Malalaking hakbang ang ginawa ko hanggang sa makarating ako ng gate, kita ko mula dito na inaalalayan ni Clyde si Eli na makasakay sa kotse niya. Diretso naman ako na nag punta sa direksyon na yon, buti na lang wala yong guard na nagbabantay sa gate one.

Dire diretso ako sa paglalakad, isasara na sana niya ang pinto kong saan isinakay niya si Eli ng pigilan ko yon medyo naipit ang kamay ko kaya medyo na pasigaw ako sa sakit.

"Shit!" Malulutong niyang mura at agaran niluwagan muli ang pinto ng kotse niya. Sana all kahit grade ten lang naka kotse na pero sabagay si Margaux nga grade eight palang eh.

Bago niya maisara ang pinto ay nakita ko na mahimbing na ulit na natutulog si Eli pero agaran din nawala ang paningin ko don nang nakitang natatarantang lumalapit sa akin si Clyde, hinawakan niya agad ang kamay ko na dahilan kong bakit napadaing akong muli sa sakit kaya naman napamura na naman siya at dahan dahan na tinitingnan muli ang aking kamay.

Ngayong sa kamay ko siya nakatingin hindi ko naiwasang titigan siya. Hindi ko alam kong bakit ko ba to ginagawa pero simula mag CAT hindi ako nagkaroon nang pagkakataon na gawin ito dahil bawal pero nang marealize ko mali ang titigan siya at hindi dapat ay agad akong nag iwas nang tinggin, binawi ko din ang kamay ko kahit medyo masakit padin yon.

Nangunot naman ang noo niya dahil sa kilos na aking pinakita kaya mas lalo ko pang iniiwas ang aking mga tinggin at napunta iyon sa nagniningning niyang itim na sapatos.

"Ayos lang ba ang kamay mo? By the way what are you doing here? Need something?" Hindi padin ako nakatinggin sa kanya masyadong nakuha nang kanyang itim na sapatos ang aking atensyon, hindi ko maiwasang itanong sa sarili ko nadudumihan pa ba yon? Naglalakad pa ba siya sa school? Bakit ang kintab kintab at sobrang linis?

"Ah, hangin lang ba tinggin mo sakin? Hindi mo ba ako naririnig?" Nawala ako sa pagpapantasya sa kanyang sapatos nang muli siyang magsalita at nang dahil lang doon ay nataranta ako, yong pakiramdam ko nong una ko siyang makita ganon ang pakiramdam ko ngayon. Yong tarantang hindi ko alam kong saan nanggagaling at kong bakit.

"Why are you here?" Nagsalita siyang muli saka ko lang naalala na hindi yong black shoes niya ang dahilan kong bakit ako nandito, tumayo ako ng maayos at humarap sa kanya.

"Nandito ako kasi wala akong tiwala sayo! Malay ko kong saan mo dadalhin ang kaibigan ko" Nilakasan ko ang loob ko sa pagsasabi non sa kanya at ang kanya lamang ginawa ay ang tawanan ako pero imbes na mainis ako hindi ko alam kong bakit masaya pa ako na makita siyang tumatawa, yong itsura na hindi seryoso yong mukha hindi niya kasi basta basta pinapakita yon.

Tuloy tuloy lang ang tawa niya habang humaharap siya sa gawi ni Eli na mahimbing na mahimbing na natutulog sa loob nang kotse niya at walang kaalam alam sa kong ano mga pinaguusapan naming dalawa sa labas. Nang matingnan na niya si Eli ay humarap naman ito sa akin at idinantay ang isang kamay sa nakabukas na pinto nang kotse.

"Huh! At saan ko naman dadalhin si Three, ha?" Ngayon ay umiiling iling na siya at tuluyan nang isinara ang pintuan.

"Go back baka may makakita sayo mapagbintangan ka pang nag cutting class, which I think you just did" Pagkasabi niya non ay umikot na siya at sumakay sa kotse niya. Hindi ako nagpatalo at binuksan ang pinto sa likod at prenteng naupo doon, tumingin naman siya sakin mula sa rear mirror, nanlilisik na mata.

"What the heck! Ano namang ginagawa mo diyan, baba!" Hindi ako gumalaw kahit isang centimetro, inirapan ko lang siya.

"No! Sasama ako para sure na ihahatid mo talaga siya sa bahay nila, baka mamaya sa motel mo siya dalhin!" Pagkatapos kong sabihin yon ay malakas na tawa niya ang narinig ko, utas na utas siya sa sinabi ko na akala mo wala ng bukas. Oh god please make him stop laughing I can't help but smile when he does that, and I don't know why.

Rules of Love (UNDER EDITING)Where stories live. Discover now