"Yes, Sun," he whispered while stroking my back. "Her case might be Langerhans cell histiocytosis, which is treatable and has been linked to osteosarcoma a couple times before. It's only a slim chance of 0.3% but it's worth the try, right? Dr. Raj might have misdiagnosed her with cancer."

Hearing those felt like heaven. Wala akong pakealam kahit 0.3% lang 'yon. At least there's a chance, and that's more than enough for me.

"I don't know what to say," I said after unclasping from our hug.

Nginitian niya 'ko. "You don't have to say anything, babe. We just have to try, 'kay?"

Days passed by quickly after that. Nasa mansiyon ako ngayon ng mga Casagrande at naghahanda para sa birthday celebration ni Sab. Ico needed to attend a sudden five-day seminar out of town, which was why he hadn't been able to conduct Sab's diagnosis yet. Nag-usap naman na kami sa telepono at napagkasunduang gagawin 'yon sa mas madaling panahon.

'Di ko alam kung alam ba ni Dr. Raj ang tungkol sa teorya ni Ico. Probably not. Ipapaalam ko na lang sa kaniya kapag nagkita kami mamaya. Kinabahan ako nang mapagtantong maraming importanteng panauhin ang makakasalumuha ko dahil sa selebrasyong 'to. It's Lola's fault. Nag-imbita pa talaga siya ng mga politiko! At imbes na simpleng handaan lang, naging grande na ito!

Matapos ang pagputok ng balita tungkol sa kasal namin ni Ico noong isang linggo ay nagkalat sa buong bayan ang pagiging Casagrande ko. Dahil alam kong puro pambabash lang din naman ang matatamo ko kapag nagliwaliw pa 'ko sa sentro, itinuon ko na lang ang enerhiya ko kay Isabel dito sa mansiyon.

"Damihan mo pa, Ate," utos sa 'kin ni Sab. Ina-apply-an ko siya ng lipgloss para 'di mahalata ang kaputlaan ng labi niya. "More, Ate!"

"Ayos na 'yan, Sab. Maganda ka naman na, e."

"Pero pupunta si Christian ngayon!"

Nagsalubong ang kilay ko. "Sino 'yan?"

"Crush ko!"

"Anong crush-crush ka diyan?" mabilis na suway ko. "Bawal ka pa magka-crush, uy!"

Sumimangot siya. "Bakit bawal?"

"Kasi bata ka pa! 'Tsaka ka na magka-crush kapag eighteen ka na."

"E hindi na po ako aabot doon, 'di ba?"

Natigilan ako sa ginagawa kong pag-aayos sa kaniya. Sumikip ang dibdib ko, hindi lang dahil sa sinabi niya ngunit pati na rin sa paraan ng pagsabi niya nito. It was so innocent and carefree, like she had long accepted her fate and it was all fine to her.

"'Wag ka nang malungkot, Ate," wika niya 'tsaka marahang ngumiti. She wiped away the tears I didn't even know were strolling down my cheeks. "Sabi ni Kuya Ico, may mga bagay lang talaga sa buhay na hindi natin kayang kontrolin. Wala namang humiling na magkasakit ako kaya 'wag ka nang umiyak. Nandito na 'to, e. 'Tsaka tanggap ko naman. Matagal na."

I cupped her face and shook my head. "No, Sab... hindi dapat gan'to. Marami ka pang puwedeng gawin sa buhay mo. Marami ka pang pangarap na maaabot. This is unfair."

"Ate, masaya na 'kong nakilala kita."

"Masaya rin akong nakilala kita, Sab." I gave her my tightest embrace. "Sobrang saya."

"Sana maging masaya ka pa rin kahit wala na ako, Ate."

"I love you, Isabel."

Nag-umpisa ang selebrasyon at abala ako sa pag-welcome ng mga bisita nang bigla kong mamataan si Dr. Raj 'di kalayuan sa 'kin. Mag-isa siya kaya napagdesisyunan ko siyang lapitan upang igiya sa magiging upuan niya.

Bad Times at Sunrise (La Fortuna Series #3)Where stories live. Discover now