92

7.2K 317 177
                                    

11-01

Drexler Funnywalain Ponce for President

3:10 AM

Tripp:

Mga pre

Josiah:

Baket?

Tripp:

Gusto ko lang malaman niyong mahal

Aga kayo sa 'kin

Sorry na-enter lang dahil yata 'to sa pasa

Josiah:

HAHAHAAHAHAH

Drexler:

Tangina mo!!!!!

HAHAHAHAHAHA

AKO NA NAMAN NAKITA NIYO

War:

Ah the sweet taste of revenge 😈

Drexler:

Grabe 😭

Isaiah:

Alam mo Drex

Drexler:

Ano ssob?

Isaiah:

Kahit si Taguro lalabanan ko 'wag ka lang masaktan.

War:

Nice kill HAHAHHAAHAHAH

Tripp:

HAHAHAHAHAHAH

NAYS WAN

Drexler:

Amputa talaga 😭😭😭

Josiah:

Pero salamat ssob.

Ewan nakakagaan sa loob na gano'n trato niyo kay Zay.

Drexler:

Gagawin ko pa rin naman 'yong ginawa ko kanina kahit gusto ko man o hindi si Zay.

Walang babae ang deserve na tratuhin ng gan'on.

Tanginang Winston 'yon.

Gusto ko pang bangasan mukha napakagago.

Alonzo:

Kalma.

Drexler:

Hirap kumalma, Lonzo.

Kanina nga 'di ko na lang pinahahalata kay Zay kasi mas affected siya. Kasi ayokong mag-alala pa siya.

Mas kailangan niya tayo.

Pero ang gago talaga.

Tangina may gan'on pala talagang klase ng lalaki.

Gago.

Josiah:

Sobrang gago.

Malas lang nasaktuhan pang kung kelan tayo nag-bar, saka siya nandon din.

Tangina niya.

Isa pang kita ko sa mukha niya, babasagin ko na 'yon.

Isaiah:

Kapal ng mukhang pagsalitaan si Zay ng kung anu-ano.

Gago ba siya.

Siya 'tong gago umasta. Siya 'tong ginago si Zay. Tapos aaktong siya niloko? Pa-victim ang putangina.

Tripp:

Kalma mga ssob.

Mas lalong magi-guilty si Zay kapag nakita kayong ganyan.

Drexler:

Weh epal ka Tripp.

Tripp:

Bakit ako gago HAHAHAHAHA

Drexler:

Wala epal ka lang

HAHHAHAHAHAH

Hayes:

Pasingit lang po.

Josiah:

Ano 'yon, bulinggit?

Hayes:

What's between Kuya Drex and Zay?

Ribo:

Oo nga.

Ano meron sa pagitan ni Kuya Drex at Zay?

War:

Ribo tinagalog mo lang tinanong ni Hayes eh

Ribo:

Baka kasi hindi maintindihan ni Kuya Drex kaya trinanslate ko 🤨

Drexler:

Amputa 😀

War:

Sagot, Drex!

Drexler:

I like her.

Hayes:

Naks 'di na thesis.

HAHAHAHAHAHA

Alonzo:

Hahahaha!

Drexler:

Gago HAHAHAHAA

Relentless (Bump, Set, Spike #2) (To be Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon