"Wow ha. Saya mo ata ngayon?" Dumila ako kay Hanson na kasalukuyang nagbabasa ng libro bago umupo sa tabi niya.



"Excuse ako mamaya. Di ko kailangang makinig sa boring na lectures! Hihihi."



"For what?" Tinaas baba ko ang kilay ko bago ginawa ang isang dance move sa choreo.



"Mamaya na kasi yung audition ko! Sinabi ko na sayo diba!?"



"Oh." Napanguso ako habang tinitignan ang mukha niya. Yun lang?!



"Sayang kasi di niyo mapapanood. Ikaw pa naman ang nagturo sa akin kaya malaki talaga ang pasalamat ko sayo. Pero alam mo ba? Excited na-!"



Natigil ako ng makita siyang nakatingin sa ibang direksiyon. Gusto ko sana siyang hampasin pero dahil sa nacurious ako ay sinubukan ko ring lumingon. Hindi ko nga lang tuluyang nagawa ito ng hawakan niya ang mga balikat ko at ikutin ako paharap sa kanya.



"Anong-?!"



"G-Good luck Sunshine! I know you can win!" Ilang beses akong napakurap bago tumango-tango.



"Ah okay? Salamat?" Awkward akong ngumiti bago nagstart sa pag-answer ng activity.



Weird. Habang tumatagal nagiging weirdo tong si Hanson.



Dumating na ang lunch break at nagmamadali akong pumunta sa cafeteria para lumamon. Kailangan bumaba na ang kinain ko bago ako sumayaw dahil baka sumakit ang tagiliran ko.



"Hoy gurl! Gutom na gutom eh no?"



Umangat ang ulo ko at nakita ko sina Greggy na pare-parehas na nakasimangot. Nagpeace sign muna ako sa kanila bago nagpatuloy sa pagsubo.



"Sorry! Nagmamadali lang. Nakalimutan ko kayo." Sabay sabay silang napahawak sa harapan ng dibdib nila at nagdrama.



"Ganun nalang ba kami kadaling kalimutan?" Nagpahid sina Greggy at Gracie ng invisible tears nila.



"Ganyan ka naman pala Sunshine. Porket busy ka, nakakalimutan mo na kami?" Tumingin naman si Happy sa sahig habang umiiling iling. Sumimangot ako bago pabagsak na binaba ang mga kubyertos ko at binigyan sila ng tig-iisang batok.



"Mga gago. Kailangan ko lang magmadali para sa audition ko!"



"Ngayon pala yun?" Nanlaki ang mga mata ni Gracie na nagpanguso sa akin.



Nakwento ko na yun sa kanila nung isang linggo. Importanteng araw to sa akin pero kinalimutan nila. Hmp!



"Ohemgee! Pwede ba kaming manood?" Sabi ni Greggy na halos mag-sparkle ang mata. Pinagkrus ko naman ang kamay ko dahil alam kong imposibleng mangyari yun.



"Engk! Time ni Sir Yolo. Baka mapektusan kayo ng baklang yon." Sabi ko na naging dahilan ng sabay sabay nilang pagngiwi.



"Hayaan mo Sunshine. Babawi kami next time!"



"Mabuti kung may next pa. Pero ayos lang! Kaya ko naman mag-isa." Nagpalitan sila ng mga tingin bago nagngitian. Napakibit balikat nalang ako at kakain na sana ng mapansin ang mga cartolina sa likod ng bag nila.



"May activity ba tayo mamayang hapon?"



Nagsalubong ang mga kilay ko at tinandaan ang sinabi ng teacher namin para ngayong araw sa last meeting. Wala namang nag require na magdala ng cartolina.



A Little Bit of SunshineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon