Chapter 18: The Vacation

Start from the beginning
                                    

"Doc, kamusta po siya?" Tanong ko kay Dr. Adelaine na kakapasok lang ng kuwarto ni Mama.

"Ano ka ba Dia? Hindi pa ako totally doctor Dia."

"Haha soon to be po." Nakangiti kong sambit habang inaayos ang dala kong prutas.

"Haha sana nga."

"Bakit po sana nga? Diba nasa fourth year clinical clerkship na po kayo?"

"Oo pero kailangan ko pang umattend ng fifth year para sa postal graduate internship ko."

"Almost 8 years na po kayo sa field ng medicine, hindi po ba kayo nahihirapan?" Napansin kong tumigil siya sa pagsusulat sa dala niyang folder ng dahil sa tanong ko, ngunit nginitian niya lang ako at muling nagsulat.

"Actually tinanong din sa akin 'yan ni Doctor Sylvia pero hindi ko alam ang isasagot. Haha masaya naman ako sa ginagawa ko kaya huwag kang mag-alala."
Muli siyang ngumiti at ipinagpatuloy ang pagchecheck kay Mama.

Kahit abala siya sa pagpasok nagagawa niya pa ring bantayan si Mama, hays kung pwede lang ako umalis ng maaga sa opisina hindi ko na siya aabalahin pa. Sobra na ang pang-aabala ko sa kanya.

"Huwag mong isipin na nahihirapan ako sa sitwasyon ko, hindi naman ito nakakaapekto sa schedule ko sa school at dito sa hospital, tsaka past time ko na din ang magbantay kay Mrs. Alondra lalo na sa gabi." Napansin siguro ni Adelaine na nawala bigla ang sigla sa aking mukha ng sumagi sa aking isipan kung anong pang-aabala na ang nagawa ko.

"Matagal niyo na po pangarap ang maging physician, ayaw ko lang po makasagabal sa pangarap niyo."

"Dia noon ko pa sinabi na ayos lang, tsaka nag eenjoy ako sa ginagawa ko. Pero hindi free ang service ko."

"Of course Doctor Luson." Pansin kong mas napangiti siya ng sabihin ko iyon. Sa loob ng mahigit isang taon halos kilala ko na ang mga doctor at nurses dito sa hospital. 25 years old lang si Adelaine noong nakilala ko after kong makagraduate, sa clinic ng school ko siya nakilala matapos kong samahan si Shine dahil sa injury nito. Akala ko siya ang bagong nurse sa school namin pero hindi pala, dinalaw niya lang ang kaibigan niya na doctor ng school. Actually nurse talaga siya dito pero dahil pangarap niya maging physician muli siyang pumasok sa medical school. Then after 3 years nagkita muli kami dito sa hospital, mas una ko siyang nakilala kaysa kay Doctor Sylvia na kakilala naman ni Mama.

Balang araw masusuklian ko din ang lahat ng kabutihan mo sa amin ni Mama, maging ng iba pang doctor, nurses at staff ng hospital na ito. Kung hindi dahil sa inyong lahat hindi ko alam kung saan ako pupulutin upang ipagamot si Mama. Hindi ko alam kung kailan, pero susuklian ko lahat ng ginawa niyo para sa amin ni Mama.

"Dia ayos ka lang ba?" Natigilan ako sa pag-iisip ng malalim ng marinig ang boses ni Adelaine. Ngumiti lang ako sa kanya at tinapos ang paglalagay ng mga prutas sa ref, kumuha ako ng isang orange, apple juice at isang tupperware na may complete meal sabay lagay sa isang paper bag.

"Thank you for taking care of my Mom." Nagulat si Adelaine ng iabot ko sa kanya ang paper bag, ako naman pangiti ngiti lang dahil sobra ang pasasalamat ko sa kanya maging sa ibang doctors.


Maya maya pa ay natapos na siya sa pagchecheck kaya umalis na din siya, kailangan niya pa kasi mag-rounds sa ibang pasyente ngayong lunch.

Napabuntong hininga ako ng makaupo sa tabi ng kama ni Mama, almost 1 month na ang nakakalipas magmula ng matanggap ako sa trabaho at ngayon magiging CEO pa ng isang kompanya. Pero it doesn't mean na tinanggap ko ang sinasabi nila na isa akong Prinsesa ng Rallnedia, I still need an answer from my Mom. Kahit marami na silang ipinakitang ebidensya sa akin ay nananatili pa ring malinaw sa akin ang lahat na hindi ako ang Prinsesa na tinutukoy nila. Si Mama lang ang makakasagot sa lahat ng tanong ko, sa kanya lang ako maniniwala at sa sagot niya lang ako mapapanatag.

.

.

.

Someone's POV

"Mariel naayos ko na sa room mo ang mga gamit mo. Exact 7:00 in the evening ang dinner, okay?"

"Opo Manang." Umalis na din si Manang matapos ayusin ang gamit ko, masyado na niya akong ini spoiled. Pagkarating na pagkarating namin ay kinuha na agad niya ang mga gamit ko, hindi ko naman mabawi sa kanya dahil inilock niya ang room habang inaayos ang gamit ko kaya hindi ako makapasok kanina.

5:30 na ng hapon kaya napagdesisyunan ko munang lumabas sa terrace ng room ko upang magmuni muni. Kinuhanan ko pa ng litrato ang papalubog na araw kung saan nagrereflect ang liwanag nito sa kalangitan at sa kabuuan ng dagat.

Napangiti ako nang makakuha ng magandang spot ng sunset. Ipinikit ko sandali ang aking mga mata at pinakiramdaman ang unti unting paglubog ng araw, sumabay ang masarap na simoy ng hangin mula sa karagatan. Ngumiti ako sa mga sandaling iyon, after 4 years ay nakabalik din ako kung saan ako pinanganak. Ang lugar kung saan mas nagiging panatag at secure ang kalagayan ko.


Makalipas ang mga limang minuto ay iminulat ko na ang aking mga mata. Naglahong bigla naman ang ngiti sa labi ko ng mapansin ang isang babae na nakatayo sa seashore, may hawak siyang cellphone sa kanang kamay at nakatango. Napansin ko naman na wala na ang sunset, sabay tingin muli sa babaeng iyon.

Sorry ka pero ako lang ang pwedeng kumuha ng magandang spot ng sunset sa lugar na ito. Nakangiti kong bulong sa aking isipan.

Maya maya pa ay nagsimula na siyang maglakad ng nakatango pa rin ang kanyang ulo, nalungkot naman ako bigla sa nakita ko pero hindi ko na lang pinansin iyon. Gaya ng bulong ng isip ko, ako lang ang pwedeng kumuha ng magandang spot at perfect time ng sunset sa lugar na ito.

.

.

.

"Diba ang sabi ko 7:00 in the evening? Pero 7:48 ka bumaba." Napahawak na lang ako sa tainga ko ng muli kong marinig ang boses ni Manang Cristy.

"Sorry po."

"Hay naku kang bata ka."

"Manang hindi na po ako bata." Nakasimangot kong sambit sabay kuha sa vegetable salad.

"Hangga't wala kang ipinapakilala na jowa sa akin ay mananatili ka pa ring bata sa akin."

"Opo, ipapakilala ko din siya agad pagkagraduate ko. Alam mo naman si Kuya at si Daddy masyadong strikto. Teka nasaan po pala si Mariel the 2nd?"

"Hay naku kapag narinig ka no'n hahampasin ka na naman ng kapatid mo."

"Bakit po? Mariel the 2nd naman sadya ang pangalan niya."

"Hindi ako Mariel the 2nd!" Napalingon ako sa labas ng pinto ng living room kung saan nakatayo ang lalaking umuusok na ang ilong dahil sa sinabi ko.

"Anong hindi ka diyan? Huwag ako Mariel the 2nd."

"Manang si Mariella inaasar na naman ako!"

"Haha hindi ako si Mariella."

"Mariella, Mariella, Mariella." Binilatan pa ako bago umupo upang kumain.

"Talaga naman 'tong batang 'to. Gusto mo bang matuktukan?"

"Tuktukan mo, pakialam ko." Agad akong lumapit sa kanya at tutuktukan na sana ng tingnan ako ni Manang. Mabilis naman akong bumalik sa kinauupuan ko at ipinagpatuloy ang aking kinakain.

Napansin ko pa na nakangisi ang lalaking iyon, siniringan ko naman siya at kumain.

Mamaya ka sa akin kapag matutulog ka na. Pasalamat ka dahil kakauwi ko lang, humanda ka sa great revenge ko. After 4 years makakaganti na din ako sa mga kawalang hiyaan mong lalaki ka. Kung hindi lang ako lumipat sa Gemolis City matagal na akong nakaganti sayo.

Ngayong bakasyon makakaganti na din ako sayo.

Unexpected RoyalWhere stories live. Discover now