnes Dioquino para sa kolehiyo ay nais niyang bumalik sa Iloilo para sa huling beses ay makita niya muli si Angelo Lazarus, ang batang lalaking nakalaro niya dati nung kabataan, ang mismong lalaki na masyadong sabik niyang naaalala.Ngunit pagdating niya ay tuluyan nang nag-iba ang munting lalawigan. Ilan sa mga gusali ay napalitan, ang mga bahay din dito ay tila nawalan na ng mga naninirahan, at ang batang lalaki na dati niyang nakilala ay hindi na matagpuan kahit saan.


Sa lugar ni Angelo, 'di niya inaasahang makita sarili niya na mas napapalapit kay Miya Jade "MJ" Morales, isang babaeng inip sa gulo na nakatira kasama ng kanyang mapamahiin pero mapang-alagang lolong si Doc Morales sa kanilang bahay na puno ng anting-anting, alindog, at kung ano pang mga nakokolekta ng kanyang lolo galing sa mga lokal na abularyo.


Walang duda ay marami na nangyari sa anim na taong nakalipas pagkatapos ng kanyang huling pagbisita. Kung hindi pa misteryoso sa kaniya ang pagkawala ni Angelo, ang lumalaking duda na hindi lamang basta pangkaraniwan ang koleksyon ni Doc Morales ay siyang magkukumbinsi sa kanya na hindi talaga laging tama ang unang akala.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 20, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Takip SilimWhere stories live. Discover now