Beauty🌾10

3.9K 125 16
                                    

BEAUTY 10

Fallen


The harvesting resumed and we already finished the majority of the land. I feel exhausted now. I gasped some air before continuing what I was doing.


"Prince Zaico, pagod ka na? Gusto mo ba ng tubig? Ng pagkain? Ano?" rinig ko ang natatarantang boses ni Lila mula kung saanman sila.


Kanina pa siya sunod nang sunod kay Zaico. Itong si Zaico naman ay hindi siya pinapansin. Naaawa na nga ako kay Lila.


"Pansinin mo na nga 'yan," sabi ko sa kaniya kanina nang matisod si Lila dahil sa kasusunod. Wala man lang siyang reaksyon. Not gentleman, huh?


"Ayaw ko. Kung gusto mo ikaw na lang ang pumansin. Gutom ka na ba?" biglaang tanong niya na ikinailing ko na lang.


Mula kanina hindi pa kami nag-uusap dahil hindi ko naman siya pinapansin. Napapansin ko kasi na nagiging kumportable na siya sa akin. Wala namang problema dahil sinusubukan ko na ngang maging okay kami... kaso may parte na hindi ko pa kayang ibigay 'yon ng lubusan.


"Stop following me so I'd be fine!" sigaw ni Zaico kaya tumahimik ang lugar.


Pakiramdam ko tumigil ang mga tao sa ginagawa nila. Ako lang ang patuloy sa trabaho dahil may aanihin pa ako sa mini farm sa itaas ng bundok. Ayaw kong abutin ng ulan kaya maaga akong maglalakbay.


"Sorry, Prince Zaico, pero baka kasi pagod ka na—"


"I am fine. You heard me plenty of times saying those words but you're really just so stubborn!"


"Eh, kasi, mukhang pagod ka na nga."


"What the fuck?!" iritadong bulyaw ni Zaico, hindi makapaniwala sa inaasta ni Lila.


Ako ang naririndi sa pag-uusap nila. Ang ingay ingay nila at kanina pa sila ganiyan. Hindi ako sanay na may nagsisigawan habang nagtatrabaho ako kaya lumipat ako ng pwesto. Kina Gab.


"Look what you have done!" I heard from him. Hindi ko na nasundan ang usapan nila at wala naman akong pakialam.


"Grabe naman 'yang si Lila, ano? Kahit ako maiirita kung ganiyan siya sa akin," opinyon ni Gab habang pinapaypayan ang sarili.


"Hindi ka naman niyan papatulan," biro ko saka tumawa. Tumawa si Ava kasama ko.


"Ah, talaga?" sarkasmo niya at ipinahid sa aking mukha ang madumi niyang kamay. "'Yan! 'Yan para matuto ka!" halakhak niya nang malukot ang mukha ko dahil sa pandidiri.


"Gab, naman!" sabay pahid ko sa aking pisngi. "Ang dumi dumi ng kamay mo!"


"Para naman magka-pimples ka kahit minsan!"


Natawa ako sa dahilan niya. "I already had one before! At ang pangit tignan sa mukha kaya kapag nagkaroon ako ay hu-hunting-in talaga kita!" biro ko kahit medyo iritado.

The Beauty Of The Commoner   | Wyorck Series #3 |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon