"Well someone is engaged!" Masayang balita sakanila ni Kylie.

"who?" Kunot noong tanong ni Ice at napatingin sakin pero inirapan ko lang siya.

"Si Shai, won't you congrats her?" Tanong pa nito sakanila.

"Wow engaged na kayo ni Pareng Peter?" Allen. Masayang tumango si Shai sakanila at pinakita ang sing sing.

"Wow congrats Shaina" sambit ni Allen.

"Congrats Sha" bati ni Keane at yumakap kay Shaina I'm happy na maayos na sila ngayon.

"Congrats" cold na sabi ni Ice. Tsk itong isang to Yelo talaga.

"So how about you Kylie kailan mo balak mag ka boyfriend?" Pambibirong tanong ni Allen kay Kylie.

"Saka na, kapag di busy" Irap nito kay Allen pero sa pag irap ni Kylie dumapo ang tingin niya sakin at ngumisi ng nakakaloko.

"Bakit ako lang tinatanong niyo kung kailan mag kakaboyfriend may isa pa diyan, much prettier than me. She has too much suitor but until now wala parin sinasagot? Bakit kaya? Pagkakaalam ko mayaman, matalino at purong gwapo ang mga manliligaw sakany. Ask her boys" ngising sambit ni Kylie kaya pinanlakihan k oito ng mata pero diniya ko pinansin.

Tumahimik ang tatlong lalaki at di kumibo bagkus ay umiwas sila ng tingin.

"Oh natahimik kayo?" Tanong ni Shai.

"Kung ayaw niyo siyang tanongin sige ako na lang. Oh girl kailan mo balak mag karoon ng boyfriend?" Tanong nga sakin ni Kylie na ikinataas ng kilay ko.

"if someone catches my heart at kapag pwede na" simpleng sagot ko hindi ko alam kung bakit ko sinakyan ang trip ni Kylie.

"Oh you heard her answer right, so bahala kayo maraming umaaligid na gwapong scientist sakanya. Anyways I have to go may meeting pako sa SSG girls una nako ah, bye" pagpapaalam nito at nakipag beso samin ni Shai.

"Sino mga manliligaw mo?" Seryosong tanong ni Allen. Bago yun ah.

"h-huh, wala" sagot ko nalang tumayo ako at inayos ang mga gamit ko.

"Shai hindi kapaba tapos diyan? Kanina kapa kumakain ah" takaw naman nito.

"Almost done,wait me Hilary" sinamaan ko ito ng tingin ng tawagan ako nito ng Hilary, pero tumawa lang ang gaga.

"Pero ang sabi ni Kylie maraming nanliligaw sayo who are they?" Seryoso parin tanong ni Allen ang dalawa naman ang nakikinig lang din. Nakita kopa sa peripheral vision ko ang ilang beses na paglunok ni Ice.

"Kylie was just kidding, why are you guys so serious" ani ko.

"Tch, just making sure Jaz. I have to go may practice ako sa soccer" sambit nito at umalis na madilim ang awra.

"Ah Jaz, Restroom lang ako" paalam naman ni Shai pipigilan ko sana siya kaya lang tumakbo ito.

Naiwan kaming tatlo nina Keane, ako at si Ice na hanggang ngayon ay seryoso parin

"Ahh una nako, puntahan ko lang si Shai" akmang aalis nako ng pigilan ako Ni Ice.

"No" sabay na sabi ng dalawa na kinakunot ng noo ko.

"May pasok pa tayo, pero kung may pupuntahan pa kayo, una nako magrereview pa kasi ako" tatanggalin ko na sana ang nakakapit na kamay ni Ice sa braso ko pero lalo itong humigpit.

"I said no" maotoridad  at may bahid na pagkaseryoso na sabi ni Ice.

"Let's go" hinila ako nito kaya lang mabilis nakuha ni Keane ang isang braso ko. Naku po hindi uto maganda, baka paghihilaan ako nitong dalawang ito. Huhu lord wag naman po sana.

Naiinis kong tinignan ang dalawa pero ang mga loko nakatingin lang sa isa't isa ng masama. Ano bang problema nila at bakit pati ako nasasali?!

"She can't come with you" seryosong sabi ni Keane kay Ice.

"She will come with me, so get off" inis naman nasabi ni Ice at hinila ako papunta sakanya pero mabilis si Keane at hinila ako papunta sakanya. wahhhh hindi naman ako tali para pag agawan niyo nasasaktan ako sainyong dalawa eh.

"pwede ba kung may problema kayong dalawa wag niyo akong idamay!" Sigaw ko sakanila. Ang mga studyante dito sa cafeteria ay nabubulongan, ang iba ay naaawa,ang iba naman ay parang naiingit pa. Kung tulungan niyo nalang ako dito edi may naiambag pa kayo.

"Let her go Ice" ani Keane

"You're the one who will let her go" pagmamatigas ni Ice at marahas ako nito hinila papunta sakanya na naging dahilan para mabitawan ako ni Keane sa marahas na paghila sakin ni Ice ay ramdam ko na maaout of balance ako pero mabilis na niyakap ako sa bewang ni Ice kaya hindi ako napaluhod bagkus ah napahawak ako sa matipuno niyang braso.






A Rich Lady In DisguiseWhere stories live. Discover now