prologue

10 0 0
                                    

---

"Anong oras kaya 'yun darating?"

 Iritang tanong ni Blaster na kanina pa di mawala ang tingin sa kanilang orasan. Tumayo ito at nagsimulang maglakad ng pabalik balik. Kanina pa ito hindi mapakali sa kanyang sarili. Halata sa kanyang mukha ang pagka bagot.

Habang si Blaster ay patuloy na naglalakad pabalik balik sa salas ay nag senyasan naman ang kanyang dalawang kapatid. Nagtitigan si Badjao at Zild na tila ba'y nag-uusap ang kanilang mga mata kung paano nila papatigilin si Blaster sa paglalakad dahil rinding rindi na ang dalawa sa kanina pang nakikita.

Pagkatapos ng ilang segundong titigan ng dalawa, Agad na tumayo si Zild sa harapan ni Blaster na hindi pa rin tumitigil sa paglalakad. "Hindi kaya ito nahihilo?" Sabi ni Zild sa kanyang isipan.

"Ay puchang gala naman oh!" Malutong na mura ni Blaster habang nakahawak sa kanyang dibdib. Paano ba naman kasi ginulat ito ng kapatid nya.

Napasabunot ito sa kanyang buhok. "Kahit kailan ka talaga 'no?" Kunot-noo nitong sabi kay Zild na halos pinipigilan ang pag tawa sa kanyang nagawa sa kapatid. Agad na napatingin naman si Blaster kay Badjao na halos parehas rin ng reaksyon kay Zild. "Oh anong nakakatawa masaya na kayo?"

"Umupo ka nga muna!" Hinigit ni Badjao si Blaster sa tabi nito upang umupo habang si Zild naman ay naka tayo pa rin sa harapan nila. Hindi pa rin mawala sa mukha ng kapatid ang pagka inis sa dalawa. "Ano ba kasi 'yun?!"

Napa sapo naman si Zild. "Hindi mo ba napapansin? Jusko naman Blaster kanina ka pa palakad-lakad! Nakakahilo kaya." Iritang sabi nito sa bunsong kapatid.

"Hindi ba pwedeng nagpa-practice lang ako ng linya para sa next series ko?"

Si Blaster kasi ay isa rin sa mga sikat na artista ngayong henerasyon. Marami marami na itong mga nagawang pelikula at mga tv shows. Nakasama na rin ni Blaster ang mga kinikilalang magagaling na artista na sina Kathryn Bernardo, Daniel Padilla, Bea Alonzo at iba pa.

"A-aray naman, Badjao! Para naman 'tong gago."

Napahawak si Blaster sa kanyang ulo dahil sa sakit ng pagkabatok ni Badjao sa kanya. Sa kanilang magkakapatid kasi, Si Badjao ang may bakal na kamay. Nag-aral kasi ito ng taekwondo noong bata pa para sa kanyang self defense. Sa katunayan nga isa siyang black belter.

"May nag kakabisado ba ng script ng naglalakad? Meron ba ha? Tsaka tigil-tigilan mo nga 'yang pagmumura mo. Hindi na ako natutuwa." 

"Meron. Ako." Nainis si Badjao sa sinabi nito at mas lalong nainis ito ng mag make face si Blaster at nandila ito na para bang bata.

"Tsss. Parang bata." Bulong ni Zild habang nakatayo pa rin sa kanilang harapan. Narinig ito ni Blaster at inirapan.

"Bakit ka ba kase lakad ng lakad ha! Nakakahilo kaya tapos ang tirik pa ng araw ngayon." 

Ala-una kasi ng hapon ngayon at tirik na tirik ang araw sa kanila. Parang tanghaling tapat pa rin ang init paiba-iba kasi ang panahon ngayon minsan sobrang mainit pero maulan.

"So ako pa talaga ang mag a-adjust sa inyo? Edi pumikit kayo habang naglalakad ako pabalik-balik!" Pilosopong sabi nito. Napatingin naman agad si Blaster kay Zild na halatang naiinis na kanina pa sa kapatid. "Peace hehe."

"Bahala nga muna kayo dyan doon muna ako sa kusina mag hahanap ng miryenda." 

"Akala ko ba workout is life na?"

Napa halakhak si Zild sa narinig. Sa kanilang tatlo kasi si Blaster ang pinaka mapang-asar at si Badjao naman ang pikon. Hindi ba dapat baliktad yung panganay dapat yung mapangasar. pero sa kaso nila, bunso ang mapang-asar.

Ilang minuto pa ay may doorbell silang narinig. Ang kaninang nakahigang si Blaster ay agad-agad na tumayo upang pagbuksan ito.

"Ako na." Sambit ni Zild.

"Hindi. Ako na." Hindi na pinansin ni Blaster ang sasabihin ng kapatid at dali-dali itong pumunta sa tapat ng pintuan.

"Anong nangyari dun?" Agad na napalingon si Zild kay Badjao na may hawak ng isang siopao at mango smoothie. "Aba malay ko dun. Hindi naman ganun dati yun eh."

"Uy, Blaster hello!" 

Agad na bumilis ang tibok ng puso ni Blaster ng marinig niya ang boses. "H-hi, Belle."

Nakasuot ito ng puting polo at denim shorts habang naka messy bun naman ang kanyang buhok.

"Anong meron?" Dali-daling pumunta si Zild kung saan naroon ang kanyang kapatid at ang babae. Agad itong nagulat sa nakita.

"B-belle? Anong ginagawa mo rito? May lakad ba tayo ngayon? As far as I know wala namam ah." Nagtatakang tanong ni Zild. "At tsaka bakit mo nalaman address ko?"

Belle was speechless. She doesn't know what to say. Napatingin ito kay Blaster na nagulat rin sa mga pangyayari.

"Anong nangyayari rito?" Biglang singit ni Badjao na nakatingin sa kanyang dalawang kapatid na walang kibo tila ba'y naging yelo na sa kanilang kinatatayuan. Dala-dala pa rin ni Badjao ang ginawa nitong miryenda.

Wala pa ring kibo ang kanyang mga kapatid kaya napatingin si Badjao sa bisita nila.

"Belle?" Lumaki ang ngiti ni Badjao nang makita niya ito. "Ano meron bakit ka nandito?"

Napatingin ang dalawang kapatid ni Badjao sa kanya at halatang naguguluhan na rin sa mga nangyayari. "T-teka, Kuya kilala mo si Belle?" Pautal-utal na tanong ni Blaster. Napa tango naman si Badjao habang nakatingin pa rin sa dalaga.

"Tama ba pagkarinig ko. Kuya mo si Badjao?" Tanong ni Belle na tila ba'y mas naguluhan sa mga pangyayari.

Zild nodded. "Yup. We are siblings. Eldest namin si Kuya Badjao and then ako tapos si Blaster the youngest." 

Ang kaninang naguguluhan na si Belle ay mas lalong nagulo at tila ba'y hindi ito makapaniwala sa mga narinig.

"All this time magkakapatid kayo!?"

---












the choiceWhere stories live. Discover now