And Ali gets that. Kasi ganoon din naman siya. She likes her privacy and respects people that respect hers.

Buo ang tiwala niya kay Ames na kapag handa na ito, magsasabi ito sa kaniya ng kusa. At kung may pangangailangan ito, hindi ito magdadalawang-isip na lumapit sa kaniya.

Ganoon ang pagkakaibigan nilang dalawa. They don't talk much or meet frequently, but there is mutual trust, respect and love.

Now, if she could only find the same in a man.

Tiwala pa lang talo na. May loyal pa ba o reserved na lang iyon for dogs?

Ali smirked at the thought.

Then, she remembered her dad. Ilang dekada na itong kasal sa Mommy niya na pinagmanahan niya ng pagiging antibiotic niya pero ni minsan ay hindi ito lumiko ng landas. Daang matuwid ang Daddy niya.

But that's the problem. Ang mga lalaking loyal ngayon, kung hindi matanda na tulad ng Daddy niya, lalaking loyal din ang hanap.

Inayos niya ang pagkakahilata sa sofa bago ipinikit ang mga mata. Nararamdaman niya na unti-unting umeepekto ang gamot. Nabawasan na ang pamimigat ng ulo niya. Iyong kirot na lang talaga.

Narinig niya ang message alert tone ng phone niya. Without opening her eyes, she groped around her sides to find where she dropped it.

2 ang nag-text: isa galing kay Ames at isa galing sa hindi niya kilalang numero. Inuna niya buksan ang message ng kaibigan.

"OTW back to the office. Hope you're feeling ok now. Let's catch up again soon." Her response and how she phrased it is typical of Ames. She texts the way she talks: straightforward. No emojis. Walang arte. You would think that as a top-notch interior decorator, she would be artsy in everything, but not Ames. Her creativity is reserved only for creating beautiful, breathable spaces.

Iisipin siguro ng iba na parang ang pormal nila ni Ames sa isa't isa, kahit sa text. Na parang hindi sila close.

Iyan din ang unang impresyon nila sa isa't isa ni Ames: masyado silang pormal at businesslike para maging close. Pareho kasi sila na kapag oras ng trabaho, trabaho lang. That's why they work well together. They are both focused and driven.

Hanggang sa dumating ang groundbreaking ceremony ng Flavors. Siyempre, nagpasinaya ang may-ari. Balak niya sana na huwag sumipot dahil sigurado siyang babaha ng alak. May-ari ba naman ng bar ang host.

Inaya siya ni Ames at nahiya naman siya tumanggi. Dapat daw ay pumunta sila dahil silang dalawa ang bubuo sa pisikal na anyo ng Flavors. Bukod doon ay magandang pagkakataon daw iyon para makapag-networking. Makakilala ng ibang maaring maging kliyente.

Sumama siya dahil gusto niya makilala si Ames sa labas ng opisina nito.

What a revelation that night turned out to be. And what great fun, too.

Hindi lang pala sila sa trabaho magkatulad ni Ames. They both loved to drink and party too. For the first time in a long while, Ali felt secured enough to let loose without being judged.

Ang groundbreaking party na iyon ang isa sa mangilan-ngilan na pagkakataon na nakita ni Ames na nalasing siya nang todo.

She woke up in Ames's condo with a splitting headache. Pretty much like today. At tulad ng umagang iyon, lumabas sila ni Ames para mag-mall at kumain.

It ended just like today too: she, back in her condo. Ames back in her office.

She and Ames, closer than ever.

Tumunog uli ang cellphone niya. Akala niya ay nag-text pa ang kaibigan pero iyong unknown number ulit.

"Hey. You feeling better now?" ang unang message. She'd like to dismiss it as a missent text, but the second text message confirmed it's really meant for her. "Ali? You still sleeping? You still hung over?"

Spiked Lemonade - Flavors Series 5Where stories live. Discover now