Untitled Part 12

143 15 1
                                    


Nagsisinungaling si Kendra 'kung hindi siya nakaramdam ng kaba buong araw. Bukod sa wala siyang nakukuhang text at reply mula kay Niana dahil unang araw ng trabaho niya ay lubog na lubog na rin ang araw at ilang oras na rin siyang nag iintay sa bus station na pagbababaan dapat ni Niana. 

"Nasaan na ba kasi ang shiboling 'yon?" Puno ng pag-aalala na sambit ni Kendra at paminsan-minsan ay napapakagat pa siya sa kaniyang daliri dahil sa kaba. Muli niyang tinignan ang cellphone para alamin ang oras, alas dies na. Sa pagkakaalam niya ay alas siete and out nito, medyo may kalayuan ang pinagtatrabahuhan ni Niana pero hindi naman siguro aabutin ng tatlong oras ang biyahe nito. Muli siyang nag-isip, panigurado ay nag-aalala na rin sila Aling Marie. Dinial niya ulit ang numero ng kaibigan.

"Sumagot ka na please..." kinakabahan niyang sambit sa sarili. Sakto namang may dumating na panibagong bus na naggaling sa LRT Buendia. Eto na 'yon. Sana.

Nang makaparada ang bus ay pumuwesto siya sa may pintuan at piangmasdan ang mga bababa. Ang likot-likot ng ulo niya, panay silip na baka malagpasan siya ni Niana. 

"Paning!" Malakas niyang sigaw nang makita ang kaibigan. mula sa kaniyang puwesto ay nakita niya si Niana na lumingon sa kaniya. Nangunot ang noo niya dahil sa nakita, parang namumugto ang mga mata niya? 

Kahit medyo siksikan dahilsa sunod-sunod na pagbaba ng mga tao mula sa bus ay nakisiksik si Kendra at inabot si Niana. Nang maabot ang kaibigan ay kinabig niya ito papalapit sa kaniya at medyo lumayo sa mga tao. 

Sinapo ni Kendra ang mukha ng kaibigan gamit ang dalawang kamay at nilapit ito sa kaniya ilang pulgada lamang ang layo sa isa't isa, tinignan niya ang kabuoan ng mukha nito. Mugto ang mga mata at namumula ang ilong.

"Umiyak ka ba?" Bungad niya rito. Bigla namang nangilid ulit ang mga luha ni Niana na ikinataranta ni Kendra. Hindi siya sanay na umiiyak ito, bukod sa sisiga-siga ito sa compound nila ay alam niyang hindi mababaw ang luha ni Niana. 

"Bakit?" may lambing niyang bigkas sa kaibigan habang pinupunasan ang mga luhang tumutulo mula sa mga mata nito. 

"Anong nangyari? Bakit ka umiiyak? May umaway ba sa'yo?"

"Huhu, ayoko na pagod na pagod ako agad!" Bigla naman natawa si Kendra pero hindi parin nawala ang kaniyang pag-aalala sa loob-loob niya. 

"O sige later mo na ichika 'yan," hinimas ni Kendra nang may lambing ang buhok ni Niana at pinadausdos ang kamay hanggang maabot ang kamay nito, "hahatid na muna kita sa inyo, doon na lang akiz magsleep-over. Okay ba 'yon?" Parang bata  naman na tumango si Niana at sumunod na lang kay Kendra na hila-hila siya paalis sa terminal. napa-iling si Kendra sabay ngiti. Hindi siya sanay na ganito si Niana, kadalasan kasi ay ito ang umaalo sa kaniya tuwing siya ay emosyonal. Pero hindi rin naman mawala ang tuwa kay Kendra dahil nagagalak siyang makita ang ganitong side ni Niana. Bukod sa bihira lang ang ganitong mga pangyayari ay sa kaniya lamang din nagpapakita ng ganitong kalagayan ang dalaga. 

Nang makarating sa bahay ng mga Cruz ay marahang ginising ni Kendra si Niana na nakatulog sa balikat niya habang nakasakay sila sa tricycle.

"Paning, gising na nandito na tayo sa inyo." Tinapik-tapik niya na rin ito sa pisngi.

"Nako, mukhang pagod 'yang si Paning. Buhating mo na kaya sa loob nila 'yan at huwag mo nang gisingin?" Suhestyon ni Mang Alex, isa sa mga kakilala nila sa toda na naghatid sa kanila pauwi.

"Nako Mang Alex, kita mong mas sexy pa ko rito kay Paning, wiz ko siya mabubuhat at saka naka heels pa ko." Nahihiyang sbai ni Kendra sa matanda, tumawa naman si Mang Alex.

"Huwag ka na kasi mag heels pagsusunduin mo 'yang shota mo." Pang-aasar pa nito kahit na alam naman niyang magkaibigan lamang ang dalawa. Ngumiti na lamang si Kendra at tuluyan nang nagising si Niana.

"Ay sorry nakatulog pala ako," pagpapaumanhin ni Niana at umayos ng upo sabay labas ng trike. 

"Salamat ho Mang Alex!" Pagpapaalam ng dalawa pagkabigay ng bayad sa matanda. 

Malakas na bumuntong hininga si Niana na narinig naman ni Kendra. 

"Ay ano 'yon? Ba't ang lalim? 'Di ko maabot?" Pang-ookray nito sa kaibigan. Mahinang tumawa si Niana at naglakad na sila papasok ng bahay.

Wala na silang nadatnan na tao sa sala nang makapasok sila, pasado alas dose na rin kasi, kumain pa rin sila sa Jollibee bago pumunta sa toda at sumakay pauwi. 

"Bakit ka nga pala umiiyak kanina?" Bungad na tanong ni Kendra nang maisara ang pintuan ni Niana at binaba ang mga gamit nila. Sumampa sa dulo ng kama si Niana kaya tumabi na rin si Kendra rito. 

"Nakakapagod pala magtrabaho sa malayo. Ang haba ng biyahe, wala kang kilala, parang bago lahat sa paningin mo. Nanliit ako kanina. Tapos halos lahat ng kapwa ko empleyado na matagal na sa trabaho ay kung ano-anong inuutos sa akin ultimo pagkuha ng kape sa pantry, sa akin nila inuutos. 'Di naman ako makaangal sa kanila kanina tapos ang sakit pa ng paa ko kasi naka heels ako, 'di ako sanay ng may takong 'tol. Ang dami ko sigurong paltos." Biglang humiga si Niana at sinundan naman siya ng tingin ni Kendra.

"E paano bukas? 'Di ka na ba papasok? Gusto mo na tumigil?" Pang-aalo ni Kendra sa kaibigan.3

Agad napa-upo si Niana sa kama niya at sinabayan ang titig ni Kendra. Umiling ito nang paulit-ulit.

"Hindi, baka sa una lang naman 'to. 'Di ako puwede tumigil, bubuhayin pa kita." Para namang may 'kung anong humaplos sa puso ni Kendra nang marinig iyon. Agad nagsituluan ang mga luha niya. 

"Bakit ba ako ang iniisip mo? Pagod ka na nga e." 

"Bakit naman kita hindi iisipin? E kaya ko nga naisipan magtrabaho dahil ikaw ang nasa isip ko." Taos pusong bigkas ni Niana.

"Huwag kang ganiyan, b-baka mahulog ako sa'yo." Kahit si Kendra ay nagulat sa kaniyang sinambit. Nanlaki ang mata nila parehas.

"Ayos lang, basta ikaw." Sabi ni Niana sabay haplos ng pisngi ni Kendra. 

"Gago ka, pakiss nga."

*tsup* 

Strange Love Continues...On viuen les histories. Descobreix ara