Chapter 24: Duchess of Stania

Start from the beginning
                                    

"Your highness handa na po ang table niyo." Isang lalaki ang lumapit sa akin at inilahad ang kanyang kamay na para bang nasa realidad na sitwasyon kami.

Sumunod na din ako sa kanya patungo sa table kung saan nandodoon na ang karamihan. Kinakabahan ako kasi kahit mga employees lang ang kasama ko sa table tila mga taong mahahalaga na nagmula pa sa iba't-ibang panig ng Rallnedia.

Nang makarating ako sa table ay umupo na din ako nang mapansin si Ma'am Vel este si Eve na unang umupo sa bandang tabi. Ang set up ng table ay may sampu hanggang dalawampu ang nakaupo kasama na ang kinauupuan ni Eve na nasa gitna sa kanan ko habang si Nico naman sa kanan ni Eve na abala sa paglalagay ng table napkin sa lap niya. Si Alira ay sa tabi ni Nico, napabuntong hininga na lang ako at ginawa ang mga procedure na dapat kong gawin, konuha ko sa kaliwang bahagi ko ang table napkin at finold patriangle sabay lagay sa lap ko upang hindi madumihan ang suot kong dress.

Hinintay ko muna na maunang hawakan ni Eve ang utensils na nasa harap namin, siya ang tumatayong Reyna sa hapag kainan ngayon kaya kailangan ko lang sundin ang mga instructions na itinuro sa akin.

Maya maya pa ay nagsimula na siyang kumain kaya ginawa ko na ang dapat kong gawin, mabuti na lang kakaunti lang ang mga kutsara at tinidor na nasa paligid ng plato kaya hindi ako mahihirapan sa ngayon. Steak salad ang dinner kaya nagkaroon ako ng confident na makakain ng ayos, at syempre ang kailangan ko ay fork and knife. Hinawakan ko ang dinner fork pangalawa mula sa kaliwang kamay ko at ang meat knife naman na pangalawa din mula sa kanan ko, ang tinidor na hawak ko sa kaliwa kung saan ang tines ay downward habang nakatusok sa karne habang ang meat knife naman na hawak ko sa kanan kung saan nakaextend ang index finger ko upang matantsa ang tamang hiwa upang hindi makalat sa plato ko. Matapos kong mahiwa ng ayos ang karne ay isinubo ko na din ang maliit na hiwa ng karne, paulit ulit lang ang ginagawa ko pero pagdating sa pagnguya ng karne ay hinay hinay ako, maging sa paghawak ng water goblet na nasa tapat ng service plate. At dahil practical test itong ginagawa ko kahit abalang abala naman ang iba sa pagkain nila ay nanatili akong kalmado at focus sa aking ginagawa.

.

.

.

Makalipas ang halos kalahating oras ay natapos nang kumain si Eve kaya ibinaba ko na rin ang hawak kong tinidor maging ang kutsilyo, nakaparallel ang dalawang iyon which means tapos na ako sa pagkain, pagkuway ay uminom na ako ng tubig. Itinupi ko naman ng ayos ang table napkin mula sa lap ko at dinampi dampi ang dulong bahagi nito sa aking labi.

Nang matapos ang lahat ay bumalik na din ako sa dressing room upang magpalit ng damit. Naabutan ko pa doon si Alira na kausap ang fitting room attendant na nag-aayos ng gamit upang makauwi na rin dahil mag aalas nueve na ng gabi.

"Good job Dia, ang galing mo kanina."

"Hindi nga po ako satisfied sa mga ginawa ko."

"Bakit naman? Ang galing mo kaya, mula sa paglalakad mo sa unang part ng practical test kaninang umaga hanggang sa table etiquette ngayong gabi."

"Sa tingin niyo po makakapasa ako?"

"Ano ka ba? Oo naman, diba Miss Carson?" Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Alira kaya napalingon ako sa tinawag niya, nakaramdam ako ng saya sa aking dibdib at agad na hinanap ng aking mga mata ang mukha ni Shaine mula sa nakabukas na pinto ngunit wala doon kahit isang tao.

"Yes po Miss Bernardo, you did your best your highness." Nawala naman agad ang saya sa dibdib ko nang malaman na ang fitting room attendant pala ang tinutukoy ni Alira.

"Akala mo ba si Shaine? Haha Garett ang last name ni Shaine tsaka nasa Rallnedia na siya, diba?"

"By the way, she's Maureen Carson my personal assistant."

"Thank you again Maureen for your help." Nakangiti pero malungkot kong sambit.

"You are always welcome your highness." Napansin kong lumalim na ang gabi kaya nagpalit na din ako ng damit at sumabay sa kanilang dalawa pababa ng building.

Naunan na kasing bumaba sina Nico at Eve pero itong si Mr. Yong nasa labas pa rin ng session hall at naghihintay sa akin.

Nakangiti akong nagpaalam sa dalawa matapos naming makababa, nakatigil naman ang sasakyan sa mismong tapat ng elevator. Nang makita ako nina Nico at Eve ay saka pa lamang sila sasakay sa kotse na nasa unahan ng sasakyan na minamaneho ni Mr. Yong. Medyo napakunot ang noo ko nang makita ang reaksyon sa mukha ni Nico, tila ba may pinag-usapan silang dalawa na ayaw iparinig sa akin. Pinagbuksan ako ni Mr. Yong ng pinto ngunit gusto ko munang makausap si Eve.

"Your highness, sa bahay na po kayo tatagpuin ni Ma'am Eve."

Kailan pa nagbago ang pangalan ni Ma'am Vel bilang Eve?  Kanina ko pa tinatanong 'yan sa sarili ko, kaya paano ko ba masasagot 'yan? Kasi hindi naman nabanggit ni Shaine o kahit ni Nico kung ano ang full name ni Ma'am Vel este Eve pala, hays. Kailan ba ako masasanay? Nakasimangot kong tanong sa aking isipan. Napasinghap na lang ako at sumakay sa kotse.

Mabuti na lang nakayanan kong makasama si Nico sa loob ng limang araw matapos umuwi ni Shaine, pero parang wala lang sa akin 'yong mga nangyari, pero bakit ako nagseselos noong may katawagan siya na katagpo din niya sa Freezone? Hays masyado lang akong exaggerated kaya siguro kung ano ano ang nararamdaman ko.

.

.

.

"Bukas namin ibibigay sayo ang resulta ng practical test na naganap ngayong araw."

"Okay po."

"Salamat sa kooperasyon na tapusin at seryosohin ang bagay na ito Dia. Anuman ang maging resulta ay matutuloy ang pagsama mo sa amin sa susunod na linggo sa Rallnedia. Alam kong handa ka na sa mga posibleng mangyari, ngunit ihanda mo muna ang sarili mo na iwanan ang lugar na ito." Nalungkot ako bigla sa sinabi niya, maya maya pa ay may iniabot siyang white envelope bilang pagbasag sa kalungkutan na nararamdaman ko.

"Ito ang mga taong makakasalamuha mo once na makapunta ka sa Rallnedia. Bukas mo na lang buksan ang envelope na iyan, alam kong pagod ka kaya magpahinga ka na."

"Thank you so much Ma'am Vel, what I mean is Eve."

"Evelyn Marizia Mondragon, that is my full name. First rule, keep your profile be private but I Duchess of Stania as your Auntie I will tell everything you need to know. Good night Dia, see you tomorrow." Yumuko siya sa harap ko, pagkatapos ay nilisan ang bahay. Inihatid pa siya ni Mr. Yong kaya umakyat na din ako dala ang envelope at ang bag ko.

Stania, Dunnelbridge, Wistown, Cratemia and Riandorr ang limang primary city sa bansang Rallnedia kung saan may mga naka assigned na namumuno, isa na doon si Ma'am Vel or si Eve na Duchess ng Stania, habang ang apat naman ay ang mga taong nabanggit sa akin ni Shaine noong hindi pa siya umaalis.
Halos nasa 31 lang ang city sa Rallnedia kaya medyo nangangapa pa ako sa mga lugar na iyon.





Unexpected RoyalWhere stories live. Discover now