Chapter 2

3 2 5
                                    

Mabilis akong bumangon at kaagad na umalis.

Kahit na madami naman akong oras para magtagal ay minabuti ko nalang na magmadali.

"Pasensya na ha, Dhie. Wala bang assignment?" Kaagad naman siyang umiling. Inayos ko ang paglalakad ng makitang papalapit na kami sa building ng grade 11 sections.

"Ayyy, Mhie! Alam mo ba may dalawang bagong transferee dito? Ang gagwapo nilang parehoooo!!!" Kahit yakap yakap ang makapal na libro ay nagawa niya parin itong hawakan ng maayos kahit na kinikilig.

Nakasanayan na namin ang tawagan na mhie and dhie kahit parehas kaming babae.

Etong babaitang ito kahit malabo ang mga mata, lumilinaw kapag may gwapo. Well, Both of us are in top lister kaya masasabi ko din. Ayos lang na lumandi at kumarengkeng basta maganda at matataas ang grades namin.

"Iyong isa balita ko, 19 years old na. At iyong isa naman is 20. Both of them are in college. Magkaiba lang ng level. Pero pareho ding mga gwapo!!!" Natawa naman ako sa reaksyon niya. Siguro kung tunay ang facial expression na may puso sa mata iyon ang makikita ko sa kaniya.

Sabagay, Maganda siya. Bagay sa kaniya. Mukha siyang anghel na nerd.

"Pero you know what, mhie." Mabilis niyang inangat ang salamin niya at naglakad pauna.

Kaagad siyang lumingon at naglakad patalikod. Well, Alam ko dalawa likod niya kaya at first nahirapan ako kung saan iyong harapan niya pero nung nakita ko iyong libro sa harapan ko.

I know, front niya iyon.

"Mas bet ko iyong bunso. Like, I saw him na, eh. Pero iba 'yung dating ng panganay. Pero dun talaga ako nagkagusto sa bunso." Umiling nalang ako sa ginagawa niya.

Alam naman niyang BTS lang ako kakalampag.

"Pero dahil hindi ka interesado, at hindi mo pa sila nakikita. I know you won't be interested to them." Tumango ako sa kaniya.

Well, Tama naman siya. Hindi ko pa naman sila nakikita. Malay mo magkagusto din ako kahit crush man lang.

"Hi Aika!!!" Muntikan pa akong mapatalon sa biglang pagbati ni Henry. Siya iyong nakita ko sa resort nung nakaraan.

"Hey!" Kaagaran kong bati.

"Magkakilala kayo?" Mabilis naman akong umiling at nakita kong tumango si Henry at naguguluhan sa ginawa ko.

"Nagkakilala lang kami sa resort. Bago lang, Pero if that is counted. Yeah, Magkakilala kami." Gulat na gulat niya akong hinila pagilid.

Saka ko lang nakita iyong kasama niya.

"Oh, Hi Honey!" Masigla kong saad ay sinabayan ng pagkaway. Nakita ko naman na nagulat siya at natatawa si Henry.

Maybe because he doesn't know that I know him? Or sadyang feeling close ako?

"Kilala mo sila? Sila iyong sinasabi kong bagong transferee dito."

"Talaga? Oh edi maayos. Kilala ko na sila." Nginitian ko siya ng malawak na malawak na halos mapunit ang labi ko sa sobrang laki.

"Mauna na kami." Mabilis naman silang tumango.

"Sige!" Si Henry iyon.

"See you around." Mabilis pa sa alas kwatro akong hinila papaalis ni Atashia doon.

"Hindi mo sinabi, Dhie! Kaloka kaaa!!!"

Lumipas ang ilang oras ay mabilis na kaming umalis.

Sa wakas, It's break time na! Mabilis kaming naglakad papuntang cafeteria. Nakita ko naman kaagad ang likod ni Atashia na kumakaway ang kamay.

Nanlaki naman ang kamay ko ng makitang nakaharap pala siya sa akin.........

Oh my gosh, Aika. Why so harsh?

Mabilis akong nag-order ng food naming pareho na palagi naming kinakain tuwing break time.

Nakita ko namang may kasama siyang nakaupo.

"Bakit dito ka nakiupo? Wala na bang ibang seat?" Saad ko sa kaniya at hindi man lang napansin kung sino ang mga nakaupo doon.

Mabilis kong pinalibot ang paningin ko.

"Walang bakante, Mhie." Dahan-dahan naman akong umupo ng makitang totoo nga ang sinasabi niya.

Pati sa kabilang side ng cafeteria ay puno na rin.

"Oh! Hi! Hi, Henry! Hi, Honey!" Itinaas ko ang kamay ko at magiliw na kumaway sa kanila kahit na naiilang.

Sa dinami-dami na pwedeng makihati sa kanila pa.

Nahihiya na rin ako dahil naalala ko baka kasi nakita nila ako nung panahong lugmok na lugmok ang mundo ko dahil sa sakit ng ngipin ko.

"So, Dhie. How's your teeth? Maayos na ba?" Tumango ako sa kaniya.

Nakita ko namang tumawa si Henry. Naiilang naman akong kumain.

"My name is Apollo, Not Honey." Naibuga ko ang iniinom kong soda. Mabuti nalang at sa sahig iyon at hindi sa kaniya.

"Whuuuut?!!" Hindi ko alam kung ano ang tawag sa pinaka specific na nararamdaman ko kapag naghalo ang hiya at gulat.

"I thought.... Hindi ikaw si Honey?" Dahan-dahan siyang tumango.

Nahihiya naman akong lumingon sa iba.

"Oh, Anong tingin tingin niyo dyan? May sine dito?" Malakas kong sigaw sa kanila ng makitang halos lahat ng malalapit sa pwesto namin ay nakatingin sa amin. Kaagad naman silang bumalik sa kaniya kaniyang nilang ginagawa matapos kong sumigaw.

"But... You said.... His....His name is Honey?" Kahit na tumatawa ay gwapo pa rin tignan si Henry. Now I know kung bakit niya nasabi na gwapo ang bunso.

Kitang kita ko naman ang pagliwanag ng mundo ni Atashia. Daig pa ang liwanag ng araw na natapat sa kalupaan.

"No, His name is Apollo. Not Honey. HAHAHAHA. I was just joking that time! I'm sorry, Aika. I didn't mean that you will take it seriously." Kahit na malakas ang tawa niya ay hindi iyon napapansin dahil maingay naman talaga dito sa loob ng cafeteria.

May mangilan-ngilang nakatingin dahil siguro may kasama kaming dalawang gwapo.

Pero ang iba ay mga walang pakealam.

"Dhie--" Hindi pa natatapos ang sasabihin ko ng may biglang malakas na kalabog sa may pinto ng cafeteria.

Kaagad naman akong napataray ng makita kung sino iyon.

Inayos ko ang upo ko at mabilis na pinagpagan ang sarili.

"Hi, Aika! Welcome back!" Hindi ko siya tinignan sa mukha. Kilalang-kilala ko naman siya eh.

Tsaka nagsasawa na ako sa pagmumukha niya.

Sino ba namang hindi? Self-proclaimed gang leader pero di marunong makipaglaban?

Tsaka sinasabi ko sa kaniya palagi na I'm not interested in any men in my surroundings. Pero todo ligaw ang kupal kala mo naman talaga.

I mean, Hindi naman sa panget siya kasi totoo naman. He's just not my type when it comes to relationships.

Aminado akong hindi ako maganda kaya nga nagtataka ako kung bakit ako? Madaming babae jan sa paligid oh.

"Pwede ba. Lubayan moko." Boryo kong saad at inayang lumabas si Atashia.

"Alis na tayo." Hindi pa ako nakakatayo ay hinarang na niya ang kamay niyang may hawak na bulaklak.

"I told you, I'm not interested on you. Tsaka maraming babae dyan. Sila nalang."

"Halika na, Dhie."

Serendipitous LoveWhere stories live. Discover now