Lahat nalang ng makasalubong ko ay nanlalaki ang mga mata pagka kita sa akin, kanina si kuyang Guard pagkapasok ko sa building at mga mga employee naman habang papunta ko sa elevator at ngayon naman ay kulang nalang ay bumural ang mga mata ni Vienna pagkakita sa akin. Napatakip pa siya ng bibig nya.
“Sir! Ang akala kop o ay absent kayo!” Gulat na sabi nito, tila ba na disappoint na pumasok ako ngayon.tinaasan ko siya ng kilay.
“At kalian ako umabsent?” I asked her coldly.
“E-Ehh sir kasi tanghali na oh! Hehehe “ katwiran nya. Tanghali na nga. Tinanghali ako ng gising dahil sobra yata akong nalasing kagabi. Hindi ko nga matandaan kung sino ang naghatid sa akin eh. Malamamang ay si Anjo. Hindi ko na sinagot ang katwiran ni Vienna at nagdirediretso sa Office ko pero bago ako pumasok ay tinawag naman ako ni Vienna.
“Sir wait!” nilingon ko lamang siya na nakataas ang isang kilay
“Eh-hehe sir ipagtitimpla ko pa po ba kayo ng kape. Hehe you know sir, tanghali nap o. hehe “ nag aalangang tanong at explanation nya.
“ Just do your work” Masungit kong sagot. Ni hindi nga ako nakapag kape sa manlang sa bahay eh. Tumayo naman itong kumakamot pa sa ulo. Napailing nalang ako. Minsan may pagkaisip bata din tong sekretarya ko eh.
--
Hindi naman ako masyadong maka pagfocus dahil medyo masakit pa rin ang ulo ko. Sobrang dami ko sigurong nainom talaga kagabi. Ang tanging naaalala ko lang ay noong isinasakay ako sa sasakyan ni Steff- -teka kung isinasakay nya ako sa sasakyan niya… napangisi ako sa naisip, maaring siya ang naghatid sa akin pauwi. Hindi ko mapigilan ang makaramdam ng saya sa kaalamang inihatid nya ako pauwi kung siya nga ang naghatid sa akin, ibig sabihin ay concern pa rin siya sa akin. Damn! Ganito ba ng kilig na sinasabi ng mga babae. Feeling ko nawala ang sakit ng ulo ko.
I can’t contain it anymore that’s why I started to call Anjo, in few rings he answered my call.
“Yes? Oh kumusta? Masakit baa ng ulo?” bungad agad nito sa akin na may kasama pang halakhak. Hindi ko sinagot ang tanong nya bagkus ay nagtanong “ Ikaw ba ang nag hatid sa akin kagabi pauwi?” seryoso kong tanong, medyo kinakabahan kasi ako na b aka hindi si Steff yung naghatid sa akin.
“ hmmmn… eh kung sabihin kong hindi…? What do you want to hear?” humalakhak na naman siya. Sa sagot nya ay lumakas ang kutob ko.
“I’m serious here!” Inis kong sagot, Nakakabusit talaga tong gago nato , hindi na matuto magseryoso sa lahat ng bagay.
“ Chilax pre haha! O sige na nga, si Steff ang naghatid sayo happy?” Napangisi na ako ng tuluyan, hindi ko na hinintay na magsalita ulit siya at pinatay ko na agad ang tawag. Ang saya!
Nag umpisa akong magtype ng mensahe para kay Steff. Hindi ko na alam ang number nya kaya I messaged her through e-mail , hindi ko naman sure kung ginagamit nya pa itong email add nya kasi dati pa to pero let’s try.
To: SteffanieGrace004@gmail.com :
Hi. Thanks sa paghatid mo sa akin kagabi :)
Kinabahan ako nang maisent ko ang message. Sana ay active pa din itong account nya.
Nadismaya naman ako nang makatapos na ang dalawang oras ay hindi pa ito nagrereply. Kagat-kagat ko na lamang ang ballpen ko kahihintay sa reply nya. Wala na akong nagawa kundi tumunganga lang habang hinihintay ang sagot nya pero mukhang nag iba na siya ng account nya or ayaw nya akong replyan. Bigla naman akong nakaramdam ng lungkot sa naisip. I heaved a sigh.
Ngunit ang kalungkutan ay napalitan ng excitement nang nagpopped up ang message na galing sa kanya.
Malaki na naman ang ngisi sa labi ko nang buksan at basahin ko ang nilalaman nito.
SteffanieGrace004@gmail.com :
It’s fine. You’re a friend so no big deal
Unti –unting nawala ang malawak kong ngiti dahil sa nabasa ko.
Friend…
KAMU SEDANG MEMBACA
Love Me Again
RomansaSteffany Grace and Miko were getting married.. steff was so happy. she was so excited because everything was so ready.. but her excitement turned to sorrow, pain and anger when her fiancee told her that he want to cancel the wedding and he is brea...
