Introduction

11.4K 242 32
  • Dedicated to FrancisAlba
                                    

Intro:

Sa isang napakagandang lugar,

Maraming puno at halaman,

May iba’t-ibang klase ng mga namumukadkad na bulaklak,

Habang may dalawang magkasintahan ang naghahabulan na tila masayang-masaya.

Tila walang hanggang ang kanilang pagmamahalan

Halos walang sakit, Walang hapdi, Walang kirot,

Walang kalungkutan, Walang Problema.
A heaven tho, such a little infinity, And this is their story.

A MODERN FAIRYTALES…

And they live happily, ever after.

“THE END.”

(The End? bwahaha...two words six letters, at isa sa nagpapa tunay na WALANG FOREVER!.)

“May Forever, Bitter ka lang kasi!”
FOREVER?  Walang forever. Kasi kung meron, wala na sanang pagkain na nag-eexpire, wala na sanang gamit na nasisira, wala na sanang nagmamahalan na naghihiwalay, at higit sa lahat, wala na sanang taong namamatay. May mga bagay na ayaw na nating pakawalan, gusto natin forever na. Gusto natin pang habangbuhay na nating kasama. Pero sabi nga nila, walang permanente sa mundo. Lahat ng bagay, nagbabago, lalo na ang tao.
Isang malaking kasinungalingan lang ang forever na napapanuod natin sa mga teleserye at movies. “Kaya walang forever, shunga!” 

Dumarating din ito sa panahong langong lango ka sa pagibig na wagas. Gustong gusto mo’ng paasahin ang sarili mo na may forever talaga, ngunit ang tanong meron nga ba?!

Ngunit sabi nga nila, depende ito sa pananaw ng buhay mo. May mga taong bitter at may mga taong hopeless romantic. Kung lumaki siyang pangit ang tingin sa buhay, yung pessimist ba, edi talagang bitter ang buhay n’ya. Kasi wala na siyang nakikitang maganda sa paligid n’ya eh. Kung sobra naman ang pagsamba sa mga forever at grabe ang mga paniniwala n’ya sa mga signs at destiniy…malamang hopeless romantic ‘yon.

*Eh paano kung ang dalawang katangian na ito ay magsama?! Nasaan ang hustisya? Nasa bitter o nasa hopeless romantic? Nasa paasa o na umaasa? Walang Forever O May Forever? Happy lang walang ending, O ending na Walang Forever? So It’s gonna be forever, Or It’s gonna go down and flames?! Ang gulo diba, mas magulo pa sa bangs ni Dora!. Ang istoryang ito ay para sa mga taong naniniwala sa forever, bitter, hopeless romantic, umiibig, iibig, kunwaring umiibig, umibig, na-fall, pa-fall, pabebe, pabibi, summa cum bebe, pebebe, pabobo, broken hearted, umasa, pinaasa, paasa, niloko, niloloko, manloloko, iniwan, mang-iiwan, martir, tanga sa pagibig, nasaktan, nagdusa, umiyak, nag selfie, gumanda, at  naka move on…Ito ang HUGOT ng buhay mo!.

PS: WALANG SOFTCOPY, KAYA WALANG FOREVER

Walang Forever, Shunga!Where stories live. Discover now