"Then why were you watching us intently? Parang gusto mong makipagsuntukan sa kaniya, e."

"I'm not a violent guy."

"Pero 'yong tingin mo kanina! Mukha ka talagang galit!"

"I don't know." He smirked playfully. "Maybe I really am mad, huh? Maybe I don't fancy you anymore because you have too many men to count."

"You don't fancy me anymore? Sure ka?" I scowled when he only gave me a knowing look. "Sinungaling. I know you fancy me!"

"No, I don't."

"Yes, you do!"

A soft chuckle escaped his lips. Nodding, he said, "Yes, I do."

Napagdesisyunan naming umalis doon sa hotel at umuwi na lang. Ico proposed the idea, but I agreed immediately because I wanted to talk to him about our wedding. 'Yon nga lang, kakapaandar niya pa lang ng sasakyan niya nang eksaktong mag-ring ang cellphone ko. Sinipat niya 'ko pati 'yong caller I.D. sa screen. Galing kay Laurel ang tawag kaya sinagot ko agad.

"Ano 'tong naririnig kong makikipag-live in ka na raw diyan sa doktor mo?!" singhal niya sa kabilang linyang nagpapikit ng mga mata ko. "Huwag mo nga munang atupagin 'yang love life mo at itong kapatid mo naman ang alalahanin mo! Birthday niya na sa katapusan, Sunny! Baka nakakalimutan mo? Tinanong ko kanina si Mine at ang sabi niya'y wala pa raw kayong preperasyong nasisimulan!"

"Hindi ko nakalimutan, Laurel," mahinahon kong sambit. "Kaninang umaga lang sinundo ni Minerva si Sab galing sa summer house. Buong linggo ko siyang kasama. 'Tsaka hindi ba't dapat ikaw ang tinatanong ko niyan? Sa pagitan nating dalawa, ikaw 'yong mas inuuna lagi 'yong sarili niya."

"Kailan ko 'yan ginawa?"

"Nakalimutan mo na bang puro bakasyon lang ang pinagkakaabalahan mo nitong nakaraang mga linggo? Parang kaming dalawa lang ni Mine 'yong may pakialam dito kay Sab, e."

"T-therapy ang tawag doon! Kailangan ko ng stress-reliever!" tanggi niya. Bumuntong-hininga ako. She's always like this. Nakakapagod na. "Hay naku. Kung 'yan ang pinuputok ng butchi mo, edi sige! Ako na ang bahala sa birthday party ni Sab!"

"Laur, 'wag ka ngang sumigaw. Ang ingay."

Tinakpan ko ang tenga ko. Beside me, Ico was listening to our conversation while driving. Nakakahiya at kailangan niya pang marinig ang usupang 'to. Matagal na rin naman niyang alam na hindi maganda ang relasyon namin ni Laurel pero iba ngayong si Sab na ang pinag-uusapan.

Euphemism aside, Isabel's dying, and the least we could do as her sisters was unite for her. Act like goddamn adults for her. But there we were, still acting cheap and petty. Parang 'di natututo.

"Sino bang kasama mo at mukhang kinakahiya mo ang boses ko?"

"Wala naman," pagsisinungaling ko. I didn't want to involve Ico in this. "Just a friend."

Sa gilid ng mga mata ko ay humigpit ang hawak ni Ico sa manibela, dahilan upang bumakas ang biceps sa braso niya. Nilingon ko siya at sinalubong niya 'ko ng magkasalubong niyang kilay. Mukha siyang gulong-gulo at naiinsulto. Ano na namang problema niya?

Ilan pang palitan ng salita bago ako natatarantang nagpaalam kay Laurel. Wala rin naman siyang kuwentang kausap at kapag 'di ko pinatay ang tawag, mukhang ako ata ang mamamatay sa titig ni Ico sa 'kin. My nervousness only worsened when he pulled over at a park, which I noticed was their park. Benavidos Boulevard.

Gabi na kaya wala nang tao sa parke maliban sa iilang magkasintahang nagdi-date at residenteng nagn-night jog. The park had a jogging track, a lake, and a garden. May mga lamppost na naglinyahan sa jogging track at mga fairy lights na nakasabit sa mayayabong na mga halaman sa hardin.

Bad Times at Sunrise (La Fortuna Series #3)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum