Kabanata 2

13 0 0
                                    

Notification

Galit na galit na mga mata ang bumaling sa akin pagkatapos masuntok ng taong iyon si Cyril.  His jaw clenched at naka kuyom pa rin ang kanyang kamao.

"Apollo.. " Bulong ko.

Nagulat ako sa bilis ng pangyayari.

Hindi ko alam saan siya nanggaling at bigla nalang siyang sumulpot.

"Oh my God! Anong nangyari dito?! "

Nakalapit na si Ate Fely at Fern sa amin.  Agad nilang dinaluhan ang nakahandusay na si Cyril.  Nagsilapitan na rin ang ibang bisita sa amin.  Palipat-lipat ang tingin nila sa amin ni Apollo. Kinarga si Cyril ng mga kaibigan niya at Inilayo sa amin.

"Ano ito Apollo?! " Si Ate Fely

Hindi sumagot si Apollo.  He's burning eyes still at me.  Hindi ko alam kung bakit galit na galit siya.

"Kuya Apollo? " Si Fern na ang nag tanong.

"Bakit hindi mo tanungin ang kaibigan mo? "

The tone of his voice is the evident that he's very angry.  Iyon lang at bigla nalang itong umalis. 

Sinundan siya ni ate Fely. Agad naman nag alisan ang mga bisita nang wala silang marinig na sagot mula sa amin.

"What just happened? "

Kami nalang ni Fern ang naiwan.  Nanghina ang mga tuhod ko kaya napaupo ulit ako sa bench. Umupo na rin si Fern.

"Nag usap lang kami ni Cyril.  Lasing siya alam ko pero malungkot siya. Umiiyak iyong tao Fern that's why i comforted him."

"You don't like him right?  So why would you do that? "

"Naawa lang ako. "

"Bakit siya sinuntok ni Kuya Apollo? "

"Inilapit ni Cyril ang mukha niya sa akin. Itutulak ko sana siya pero bigla nalang sumulpot si Apollo at bigla siyang sinuntok. "

"Bakit naman niya gagawin iyon?  Anong pakialam niya kung halikan ka ng Cyril na iyon?"

"Hindi ko alam Fern.. " tanging sagot ko.

"Hindi kaya.. " Sandali siyang nag-isip.

"Ano? "

Bigla nalang siyang napailing.

"Hindi.. Imposible eh.. "

"Ang ano nga? "

medyo naiirita na ako sa pambibitin niya.

"He's not jealous right?"

Tinawanan ko lang siya.

Gago bakit naman iyon mag seselos? 

Pagkatapos nang pangyayaring iyon ay hindi ko na nakita pa si Apollo at kahit si Cyril. 

Bumalik na rin sa Maynila ang mga Gallardo.

Humingi ako ng pasensya kay Ate Fely dahil sa nangyari.  Dahil doon tumigil pansamantala ang kasiyahan.

Sinabi niyang wala daw akong kasalanan.

Kasalanan daw iyon ni Apollo na padalos dalos sa kinikilos at nagpadala sa sariling damdamin. 

Matalik na magkaibigan si Apollo at Ate Felicia.. Magkaklase din sila noong elementarya pa lang hanggang mag kolehiyo. Dapat lawyer na rin sana si Apollo ngunit pa tigil-tigil siya sa pag-aaral kaya  ngayon nag rereview pa yata.

Hanggang ngayon palaisipan pa rin sa akin ang nangyari. Bakit niya sinuntok si Cyril?  Maiintindihan ko  kung nagpumiglas ako non . Maiintindihan ko pa kung humingi ako ng tulong non.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 03, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

EphipanyWhere stories live. Discover now