"He's not even serious about me—"

"Klary, I swear to god, he's serious about you. Hindi ko ito sinasabi dahil kaibigan ko s'ya. Sinasabi ko ito dahil gusto kong sumaya ka ulit—"

"Kuya, will you stop it now? Ayaw kong marinig. Wala akong pake," umiling ako kay Kuya. Mukha siyang napahiya pero wala na akong pakeelam.

They can't get my point. Bahala sila.

Tumayo ako mula sa sahig ng Grata at kinuha na ang aking mga gamit bago ako lumabas.

Nakakainis na kasi ang lahat. Bakit sila ganoon? Ang gusto ko lang ay putulin na ang koneksyon ko sa kaniya. Ayaw ko nang makausap pa si Payton dahil ayaw kong lumalim ang nararamdaman ko. Bakit ba hindi nila maunawaan iyon?

Bumuntong hininga ako at nagpatuloy sa paglalakad palabas ng main university. Saktong labas ng paa ko sa gate ay saka ko nakita si Payton doon. Nasa tabing kalsada siya at nakatayo sa gilid ng kaniyang kotse.

Ito na naman siya.

Kinabahan ako nang makita ko s'ya. May iilang estudyante sa paligid na ngayon ay pasimple na kaming tinitignan ngayon.

Mabilis akong naglakad paalis bago pa ako makita ni Payton. He's busy with his phone. He's wearing a plain black shirt, white cargo shorts, and a black sandals. Para siyang model doon na napaka effortless.

Ilang metro pa lang ang naiilakad ko papalayo ay narinig ko na ang pagtawag niya sa akin. Halos maubusan naman na ako ng hininga dahil sa sobrang kaba. Parang may kumakabayo sa puso ko. Bakit ganoon? Ang bastos?!

"Shawtell Clarisse!"

He seem so pissed. Hinigit niya ako sa braso. Mas dumagdag ang kaba sa akin. Mamamatay na yata ako sa sobrang kaba. Bakit ba siya narito ulit?! Hindi ba niya maunawaan na ayaw ko sa siyang makita?!

"Pwede ba, Payton? I'm so tired, I have to go to work, I'll have my rehearsal after! Please!" nagmamakaawa ko ng sabi.

Pagod na pagod na ako. Gusto ko ng kapayapaan!

"Let's just talk, please?" he said so gently. Naging maluwag ang kaninang mahigpit niyang kapit sa aking braso pero nanatili iyon doon.  Para akong kinukuryente sa kaniyang ginagawa.

"What is it? Make it quick," pagsuko ko. Humugot ako ng hininga at saka ko pasimpleng inalis ang kapit niya sa aking braso.

I rubbed my tied up hair frustratedly. Hindi ko na alam kung saan ako babaling. Kabadong kabado ako. Gusto ko na siyang takbuhan.

"Let's fix this, please —"

"Hindi mo ako titigilan o magdadrop out ako para lang makalayo sa'yo?! You choose, Meiran. I'm just so sick of you!" halos sigaw ko na. Napalingon sa amin ang mga tao pero hindi ko na sila pinansin pa.

I gulped and try to compose myself again. I need to stick to my decisions.

Si Payton naman ay gulat na gulat sa narinig. Kunot ang noo niyang napatitig sa akin. Tila siya ay gulong gulo sa mga inaasal ko.

"Nakakainis ang ganitong uri ng lalake! Napaka immature mo, Payton! Kung hindi ka pumasa roon sa una ay huwag ka naman sa akin pupunta! Huwag mo naman akong gawing option!" sigaw ko na ulit para maunawaan na niya na dapat na niya akong tigilan.

Ayaw ko na talaga. Sana ay huling pag uusap na talaga namin ito.

Gusto ko s'ya. Totoo. Kaso, hindi ko alam kung paano ko aayusin ang lahat! Ang gulo gulo na ng utak ko! Ang daming palaging naglalaro sa utak ko. Ayaw ko ng ganito. Ayaw ko ng mga naiisip ko. Hirap na hirap na ako.

Falling in Reverse (Saint Series #4) COMPLETEDWhere stories live. Discover now