Ngayon Lang naman ako nakapagsalita nang ganito. Hindi naman ako tipikal na 'Nerd'. Normal na tao lang naman ako na may kakayahang makakita ng nakaraan. Kaya ko namang makipagsabayan sa kanila kaso mas gusto kong iwasan ang lahat dahil ako rin ang mamomroblema sa huli. Ibinalik ko na ang atensyon ko sa harap at nakinig na lang sa teacher. Inayos ko rin ang buhok ko dahil medyo nakatabing ito sa aking mukha.

Marami pa rin akong naririnig mula sa kanila pero hinayaan ko na lang 'yon. Ayoko na silang problemahin pa. Pagkatapos lang kaming idismiss ni Sir ay pinalabas ko na muna ang mga kaklase ko dahil ayaw ko namang makipagsiksikan pa para lang maunang makalabas. Akmang tatayo ako nang lumapit si Ella sa akin. Nasa harap ko na siya pero hindi ako nagtaas ng tingin. Hinintay ko siyang magsalita.

"Uhm-gusto ko nga pala ulit magpasalamat sayo. At g-gusto rin sana kitang i-treat ng lunch ngayon, kung okay lang sayo." saad niya na nauutal pa. 

Ngumiti ako at tinapik siya ng marahan sa kaniyang balikat. 

"Huwag mo na akong i-treat, sumama ka na lang samin ng kaibigan ko tutal wala ka namang kasama, hindi ba?" tanong ko pa.

"T-talaga? ayos lang?" 

"Oo, ayos lang Ella. Halika na at puntahan natin si Mila." wika ko at akmang maglalakad na nang bigla niyang hawakan ang dalawang kamay ko. 

"Maraming salamat talaga. Ikaw lang ang taong naging mabait sa akin sa silid na ito." saad niya. Hindi ko rin alam kung bakit ayaw nila kay Ella e sa tingin ko naman ay mabait siya. 

"Wala 'yon, tara na." 

Nang malaman ni Mila na may bago kaming kasamang kumain ay naging masaya siya. At naging malapit agad sila sa isa't isa. Akala ko ay hindi madaldal ang isang 'to ngunit naging maingay nang makausap na nang matagal si Mila. Dalawang oras ang vacant namin kaya nang matapos kaming kumain sa canteen ay nag desisyon kaming pumunta sa Aria's bookstore. Madalas kami ni Mila dito kaya kilalang kilala na kami ni Ate Aria, ang may ari ng bookstore na ito. Nang makita kami ni Ate Aria ay lumapit siya sa amin.

"Mila, Issa mukhang may bagong kaibigan kayo ah. Pakilala niyo naman sa akin." masiglang saad ni Ate Aria. 

"Siya po si Ella, kaklase po ni Issa. Ella, siya nga pala si Ate Aria, ang may ari nitong bookstore. Huwag kang mahiya kay Ate kasi mabait naman siya."  nakangiting saad ni Mila.

"Madalas ang dalawang 'yan dito kaya naging kapatid na ang turing ko sa kanila. Minsan naman ay tinutulungan pa ako nila sa pag aayos at paglilinis dito sa shop ko." kwento naman ni Ate Aria kay Ella. 

Hinayaan ko na lang muna silang magkwentuhan at nagpasya na muna akong matulog dahil nakakaramdam na akong ng antok. Mahaba pa naman ang oras kaya matutulog na muna ako.

"Joseph, Baka pwedeng manatili ka muna." Saad ni Tria habang hawak hawak ang kamay ni Joseph, kaklase namin din 'yon.

Nasa kama siya at tanging kumot ang nakatakip sa kaniyang katawan. Walang pang itaas si Joseph at kasalukuyan itong inaayos ang zipper ng kaniyang pantalon kaya nag iwas ako ng tingin.

Hindi ako makapaniwalang may nangyari sa kanila gayong hindi ko naman sila nakikitang magkasama sa klase namin. Sa pagkakaalam ko ay iba ang boyfriend ni Tria at hindi si Joseph.

"Tria, alam mong may girlfriend na ako. Huli na 'to, ayaw ko na." Saad ni Joseph.

"Hindi ba pwedeng iwan mo siya, Joseph? Hindi mo ba ako mahal? Pagkatapos ng nangyari satin?" Naiiyak na si Tria habang nakatingin kay Joseph.

SIMPERDove le storie prendono vita. Scoprilo ora