Chapter 14 - Continuation

Start from the beginning
                                    

"Paki ko?"

"Ikaw kaya nag-umpisa sa topic na bipolar." sagot niya saka dumapa na sa kama.

"Argh! Ang labo mo!"

Iniwanan ko siya sa kwarto at nagpuntang kusina. Nagugutom na kasi ako.

Binuksan ko agad ang ref at (_ _')

Anong kakainin namin?

Itong isang pack ng elbow macaroni?

May mga spices naman kaya lang walang carrots at iba pa.

No choice talaga. Ang arte kasing lalaki. Kung sana, kumain na muna kami bago siya magwalk out eh di sana hindi kami maghihirap ngayon.

Pwede na siguro 'to.

Buti nga meron pang laman yung gasul niya eh.

Nagsalin na ako sa dalawang mangkok saka nilagay sa mesa. Tatawagin ko na kasi yung mahal na hari. Baka kasi magbigti na yun sa sobrang gutom.

Tulog na kaya siya?

"Hoy. Lalaki. Tumayo ka dyan. Kumain ka muna." Ayaw magisin ah. Masigawan nga. "Hoy! Gising na sabi!"

"Aaaaaahhhh!"

"Ingay mo talaga."

Takte!

Sinong hindi sisigaw? Hinila ba naman ako at niyakap?

O///O

Gusto ko 'to. Hihihi.

Pero kailangan muna naming kumain.

Pakipot muna Fliss Yva. Pakipot muna ha? Okay ba? Maya na yan kapag nakaligo ka na.

Oh my!

Ang landi ko na!

"Bitaw nga!"

"Sus, gustong gusto mo naman."

>///<

Oo na pero maya na lang pwede?

"Ang kapal talaga ng mukha mo!"

"Kunware ka pa. Ang gwapo ko kaya." saka niya hinigpitam ang yakap sakin.

"Hangin pa more..."

Natawa siya sa sinabi ko. "You and your expressions." saka na niya ako binitawan at tumayo.

Sumunod naman agad ako sa kanya na papuntang kusina.

"What's this?"

"Soup."

"What? Are you kidding me?"

"No? Nagkataon lang kasing yan lang ang laman ng ref mo."

"Ayoko niyan." sabay tayo niya.

Ki arte arte talaga ng lalaking 'to. Tsk.

"Ganun ba? Sige, ubusin ko na lang. Bahala kang magutom mamaya."

Naupo uli siya.

I won.

Mwuahahahahaha

Humigop siya ng kunti na parang tinitikman muna ito saka nagtuloy tuloy mg kumain. Kitam Magugustuhan mo rin naman pala.

Ang saya kaya sa pakiramdam na naubos yung niluto mo. Feeling mo na-appreciate nila. (^_^)

"Ang pangit ng lasa." sabi niya saka tumayo.

"Huwaw. Hiyang hiya naman ako sayo. Matapos mong ubusin?"

"Ayokong kumalam tiyan ko kaya pinagtiisan ko na lang."

"Tse!"

Ang galing talagang magpalusot nito. Eh halatang halata namang nasarapan sa luto ko.

Oopps! O///O

Parang naging double meaning yun ah?

Pagkatapos kong kumain ay hinugasan ko na ang mga mangkok saka pumasok sa walk in closet niya. Puro loose shirt at pajamas ang karamihang nandito.

Kumuha ako ng malaking Tshirt at medyo kaliitang boxer short niya at nagtungo na sa banyo.

Grabe talaga 'tong lalaking 'to. Kung saan saan nilalagay ang pinaghubarang mga damit.

Nang makahalf bath na ako ay minabuti kong labhan narin ang damit ko. Isinama ko narin ang damit niya.

Seriously?

Sinama ko din yung brief niya kahit na sobrang naiilang na talaga ako ng mahawakan ko na.

Hinanger ko na lang din sa loob ng banyo since hindi ako makalabas dahil may voice command nga ni Terrence Yvo ang bahay na 'to na ngayo'y malamang na masarap ang tulog.

Ano naman kayang sunod kong gagawin?

Bukas na lang kaya ako maglinis? Gabi na kasi, bawala daw magwalis ng gabi dahil baka mawala daw ang swerte at malasin kami.

Sa totoo lang hindi naman talaga ako naniniwala sa kasabihang yun pero wala namang mawawala kung susundin mo di ba?

Humuiga na ako sa kama. Pero seryoso? Transparent ang bahay maliban sa banyo at walk in closet. Ibig sabihin kitang kita kami ngayon?

Ano ba yan. Nakakahiya naman. Makapagkumot na nga lang.

"Curtains."

Huh? O_O

Nilingon ko agad ang katabi ko na nakatalikod sa akin. Na siya namang nagsibabaan ang mga kurtina sa buong bahay.

Akalain mo yun kahit mahina at husky na yung boses niya eh nag-activate parin.

"Lights off." namatay naman agad ang ilaw.

Astig talaga!

"You better sleep now and would you please stop moving?" sabi niya.

Ano na naman kayang kadramahan ang nalalaman nitong lalaking 'to?

May pa 'please stop moving' pa siyang nalalaman?

Bahala siya dyan.

Hinila ko ang isang kumot at minabuting ibalot yun sa katawan ko dahil maliban sa Tshirt at boxer short na suot ko ay wala ng iba pa akong suot.

Nilabhan ko kasi ayokong mangati bukas. Nakakadiri kaya yun. Mabuti na nga lang at tinuruan ako noon ni Mama ng trabahong bahay bago siya mawala sa buhay namin.

Salamat Ma. Nang dahil sa tulong mo hindi ako magiging mabuting asawa tulad ngayon. Hindi ko mapagsisilbihan ang asawa ko.

"I said stop moving."

O///O

I froze.

Nakayakap na siya sa akin. Yakap yakap na niya ako ngayon habang nakatalikod naman ako sa kanya.

"Shit!"

Uh-oh.

Nahihirapan kaya siya? Malamang lalaki yan kaya ganyan. Wag ka namang painosente Fliss. Ang likot mo kasi eh. Yang tuloy.

"Okay. Hindi na ako gagalaw." sabi ko at lumalayo na sa kanya.

"Too late, wife." hinila at hinigpitan naman niya ang yakap sakin.

Damang dama ko ang mabigat niyang paghinga na tumatama sa tenga ko dahilan para magtayuan ang mga balahibo ko. Naramdaman ko din ang nasa baba niya.

Oh my gee!

Ang hot talaga ng Asawa ko lalo na't nagpa-blond siya ng buhok. Grabe. Ang gwapo gwapo pa.

Ito na nga ba yung continuation ng naudlot naming pagme-make love?

Kinakabahan parin ako kahit hindi ito ang una namin. I feel the excitement kung saan siya magsisimula. Kung anong unang gagawin siya.

At dahil hindi ako makapaghintay. Humarap na talaga ako sa kanya. Ngayon na walang istorbo. Ito na yun eh.

"I want you." he said in a husky voice.

"Feeling's mutual." then he kissed me passionately.

My Troublesome Guy ✔Where stories live. Discover now