" Ah Jaz, sorry hindi kita makakasabay ngayon susunduin kasi ako ng fiancé ko eh, may date kami" kinikilig pang sabi ni Shai kala mo nasa cloud nine eh.

Tumango ako sakanya "Sure, sige next time nalang bond nati. Bye, ingat" saad ko at nakipag beso sakanya.

Sabay na kaming lumabas ng room ngunit mag kaibang direksyon ang tinahak namin, pupunta pa kasi ako ng locker ko para ilagay ang mga libro ko ron..

---

Nang mailagay ko ang libro agad kong sinara ang locker ko ngunit gano'n nalang gulat ko ng makita si  Keane na seryosong seryoso.

"Wala kang kasabay, right? Your friends are busy, hatid na kita" seryosong tugon nito at walang pasabing hinawakan ang wrist ko at hinila, OH MY GHADDDD KINIKILIG AKO. Maingat ang pag hila nito di katulad ni Ice. At bakit ko naman iyun iniisip. Tsk! Focus lang dapat sa crush mo Jaz.

Nang maalala ko ang sinabi niyang ihahatid niya ko ay agad akong napatigil,kahit crush kita Keane hindi moko pwedeng maihatid.

"Ahh hindi na kailangan" saad ko kaya napatigil ito sa paglalakad. Wala nang masyadong estudyante dahil halos lahat nag uwian na.

Taka akong sinuri ni Keane sa mukha napakaseryoso mo naman Keane pero dibale  crush pa naman kita eh.

"Why?" Kunot noong tanong niya.

"Ahh kasiii---"

"Hilary!"

dikonatuloy ang sasabihin ko ng may tumawag sa pangalan ko. Tinignan ko ang nasa likod ni Keane medyo nasa kalayuan ito. Pamilyar ang mukha at ang boses, nang marealize ko kung sino nanlaki ang mukha ko.

Napaharap si Keane sa lalaking tumawag sakin na seryoso parin.

"Nikkk!!" Masayang sabi ko rito at patakbong lumapit sakanya at yumakap. "Sobrang namiss kita" garalgal kong sabi. Isaac Nikolov Francisco is my boybestfriend in Korea pero wala siya noong umalis ako dahil nagpunta silang Italy.

"I miss you too Hilary" sambit nito at niyakap ako ng mahigpit.

"What are you doing here? Akala ko nasa Italy ka?" Tanong ko rito ng maghiwalay ang yakap namin.

"Nang malaman ko kina Aira at Chloe na nandito ka sa pilipinas, nagpaalam ako kay mom. Pumayag naman siya kaagad ng sambitin ko ang pangalan mo" saad niya,lalo akong napangiti akmang yayakapin ko ulit ito ng may kamay na humila sakin palayo kay Niko.

Tinignan ko ang pangahas nayun at nakita ko si Ice at sa likod nito ay ang Seryosong si Keane. Hindi ito nakatingin sakin ngunit masama ang tingin nito kay Niko. Hindi ko ito gusto.

"Ahh I-ice, what a-are you d-doing?" Utal utal na tanong ko, pero hindi ako nito pinansin at tiimbagang pang matalim ang tingin kay Niko, ganon din si Niko. Ngayon ko lang napansin ang ganoong kaseryosong si Isaac.

"Hilary, let's go. Hatid na kita, baka hinihintay kana ng Kuya mo" tumingin ito sakin ngunit seryoso parin.

"No saakin siya sasabay" pagmamatigas ni Ice, ano bayan Yelo ang tigas talaga ng ulo mo.

"Sino kaba ah?!" Giit ni Niko. Nakakatakot naman magalit ito umaapoy sa galit eh.

"Boyfriend niya" matigas na sagot nito, nanlaki ang mata ko sa gulat maging si Keane na seryoso ay nangunot ang noon. Si Niko na lalong nakipag sukatan ng titig kay Ice.

"Nagpapatawa kaba pare? Hindi pa pwedeng magkaroon ng boyfriend si Hilary, so stop joking. Saakin sasabay si Hilary dahil kaibigan niya ko at kilala ako ng Kuya niya" saad niya at hinila ako paalis kay Ice. Wala akong nagawa kung hindi mag patangay. Hay bat ba lagi nalang akong hinihila? Hustisya please!

Pinagbuksan ako ng pinto ng kotse ni Niko, pagkatapos ay umikot ito at sumakay.

"Who's that Hilary? Pareho natin Alam na bawal kang magka boyfriend at bilin iyon ni Tita Jasmine saiyo" seryosong sabi nito. Bakit ba napakaseryoso ng mga tao ngayon.

"he's my classmate, tsaka don't worry he's not my boyfriend" sagot ko.

"classmate lang pero kung makaasta akala mo kung sino" inis na ani nito.

"What are you doing here ba? Sana hinintay mona lang ako sa bahay" pag iiba ko

"I just visited the school dito narin ako mag aaral sakto naman na sabi ng Kuya mo na hindi ka nakakuwi kaya hinintay ko ng matapos ang klase mo" sabi niya pa at sinimulan paandarin ang makina ng kotse.

"Really?!" Masayang tanong ko. Nakita kong sumilay ang ngiti niya sa labi.

"Wahhhh anong strand mo?" Tanong ko

"Just like yours" maikling sagot niya. Sana maging classmate ko siya. I am Stem-A means kami ang may pinakamataas sa stem.

"May section kana?" Muling tanong ko.

Umiling ito sakin na ikinanguso ko.

" Stop pouting, we're here" saad niya at piangbuksan akong muli. Napaka gentleman naman nito mabuti at wala pa siyang girlfriend eh marami rin nagkakandarapa sakanya.

A Rich Lady In DisguiseWhere stories live. Discover now