Tanging liwanag na lamang ng bilog na buwan ang gabay ni Lino. sa kanyang pagtakbo ng mabilis sa gitna ng gubat. Tuwing lilingon siya'y nakasunod pa din ang itim na anino.
Patuloy lamang ang pagkaripas ng binata. Maya-maya'y may nakita syang kumpol ng mga dahon at nagtago sya rito, umaasang hindi na siya makikita ng anino na humahabol sa kanya.
Hinahabol niya ang kanyang hininga, pero tinatakpan nya ang kanyang bibig upang hindi madinig ang malakas na pagpasok ng hangin sa kanyang baga.
--
[Flashback]
"Saan ba tayo pupunta Fran? " Tanong ni Lino.
"Doon sa sinasabi nilang lawa"Sagot naman ni Fran.
"Bakit naman gabi tayo pupunta do'n? Ba't 'di na lang bukas? At 'diba may mga sabi-sabi na may gumagalang mga itim na anino roon?" Kinakabang tanong ni Lino.
"Natatakot ka ba Lino?" Sarkastikong tugon nito. "At isa pa, hindi totoo ang kwento ng mga anino sa lawa, kwentong kutsero lang 'yon. Pero yung mga pilak sa ilalim ng lawa, totoo daw, sabi ni Tiyo Isko. Hindi ba't doon nya nakuha nag pilak nyang agimat na nasa leeg niya?" Dagdag pa ni Fran.
"At naniniwala ka naman sa kuwento ng matandang wala namang ibang ginawa kundi magkuwento ng mga pekeng karanasan niya sa buhay?! Nag-iisip ka ba?" Tugon ni Lino.
"Ah basta! Wala namang masama kung susubukan natin. E di umuwi ka nalang kung ayaw mo sumama!" Galit na sagot ni Fran.
Pagtapos nito'y iniwan ni Fran si Lino sa gitna ng kakahuyan, dala-dala ang nag-iisang lampara at punyal.
"Sige, bahala ka diyan!" Sigaw naman ni Lino. Agad itong tumalikod at tumungo sa kasalungat sa daan.
"Saan na nga ba ang daan pauwi?" bulong ni Lino sa sarili. Lumingon-lingon siya sa paligid, walang ibang tao maliban sa kanya. Nagsisimula na siyang matakot.
Humahampas ang malakas na hangin sa mayayabong na puno. Naglalangitngitan ang mga sanga. Humu-huni na ang mga hayop na siya namang mas nagpatindi sa takot ni Lino.
Nanginginig niyang tinatahak ang daan, ngunit naga-alangan kung ito ba 'yong dinaanan nila kanina.
Maya-Maya pa ay nakarinig ng malakas na sigaw si Lino mula sa malayo.
"AGGHH!"-
"Huh! Si Fran 'yon, ah!" Bulong niya. Agad siyang tumakbo patungo sa pinanggalingan ng sigaw.
Hindi niya inalintana ang mga sumasabit na sanga sa katawan niya dahil sa dilim ng daanan, basta nagtuloy tuloy lamang siya sa pagtakbo ng;
"Ahhh!" Huling sigaw niya bago siya mahulog sa tubig, ito na pala ang mahiwagang lawa na sinasabi ni Fran.
Pag-angat ni Lino sa tubig, agad niyang hinanap kung nasaan ang kaibigan niya. Lumingon siya sa buong paligid ng lawa, ngunit 'di niya ito matagpuan. Pagpunta niya sa pampang ay may napansin siya, ang lampara at ang sakong dala nila papunta roon. Ngunit wala ni-isang bakas ni Fran ang nasa paligid.
"Fraaaan! Fraaaaan! Nasaan ka!" Buong sigaw nito, ngunit walang sumasagot sa kanya.
"Hindi kaya nasa ilalim siya ng lawa?" Bulong niya kaya naisip niyang lumusong upang hanapin sa ilalim si Fran.
Ngunit bago pa niya ito magawa, napalunok na lamang siya nang tumambad sa kanya ang kanina ang isang hindi inaasahang bagay...
Ang mga buhay na anino.
--
Bakas sa mukha ni Lino ang pagnanais na mabuhay. Kaya kahit takot, pinilit niyang hindi gumawa ng ingay. Kahit ang paghinga niya'y mahina at kalmado lamang.
Sumilip siya sa paligid, tinignan kung naroon pa ang mga humahabol sa kanya. Noong nakita niyang wala na ang mga ito'y agad na siyang tumakbo hanggang makita niya nag daan patungo sa bukana ng kagubatan.
"Malapit na ako!" Sambit niya sa kanyang sarili habang tumatakbo ng mapalingon siya sa kanyang nadinig.
"LIINOOO!"-
"Fr- Fran?"Bulong niya habang nakatingin sa madilim na kalayuan.
"T-Tu-long..."Ani niya.
Dahan-dahang bumalik si Lino patungo sa madilim na parte ng gubat.
