Chapter 1

6.3K 246 9
                                    


Chapter 1

"I REALLY love the design!" Pumalakpak sa tuwa si Mrs. Angeles habang pinagmamasdan ang blueprint ng bahay nito. Bumaling ito sa asawa na tumango tango bilang pag-sang-ayon.

Nasa isang restaurant sila para sa kanilang meeting at upang ipakita niya ang design na ginawa niya para sa dalawa.

"It's perfect para sa bubuuhin niyong pamilya." Aniya. Itinuro niya ang mga detalyeng bagay na kanyang idinagdag sa huling blueprint na kanyang ginawa. "Apat na kwarto sa secondfloor, two guest room sa first and I also added a porch on your frontdoor. Is that ok with you?"

"Absolutely!"

"I also talk to your interior designer and we agree to add more details infront of your staircase. We couldn't find the exact design you wanted so I wanted to ask for your permission para sa ibang design."

"Sure thing, miss Herrera."

Ipinakita niya ang catalogue na pinagpilian niya. "These book is has all of my favorite design from my favorite interior designer. Hindi naman natin siya totally gagayahin, we're just going to copy the small details na babagay sa color ng bahay niyo."

Tumango ang babae. "Whatever you choose is fine by me, Alexa."

Mahina siyang natawa. Hindi parin ito nagbago. Kahit na milyonarya na ang napangasawa ay naroon parin ang pagiging mabuting tao nito.

Merielle is a good friend of her in highschool. Hindi ito lumaki sa marangyang buhay ngunit dahil sa talino nito ay nakapasok ito sa pribadong paaralan at nakapagtapos ng kolehiyo na walang gaanong problema.

Merielle is a top valedictorian and she is just one of top ten. At some point she is quite jealous of Merielle for being smart but then, pero napagtanto niya na karapat dapat si Merielle sa talino nito sapagkat hindi naman ito tulad niya na kahit hindi mag-aral ay may maganda paring kinabukasan.

Some people are least fortunate than her yet, still finds way to survived in this unfair world.

Hindi rin sila naging magkaibigan ni Merielle pero nagkaroon naman sila ng pagkakataong makilala ang isa't isa.

Nawalan na siya ng balita rito matapos silang makagraduate ng highschool. Pero ito mismo ang komontak sa kanya upang magpagawa ng bahay.

Masaya siya sa naging kinahinatnan nito sa buhay. Hindi naging hadlang ang kahirapan para matupad nito ang pangarap sa buhay.

"Kailangan nalang nating pumunta sa site upang masukat ang lote. Nang sa ganoon makita natin kung magbabawas ba tayo o magdadagdag." Saad niya.

"Ok."

Bumaling siya kay Merielle nang iyon lang ang naging sagot nito sa kanya. Napakurap siya nang makita kung gaano ito katitig sa kanya. "What? Is there a problem? May gusto ka bang idagdag?"

"No, it's just.."

"What?"

"Hindi ka parin talaga nagbabago."

"Paano mo nasabi?" Tanong niya.

"Most in our batch our living their life now. Naalala mo sila Ashley at Cora?"

"Yes? They're model?"

Hindi siya interesado sa dalawang iyon dahil pangit ang ugali ng mga iyon. Laki sa yaman pero kinulang sa sustansya sa sama ng mga ugali.

Nakikita lang niya ang mga ito sa billboard ng mga sikat na brand sa clothing line. Kung hindi siya nagkakamali ay minsa'y nakasama narin ng ate Celeste niya si Cora.

Herrera Series 8: The Last HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon