Untitled Part 9

433 20 6
                                    

"Masyado kang mahalaga sa akin para lang  baliwalain ko."

Natapos ang buong araw ni Kendra sa parlor pero ang mga linyang sinabi ni Niana sa kaniya ay tumatatak parin sa kaniyang isipan.

"Special? Special friend? Shuta." Hindi niya alam 'kung bakit naiinis siyang special friend siya ng kaibigan. Hindi ba dapat ay matuwa siya?

"Huy!"

"Ay puki mo!"

"I wish lang ano? Anong ginagawa mo riyan at nagmumuni-muni ka riyan?" Bungad sa kaniya g ni Mamang Genzy. Napakamot naman ng ulo si Kendra dahil hindi siya sure 'kung sasabihin ba niya sa nanay-nanayan ang kaniyang iniisip.

"Wala mamah! May naalala lang," napataas naman ng kilay si Mamang Genzy sa naging sagot.

"Anez? Boylet ba? May masarap bang naka-booking sa'yo?" Napaisip ulit siya sa tanong ng Mamang Genzy, sa dami ng nagbooking sa kaniya, wiz pa siya nakatikim ng tunay na masarap, halos lahat ba maman ay mga juts! Iiling-iling siya.

"Wala mah! Mga juts," sabi lang niya.

"Puro ka wala shuta ka! O siya, magsasara na tayo, hindi ba't may pasok ka pa sa bar?" Napatingin naman sa orasan si Kendra at nagmamadaling nag-ayos nang mapansin ang oras.

"Sige Mamah! Alis na akez! See you tomorrow!" Paaalam niya rito at lumarga na.

"Gaga! Linggo bukas sarado tayo! Ingat!"

Nagpakendeng-kendeng na umalis ng parlor si Kendra nang may biglang umakbay sa kaniya at tinakpan ang mga mata.

"Holdup 'to!" Sigaw ng pamilyar na boses sa kaniya. 'Nung una'y kinabahan ngunit nang matanto niya 'kung sino iyon ay siniko niya ito ng mahina sa tagiliran.

"Gaga! 'Yung falsies ko Paning!" Sabi niya sa kaibigan kaya bumitaw na si Niana .

"Anong ginagawa mo rito?" Takang tanong ni Kendra, kasi mga ganitong oras, nakikipag-inuman na 'to kina Mang Kaloy. Nagkibit balikat lang si Paning.

"Inaantay kita mag-out! Ang tagal mo nga e, alam ko alas-syete out mo, inabot ka ng alas-otso."

"Lukring ka e, sino ba may sabing sunduin at intayin mo ako?" Iwas tingin niyang sabi.

"Wala! Ako lang," tangina mo Paning, huwag kang ganiyan, baka mahulog ako.

"Desisyon ka," tanging nasabi niya at tahimik silang naglakad.

"Didiretso ka ba sa bar?" Tumango naman si Kendra bilang sagot.

"Kumain ka naman ba?" Agad siyang umiling kaya napatingin si Niana sa kaniya.

"Siraulo ka ba papasok ka sa bar tapos wala 'man lang laman 'yang tyan mo? Masyado ka nang masipag Kendra, hindi mo na naalagaan sarili mo! Sinasabi ko sa'yo talaga..." tila kinabahan naman si Kendra sa sinabi ng kaibigan. Alam niyang nag-aalala ito ng sobra sa kaniya at gusto lang nito'y akagaan ang sarili. Kaya nga nagvolunteer itong ibigay ang kalahati ng sweldo sa kaniya para kahit papaano'y hindi na niya pasan ang lahat.

"S-Sorry..." tanging nasabi niya, naiiyak siya. Hindi niya alam 'kung bakit. Ayaw niyang nagagalit si Niana sa kaniya. Sa lahat ng taong nakakasalamuha niya at nakikilala, si Niana ang ayaw niyang nagagalit sa kaniya. Nagagalit din siya sa sarili niya.

Na-alarma naman si Niana nang mapansin niyang umiwas ng tingin si Kendra para punasan ang butil ng mga luha na kaniyang pinipigilan.

"Hala, huy..." pagtawag pansin niya kay Kendra.

Strange Love Continues...Where stories live. Discover now