AYAV 7: two faced

14 1 0
                                    

Ayav7
Sana kung sinabi ng mokong ito sabay pa sana kami ni Markue umuwi, libreng payong pa sana!! Nagjujuramentado lang po ang isip ko habang nag-aantay ako dito sa print station. At yung kumag na yun, nasaan na ba yun? Andyan lang sya kanina sa cubicle niya ah.

"Kristan? Kristan?" taena iniwan ako? Baka nagbanyo lang? Oo baka nagbanyo lang. Dali-dali ko na nga kinuha ang mga iniprint ko saka lumabas ng station. "Nasaan na ba yun?"inikot ko ang aking tingin sa buong office namin pero wala ito. "Ay anak ng tebakla!!!" ano ba namang kulog 'yan dumagdag pa sa kaba ko.

Tumungo na nga lang muna ako ng cubicle at inilapag ang mga papers. Humanda sa akin ang galonggong na yan. Hindi man lang nagpaalam? Alam naman niyang kami lang ang naiwan dito sa floor na ito! Ipapatay ko talaga siya! Sabi pa naman nila may multo rito na gumagala! Kapag minulto talaga ako rito,arghhh!!! Naku,Kristan sasabog ba talaga ovaries ko sayo!

"Tapos kana?"bigla naman akong napaupo sa biglaang nagsalita. "Okay ka lang?"

"Ano ka ba! Magtabi-tabi ka naman!"singhal ko sa kanya sa sobrang kaba ko.
"Sorry,"mahinahong sambit nito at inalalayan kong tumayo pero kusa na akong tumayo dahil sa inis ko. "Nasa pantry lang ako naghahanda ng dinner,"pagpapaliwanag pa niya.
"Ah okay,sige kumain kana,"sagot ko habang inaayus ang mga gamit ko.
"Hindi ka sasabay? I ordered for two,"parang nagoosebump naman ako sa sinabi nito. "Just bring that to pantry. We should discuss about it,"tugon nito saka iniwan naman ako.

No choice kaya sumunod naman ako. Alam nyo na jutomjones din naman ako. Pagpasok ko ng pantry, jusko lord pakisaway naman po ang anak niyong ito. Tinatanggal ba naman ang butones ng damit niya. Buti na lang isang butones lang tinanggal niya,sayang!Umiwas na ako agad ng tingin bago pa ako maglaway. Pagkaupo ko inalok niya agad ako ng pagkain.
Ang awkward lang dahil walang masyadong imikan kung magkakaimikan man tungkol lang sa presentation namin sa susunod na araw.

"Paborito mo ba yan?"tanong niya sa akin kaya napatingin ako sa tinuro niya. "Sarap na sarap ka sa pagkain."
Parang nakadama ako ng hiya sa sinabi niya. "Hindi naman, masarap lang siguro ang pagkagawa ng restaurant na ito,"sagot ko naman. Oo nga nuh? Hindi naman ako mahilig kumain ng fish fillet. Masarap lang talaga pagkaluto nila.

Pagkatapos naming kumain pinag-usapan pa namin kunti ang tungkol sa presentation. Hanggang nagpasya rin kaming umuwi na at hinatid niya ako.

"Thanks, goodnight..."paalam ko pagbaba ko ng kotse niya at nginitian niya lang ako.

Ngayon ko lang na-appreciate ang ngiti niya. Iyong ngiti na totoo,hindi pilit at kahit papano napalitan ng ngiti ang bangayan namin buong araw.

Day of presentation...
"Ate Maic! Ate Maic!"napalingon naman ako sa nagjujuramentadong sumisigaw ng pangalan ko.
"Oh parang ang laki ng utang ko sayo kakasigaw mo ng pangalan ko,"bati ko sa kanya habang naglalakad kami papasok ng elevator.
"Kanina pa kasi kita tinatawag hindi mo ako naririnig,"hinihingal na sagot nito.
"Ganun ba? Sorry Markue huh, kinakabahan kasi ako para sa presentation namin,"kwento ko.
"Kaya mo yan ate, ikaw pa. Ang galing kaya ng senior architect namin,"sige palakasin mo pa ang tibok ng puso ko sa ngiti mo. Sige,yan gusto mo ehh.
"Oh sya, punta ka ng unit namin mamaya. Libre kita ng dinner,"ani ko.
"Talaga? Tamang-tama hindi pa kasi nakauwi ang kuya ko. Hintayin na lang kita mamaya,"nagkahiwalay na nga kaming dalawa paglabas ng elevator. Dumaan pa kasi siya sa HR namin.

Ako naman ay dumiretso na ng aking cubicle at andun na nga si Kristan. Mukhang hindi naman maganda ang gising nito.

"Uy girl masyado na kayong naging close ni Markue huh,"banat naman ni Eric-a.
"Inggit ka nuh?"ganti ko sabay belat sa kanya.
"Ok na ba lahat ng files natin? Aalis na tayo," napatingin naman ako sa kanya at tumango.

Hindi na ako naka-react dahil bigla na lang akong kinabahan ulit. Bakit kasi nagmamadali itong umalis.

"Goodluck Maic, Kristan,"pagchecheer ng mga kasamahan namin.
"Parang sasali lang tayo sa olympic makacheer diba?"pilit na biro ko. Pangpakampanti lang ng loob.

Dahil sa totoo lang kinakabahan na talaga ako. Ngayon lang kasi ako ulit magprepresent.

"Kinakabahan ka nuh?"napatingin naman ako sa aking katabi. Nasa biyahe na pala kami papunta kina Ms.Jance. Nakalimutan ko nang ikwento diba.
"Halata ba masyado?"temang ko naman na tanong sa kanya.
"Mukhang iiyak ka nga oh,"sagot naman niya at bahagyang napatawa ito.

Infairness hindi ako nainis sa tawa niya. Parang natuwa pa ako. Kasi naman mas nagiging hot siya sa ganung tawa.
"Sorry,hindi ko lang inaakala na ganyan ka pala kabahan,"inismiran ko na lang siya at tumingin sa daanan. Hindi sa naiinis ako sa kanya kundi dahil ang gwapo niya. Ano ba yan Maic!!

"Nagugutom ka?"magkasalubong kilay na tanong ko. Dumaan kami kasi isang drive thru.
"Here pampakalma,"iniabot nya sa akin ang matcha ice cream.
"Thi-thanks..."awkward ko naman na pasasalamat. Ang hirap talaga igets ng nilalang ito.

Huminto muna kami sa gilid ng daan para kainin ang inorder nya. Ang ganda ng view ng dagat at napakaaliwas ng hangin hindi tulad sa city.

"Hmmmmm...nakakagaan talaga ng pakiramdam ang mga ganitong view nuh?"tanong ko sabay yakap sa aking sarili.
"Nakakaaliw, nakakawala ng stress at nakakapahinga ang utak natin,"seryosong sagot nito habang nakatingin sa dagat.

Bakit ang gwapo mo parin kahit saang anggulo? Bakit parang gusto kitang maging kaibigan? Bakit parang may something... Ah ewan! Itinuon ko na nga lang ang aking atensyon sa tanawin.

"Tara?"biglang yaya naman nito.

Umalis na kami papunta kina Ms.Jance at habang papalapit kami sa aming destinasyon mas lalo namang bumibilis ang pintig ng aking puso. Parang iiyak na nga ako. Ewan ko ba bakit ganito ako kapag kinakabahan parang iiyak ang mukha.
At nakarating na nga kami! Todo pagchecheer naman ang nilalang na ito sa akin. Gusto ko na ngang isipin na may gusto sya sa akin eh,hahaha! Ganito ba talaga kapag ilang taon nang hindi nakakajowa? Sana all may jowa!!

ARE YOU A VIRGIN?Where stories live. Discover now