"She's so cute" Apollo said while looking to the air. Kaagad naman akong tumingin sa tapat niya baka kasi nasa buhangin siya nakatingin.
Ilang araw na kaming nag-stay dito. Hindi naman namin gusto ang tumira dito. But we had no choice but to stay.
"Saan dyan?" I asked then he pointed 'her' using his lips. Mabilis naman akong tumingin sa sinasabi niyang babae.
Tinignan ko pa siya ng ilang minuto at saka napagtanto. In-love si loko.
"OH! Ang aga mo naman gumising?" Hindi ako umimik.
"Kain kana, Teh." Umiling lang ako. Hanggang ngayon ay masakit parin ang ngipin ko.
"Ang kyut mo! Sarap mong pisilin sa pisngi." Kaagad kong sinamaan ng tingin ang pinsan ko.
"Kamukha mo yung batang nagtatampo, Yung sa Facebook! HAHAHAHAHA" Mas lalo akong napasimangot sa sinabi niya. Lumukot naman ang mukha ko ng marinig na nakitawa din ang iba.
Wala talaga ako sa mood. Bakit kasi kung kailan nandito na kami saka pa ako tutubuan ng wisdom tooth.
"Kain kana, Teh." Umiling ako. Umusod ako ng kaunti ng makitang lumabas ang pinsan ko mula sa kwartong tinutuluyan namin dito sa beach resort.
"Oh, Ang aga mo naman atang gumising. Natulog ka ba?" Tanong niya. Malamyang tumango kasabay ng pagtaas ng kilay at nakatingin sa karagatan.
"Magmumog ka gamit tubig dagat!" Saad ng isa kong tito. Nagtawanan naman sila ngunit tinarayan ko lang siya.
Ba't di siya dun uminom?
"Ayyy sus! Kahimusay sa dagway aning bayhana." (Ayyy sus! Ang kinis ng mukha ng babaeng ito.) Saad ni Lola. Mas lalo akong napasimangot.
Pakiramdam ko ay pinagtutulungan nila akong lahat dahil imbis na maligo ay nandito ako nagmumukmok dahil sa sakit ng ngipin.
Bakit pa kasi ngayon ako natubuan? Edi sana masaya akong naliligo ng dagat ngayon.
"Bakit di ka natulog?" Tanong ng pinsan ko.
"Natatamaan kasi yung ngipin ko. Nasasagi habang natutulog siya. Kaya umalis na ako." Banggit ko sa pinsan kong halos maging parte na ako ng pader dahil sa sobrang lapit kung matulog.
Ang laki-laki ng space ng paligid pero kung makasiksik daig pa namin ang natulog sa isang lugar na punong puno ng tao.
"Kaya pala ang aga mong gumising." Tumango lang ako sa sinabi niya at umalis.
Gusto kong kumain pero di ko magawa dahil sumasakit ang ngipin ko kapag ngumunguya.
"Pabili nga po! Chocolate, Apat." Mabilis naman akong binigyan ng tindera ng binibilhan ko.
"Akala ko ba masakit ngipin mo?" Tanong ng pinsan ko ng makitang sinundan niya pala ako.
Umiling ako sa kaniya at binalik ang atensyon sa tindera dahil magbibigay na siya ng sukli.
"Napag-utusan lang." Tumango naman siya at nang papaalis na ako ay may dalawang lalaking nasa harapan kong humaharang.
"Miss, Pwedeng magtanong?" Mabilis na nagdikit ang kilay ko at tinignan sila.
Ang lalaking nasa harapan ko ay mukhang bata pa habang ang nasa likod ay sa tingin kong nasa 20's na.
"Ano yun?" Nakita ko namang siniko niya ang lalaking nasa likod at ngising aso na tumingin sa akin.
"What's your ideal type in age? Do you prefer younger than older?" Mas lalong nakunot ang nuo sa tinanong niya.
"How old are you?" Tanong niya.
"16." Simple kong saad nakita ko namang ngumiti ang nasa unahan.
"So young, Pero pwede na." Nakita ko pang pasimple itong lumingon sa likod kung saan nakatingin sa amin.
"Pasok ba sa taste mo ang 20 years old?" Kaagad akong umiling sa sinabi niya.
"How about 19?" Umiling ako ulit.
"Uhmmm, 21?" Mas lalo akong napailing.
"I don't like boys." Mabilis ko silang nilagpasan.
Bago pa man nakakalayo ay narinig ko ang tawa na nagmumula sa lalaking kaninang nagtatanong.
"Mukhang she don't like you."
"Aika, Ano na? Masakit pa din ngipin mo?" Tumanggo ako. Dalawang araw na kami dito. Pero eto kumikirot pa rin ang ngipin ko.
Napatingin nalang ako sa karagatan. Buti pa 'to. Pa-chill-chill lang. Habang ako kulang nalang ay umiyak na.
Puno ng pagseselos ang mata kong pinagmasdan ang mga taong naliligo.
Natatakot ako na baka mas lalong sumakit ang pisngi ko kapag naligo ako at masaktan ang ngipin ko.
Kasi kahit kunting nguya lang ay sumasakit na paano pa kaya kapag nahahampas na ng alon?
"Hi!" Magiliw na saad ng lalaking tumabi sa akin. Tumingin ako sa kaniya.
Siya yung lalaking nagtanong ng edad ko kahapon. Ngunit wala iyong lalaki na kasama niya.
"Yes?" Mahina kong saad. Baka mamaya mabaho na ang hininga ko. Nakakahiya iyon.
"What's your name?" Tanong niya.
"Why?" Nakita ko naman ang pagkunot ng nuo niya.
"Why? Your name is Why?" Napangisi nalang ako sa sinasabi niya.
"Ang sabi ko, Bakit? Bakit mo tinatanong?"
"Aaaahhh. I thought your name is why. Hehehe." Nahihiya siyang umupo at tumingin sa dagat.
Mabilis naman akong tumingin din ako sa karagatan.
"Aiyha Karylle, Aika for short. How about you?" Ngumiti siya at inextend ang kamay sa harap ko.
"Henry, Henry Tan." Napangiti naman akong tinanggap iyon.
"Ang kasama ko naman kahapon is, Honey. Honey Tan ang name niya." Nagulat ako pero kalaunan ay natawa nalang.
"Really? Honey ang name niya?" Mukhang totoo nga kasi naiilang siyang tumango.
Hindi na siya nagtagal mabilis na siyang nagpaalam na aalis na sila. Kaagad naman akong tumango at nagpaalam sa kaniya.
Makalipas din ang ilang oras ay mabilis na din kaming nag-impake. Aalis na rin kami.
Muli pa akong napatingin sa karagatan.
"Hindi man lang kita nahawakan, Mahal ko. Sana ay sa susunod mahagkan mo na ako." Madrama kong saad.
"Oa mo, Tanga! Aalis na." Mabilis naman akong nanlumo sa sinabi niya. Palibhasa nakaligo ng dagat ako hindi kaya sinasabihan ako ng ganyan.
"Next time nalang Mr. Sea. Magkikita din tayo. Wait for me, Okay?" Napangiti naman ako ng makitang may malaking alon na papalapit.
"Hoy, Tanga! Bilisan natin baka magtsunami! Ang Oa Oa mo, Kanina ka pa ah!" Mabilis naman akong tumingin sa ibang tao.
Halos pala lahat ng nakatira dito ay lilikas na. Iyon pala mag tsutsunami na.
Malungkot akong nagmamadali papakyat ng jeep.
Madrama pa akong nakatingin sa dagat at naiiyak na nagpaalam gamit sa aking isipan.
"Mao na. Ayaw mang gud maligo." Napabuntunghininga nilang ako ng marinig na nagtawanan sila.
"Hanggang sa muli, Mr. Sea."
