Chapter 25.2 ♥ Presentation

Magsimula sa umpisa
                                    

Napatingin ako ditto. “Bakit ano ba nangyari?” Tanong ko dito. Ngumiti naman ito saka umiling “Wala yun a business matter” Sabi nito saka hinawakan ang kamay ko. Nasasanay na din ata ako sa mga ganitong gestures  ni James. 

Tumango ako naglakad na din. Nandyan na naman ang mga naunuring mata ng mga tao dito.

“Napaka flirt talaga ng babae yan, din a nahiya dalawang lalaki pa ang nilalandi”

“Eh kasi naman, gusto nya ata lahat nalang boys ditto magkagusto sa kanya”

“Dito pa kasi yan pumasok, Dapat di yan tinatanggap ditto.”

 Akmang pupuntahan ni James para pagsabihan nang  hawakan ko ang kamay nya. “Wag munang patulan” Sabi ko ditto saka bahagyang ngumiti.

Napabuntunghininga ito. “Okay, Dapat hindi mo hinahayaan na ganunin ka nila” Sabi nito sakin. Ngumiti naman ako “Okay lang yun ano kaba” Sabi ko saka ngumiti ng maluwang. 

Pinat naman nito ang ulo saka naglakad na kami, Ihahatid nya daw ako sa room ko. Ang sweet nga ni James.

THIRD PERSON POV

Habang magkahawak sila ng kamay, May isang taong nakatingin sa kanila. Punong-puno ng galit ang kanyang mga mata.

“Mahal na mahal kita, pero ano ang ginawa mo sa’kin . Sinaktan mo lang ako” Sabi nito sa sarili habang may luha sa kanyang mga mata. Na napalitan ng galit.

“Hindi ko hahayaang maging Masaya ka, humanda ka dahil sisirain ko ang buhay mo.” Saka ngumiti ito ng nakakaloko. At nilisan ang lugar na yun.

James pov

Nakakainis ang mga taong walang magawa sa buhay nila. Isipin ko palang kong ano mga pinaggagawa nila kay Anise di na ako mapakali. Gusto ko silang saktan kahit nab a babae pa sila. Wala silang karapatan ganyanin ang Mahal ko. Oo mahal ko nga siguro sya, Ewan ko nga kong kalian nagsimula.

 Basta ang alam ko naramdaman ko nalang na Mahal ko sya. Napapangiti ako kapag naalalala ko sya. Hindi nabubuo ang araw ko pag hindi ko sya nakikita. Gusto kong palagi hawak ang kamay nya,Nagagalit ako pag may lumalapit sa kanya. It’s so gay pero ito yung nararamdaman ko.

Kilan ko nga ba ito huling naramdamn ng dahil sa isang babae. Napailing ako ako lately aaminin kong masyado akong nagiging korni ayokong mahiwalay ang tingin ko sa kanya. Subukan lang nilang saktan si Anise kahit babae pa sila. Makakatikim sila sa akin.

Kung hindi lang may kinkaharap na problema ang pamilya ko, Palagi sana kaming magkasama. Napabuntunghiniga ako. Sino naman kaya ang nagtatangkang sirain ang negosyo namin. Sa pagkakaalam ko wala naman kami nakakaaway. Pero ngayon pati sa buhay ng dad ko may nagbabanta.

 Papunta na ako sa room. Kakahatid ko lang kay Anise, Alam ko din na pinagtitinginan na kami ng mga tao ditto. And I don’t care. Tsk bahala sila kung ano man ang isipin nila.

Kring  

Di ko maiwasan mapangiti ng maalala ko sya, Kapag namumula dahil nahihiya sya. She looks beautiful when she blush. When my phone rang. I immediately answer it. 

“Yes, Helow?”

“What?” Napasigaw na ako. “What happen?” Tanong ko ulit.

 Ano bang nangyayari. Mabilis akong naglakad palabas ng campus, kailangan kung pumunta sa hospital. “Fuck, Sino ang gagawa nito?” Nagtagis ang bagang ko. Pag nalaman kung sino man ang pasimuno nito magbabayad sya, I swear.

Pumunta na ako kaagad sa paraking lot para kunin ang kotse ko. “Shit” Bulong ko. Ng isang taong bumunggo sa akin.

Anise Pov

After akong ihatid ni James sa room ko. Napapaisip ako alam kong may gumugulo sa isip nya ayaw nya lang siguro na sabihin sa akin.  Kung ano man yun sana maayos na hindi lang siguro ako sanay na nakikita syang ganun .

Ang kilala kong James  yung jolly at palaging nakangiti. Kahit alam kong sa akin lang sya ganun. Masungit lang sya sa ibang tao na hindi nya masakyan ang ugali.

Natigil ako sa pagmumuni-muni ng may padarag na umupo sa katabi kung upuan. Napalingon naman ako ditto. Nakakunot-noo ako ng tingnan ko ito mukhang mainit ang ulo. Ano ba ang problema nya?.

Tiningnan ko sya ng masama, Ano ba ang problema nya. Matanong nga. “Ano ba problema mo?” Mataray kung tanong. Tiningnan nya lang ako at tumingin sa unahan. Napakunot-noo ako. Bahala nga sya dyan hmmp.

Maya maya dumating na din teacher namin.  Nagsimula nang maglecture yung katabi ko naman hayun . nakaob sa upuan nya. Alam nyo na kung ano ang ginagawa di natutulog. Napailing nalang ako habang ang ibang mga classmate naming hayun, Kilig na kilig.

Ewan ko ba kung ano ang nakita nila dyan ang yabang naman. Napaka ungentleman pa hmmp.

 Natapos na ang lahat pero tulog padin sya mabuti na nga lang kanina di yan napansin ng teacher namin. Dahil kung hindi baka napalabas na naman yan sabagay sanay na naman yata yan ihh.

Akmang tatayo na ako ng basta nalang may humila sa kamay ko. Npalingon naman ako ditto. “Anong…”  Di ko na natuloy ang sasabihin ko na bigla nya akong hilahin kung kaya’t  napaupo ako kandungan nya. “What the…..” Di na nya ako pinatapos  ng bigla nyang halikan ang labi ko.

Nanlaki ang mga mata ko ng dumampi ang labi nya saakin.

“OMG”

“Ano ba yan”

“ Ang sweet naman”

 Di parin ako makapaniwala nanlabot ang tuhod ko. Na tila may kuryente dumaloy mula sa kamay na papunta sa akin.

Hanggang sa bumitaw sya tulala parin ako . He kissed me. He kissed me.

Dug dug dug

Bakit ganito ang lakas rin ng tibok ng puso ko. Ano ba talaga ang nanagyayari sa akin.

Nakatingin lang ako sa kanya, Ganun din sya. Ngumiti sya sa akin. “Do you really liked my kisses huh”  Nakangisi nitong saad.

Tila binuhusan ako ng malamig na tubig. Namula ako sa sinabi nya . Gusto ko ba yung kiss nya?.

WAAA INTENSE  HMMP MUKHANG GUSTO NYA NGA TALAGA ANG HALIK NI XIAN AH. HEHEHE EXCITED :)

My Brokenhearted HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon