Dedicated to myself 🎉
August 5, 2019.
Official ng nagsimula ang buhay kolehiyo ko, at ito na rin ang araw na kailangan na naman mag adjust sa school, sa oras ng pasok, at sa mga taong bago lang sa paningin ko.
'Buti na lang may kasama akong kaibigan.'
Unang araw ng pasukan usong uso ang 'introduce yourself' at kung ano ano pa.
'uso pa pala yun?'
Lumipas ang araw hanggang sa hindi namin namamalayan na isang buwan na ang nakakalipas mula ng magsimula ang unang pasukan. Hindi ko nga napansin na ang dami ko na rin nakakasabay kumain tuwing kakain sa cafeteria.
"Mary nakagawa ka na ng assignment sa history?" Tanong sa 'kin ng kaibigan ko pero imbis na sumagot ay nanatili pa rin ang tingin sa isa naming kaklaseng kadadating lang.
'Travis.'
"Mary!"
"Ay potek!" Napabalikwas ako ng upo dahil sa paghampas sa 'kin ni Christina.
"Ano ba yun?"Iritang tanong ko pero imbis na sumagot ay nginisihan lang ako ng nakaloloko.
"Ano na naman?" Tanong ko ulit.
"Ay naku, nakita na naman."
-__-
"Tsk. Ewan ko sayo! Ano ba kase yun? Kanina pa ko nagtatanong.
"Tingin mo sa 'kin di ka tinatanong kanina? Ilang na kaya tinawag di mo lang naririnig kase nakita mo lang siya". Napakunot ang noo ko.
"Sino?"
"Maang maangan kilala mo kung sino tinutukoy ko." Nagets ko naman kung sino tinutukoy niya.
"Tsk." Iniwas ko sa kanya ang tingin ko at pasimple ulit tiningnan si Travis sa kabilang table.
'Bakit ba di ko maiwasang tumingin sayo?'
Napabuntong hininga naman ako.
"Asus! Lapitan mo na kase hindi yung tingin ka lang dyan."
"Siraulo ka ikaw na lang."
"Sus! Pero paglumapit ako dun magseselos na naman siya."
>_<
Nanahimik na lang ako.
"Seryoso Mary di ko talaga maintindihan kung bakit ka nagkagusto sa kanya."
"Paano nga ba ko nagkagusto sa kanya?"
Nagsimula ata yun nung umiiyak ako dahil mababa ang score na nakuha ko, isa siya nagcomfort sa 'kin. Nang dahil din dun lagi na kaming magkausap at lagi ring nag aasaran. Dahil din dun unti unti akong nahulog sa kanya, kahit na makulit at mapang asar siya makikita at mararamdaman mong nag aalala pa rin siya sayo. Kagaya nung kapag major namin siya kagrupo ko, lagi niya kong tinutulungan sa pag aayos ng gamit ko. Minsan na nag aassume na ko na may something siya sa 'kin kasi todo pang aasar siya at pag aasikaso sa 'kin.
'Sana nga meron para hindi one sided love. '
'Ano? Natulala ka na naman dyan."
"Ano yan? Share niyo naman yang pinag uusapan niyo oh." Napalingon kaming dalawa kay Ella.
"Wala haha, wait lang punta lang kaming C.R." Pagkasabi ko nun ay hinila ko na palabas ng cafeteria si Christina. Hindi pwedeng malaman ng iba na may gusto ako kay Travis tsak magiging tampulan kami ng pang aasar. Kay Christina pa lang asar na asar na ko, ano pa kaya kung malaman ng iba.
