Chapter 21: Dearest Friend

Start from the beginning
                                    

Wala pang dalawang oras nang makabalik kami sa Amanpulo. Alas singko na din ng hapon at tama lang ang dating namin, dahil hanggang alas sais lang ang paalam ko kay Ma'am Vel.

Magpapaalam na sana ako kay Mariel pabalik ng villa ngunit napatigil ako sa ginagawa ko ng mapansin si Shaine na naghihintay sa may tabing dagat. Maya maya pa ay nakutuban kong babaling na ang kanyang tingin sa aking kinaroroonan ng bigla kong lingunin si Mariel na nakalublob ang katawan sa may pantalan malapit sa speed boat kung saan abala naman si Manong Herbert sa pag aayos ng mga gamit.

"Oh bakit ka bumalik?"

"May iba pa bang libangan sa lugar na 'to?"

"Tamang tama at nagtanong ka. Tutal alas singko na ng hapon idadala na lang kita sa mas maganda at mas masayang libangan. Manong Herbert, balik na po tayo sa kabilang villa." Inalalayan ako ni Manong Herbert nang pagkaahon ni Mariel sa tubig.


"Dia, kanina pa kita hinihintay." Nagulat ako ng marinig ang boses ni Shaine, hindi ko namalayan na lumapit pala siya. Hindi ko na lang siya pinansin sa halip ay ngumiti lang kay Mariel.

"Hinahanap ka na din ni Tita Vel, teka saan ka pa pupunta?"

"Nagpaalam ako kay Ma'am Vel kaya alam niyang malelate ako sa pag-uwi."

"Saan ka pa pupunta?" Napabuntong hininga ako sa pag-ulit niya sa tanong na iyon.

"May nakalimutan kaming puntahan ni Dia e. Gusto mong sumama?" Nilakihan ko ng mata si Mariel pero nginitian niya lang ako.

"Saan ba kayo pupunta?"

"Nagmamadali kami Shaine. Manong pastart na po ng makina." Hindi ko na tiningnan pa si Shaine habang unti unting lumalayo ang speed boat sa pantalan na kinatatayuan ni Shaine.

Inabot ng tatlong minuto ang dahan dahang paggalaw ng speed boat palayo sa pantalan. Agad namang ibinuhay ni Manong Herbert ang makina kaya nakahinga na ako ng maluwag.

"Nice to meet you Shaine!" Hinampas ko si Mariel sa may bandang braso ng isigaw niya iyon.

"Aray." Nagulat naman ako ng marinig ko iyon kaya agad akong humingi ng pasensya sa kanya, napansin kong namula at nagbago ang hitsura ng pinaghampasan ko kaya lumipat ako ng upuan sa tabi niya.

"Sorry hindi ko sinasadya." Agad naman akong kumuha ng ice cube sa cooler na dala niya kanina, hinubad ko naman ang suot kong see through halter at ibinalot doon ang ice cube. Marahan kong dinampi dampi ang ice cube na iyon upang hindi siya magkaroon ng pasà sa braso niya.

"Ayos lang ako."

"No, baka ako mapagalitan ni Manang kapag nakita niya 'yan." Kahit sinabi ko na iyon ay pilit niya pa ring iniiwas ang braso niya, kaya hinawakan ko siya sa bandang pulso upang hindi niya maigalaw ang braso niya.

"Pipisilin ko 'yan kapag iginalaw mo pa!" Mademanda kong sambit, sumunod naman siya kaya itinuloy ko na lang ang ginagawa ko.



.

.

.



Shaine's POV

Ano bang problema ng babaeng 'yun? Muntik na nga akong mapalipat sa HR department dahil sa biglaan niyang desisyon tapos ngayong bakasyon hindi niya ako papansinin. Ano bang ginawa ko sa kanya?

"Babe!" Napalingon ako sa may villa ng marinig ang boses ni June, kinakawayan niya ako habang abot tainga naman ang ngiti sa kanyang labi.

Napapaisip ako sa mga ikinikilos ni Dia nitong nakaraang linggo. Tila kasi nag-iba siya, para bang may nakain siyang kakaiba na bigla na lang ako iniiwasan ng walang pasabi. Samantalang walang tigil naman akong pagtawanan kapag pinapagalitan ako ni Tita Vel sa harap niya, kahit na stress siya sa mga tinuturo ko ay nagagawa pa ring ngumiti at mambola, lalo na kapag boring sa loob ng office.

Hays kahit isang buwan at kalahati ko pa lang siyang kilala at bilang secretary niya naging close agad kaming dalawa, pero bakit naman siya biglang nagbago?

"Nasaan na si Dia?" Hindi ko napansin na nakalapit na pala si June dahil sa sobrang lalim ng iniisip ko, kaya ngumiti na lang ako sa kanya para hindi niya mahalata.

"May nakalimutan lang, pero babalik naman sila agad."

Bumalik na kami ni June sa villa matapos iyon. Bumalik na din siya sa paglublob sa pool na malapit sa villa habang may dalawa namang cocktail sa tabi ng pool.

"Babe I prepared this one, try it." Iniabot niya sa akin ang kulay red na cocktail, and for sure vodka watermelon cocktail ito. Matagal na kasi niyang pinag aaralan na maperfect ito pra sa akin.

Maya maya pa ay hinigop ko na ang laman ng baso, sabay kagat sa isang slice ng pakwan na nakapatong sa bibig ng baso.

"Hmm."

"How is it?"

"Ahm medyo lasa ko pa rin ang pagkabitter e, ilang vodka ba ang nilagay mo?" Tanong ko sa kanya sabay lapag sa baso sa tabi ng pool.

"1 and a half cup, why babe? Is it bitter again?"

"A little bit babe, pero okay na din kasi nalalasahan ko naman ang watermelon."

"Ugh babe how can I get the right taste of this cocktail?"

"Diba ang sabi ko 1 cup of vodka lang ang ilagay mo for one serving? Pero don't worry kahit bitter naman 'to e masarap pa rin para sa akin."

"Really? Kaya mahal kita e." Bigla niya akong niyakap pero lipad pa din ang isip ko sa mga sandaling ito. Si Dia pa din ang inaalala ko, alam kong safe ang lugar na ito para sa kanya pero may kaba pa rin sa dibdib ko na baka may kung anong mangyari sa kanya.

"Are you still thinking of Dia? Don't worry babe this place is safe for her, and Tita Vel never failed to chose a perfect place for us. And she is with the owner of this island so don't worry, stop thinking of her, think of me instead, okay?" Mas hinigpitan niya ang pagkakayakap niya sa akin kaya ginantihan ko an din siya ng pagkakayakap.

.

.

.

Someone's POV

"Is there an update from Gemolis City?"

"Wala pa po sa ngayon."

"Wala pa rin bang ibinabalita ang babaeng 'yun?"

"Sa ngayon po ay abala pa siya sa bawat kilos ng Prinsesa kaya hindi siya makahanap ng tyempo na makausap ang head monitor natin."

"Just inform me once na tumawag siya, okay?"

"Okay po." Tumayo na ako sa swivel chair at lumakad sa tabi ng bintana. Tanaw sa bintanang ito ang kabuuan ng bansang Rallnedia kung saan payapa pa at nasa magandang kalagayan ang lahat, ngunit hindi sa pagdating ng tamang oras at panahon na gumawa ako ng aksyon.

Balang araw magiging akin din ang lahat ng nakikita ko dito, at hinding hindi ako papayag na mapunta sa isang hamak na hampas lupa lamang ang lugar na ito. Itong lugar na ito ang nakagisnan ko, kaya hindi ako papayag na mapunta ito sa taong hindi karapat dapat sa trono.

"Never underestimate my actions to rule my people in this country."

Hmm, I still remember his line before he died. My dearest friend, King Louise Wayler.

Unexpected RoyalWhere stories live. Discover now