Chapter Six (Reality is stranger than Fiction)

Start from the beginning
                                    

"Ito ang planetang Xenica,"

Napakunot siya ng noo, ano bang natira nito? Kasapi ba ito sa kulto? "Sige, kunwari naniniwala ako sa mga sinasabi mo,"

Ngumiti ito, "Maniniwala ka rin," paninigurado nito.

Nagpatuloy sila sa paglalakad, napansin niya na may mga naninirahan rin doon, una niyang napansin ang kulay ng mga damit ng mga ito. Green katulad ng sa babaeng kasama nila. Bumaling siya sa babae, nagpalit na ito ng damit hindi na pang-opisina, simpleng mahabang kasuotan na lamang iyon pero green pa rin. Bumaling naman siya kay Alican, nakaputing t-shirt na lang din ito at puting maong pants. Color coded ba mga tao rito? Weird.

"Saka nga pala, uulitin kong ipakilala sayo ang iyong personal assistant, siya si Alala, nagtatrabaho siya sa laboratory ko pero ngayon na nandito ka na siya ang magiging assistant mo," pagpapakilala ulit dito ni Alican.

"Ikinagagalak kitang makilala, Apolectus Unum," yumuko ito.

"Apolectus Unum? Abenido Legarda ang pangalan ko miss, Abby for short," ngumiti siya rito.

"The selected one ang ibig sabihin n'on," pagbibigay kahulugan ni Alican.

"Selected one?" naguguluhan pa rin siya, may bigla siyang naalala, "Kunwari ulit naniniwala na ako, diba kanina hindi ko maintindihan ang sinasabi niya, bakit ngayon na iintindihan ko na ang sinasabi niya?"

"Dahil inilagay ko na ang mga chips kanina n'ong hinimatay ka," sagot ni Alican, pasimple niyang hinanap ang chips sa pamamagitan ng dila niya pero hindi niya mahanap iyon. So naloko na naman siya. Again note to self: Huwag tanga. Pangalawa na yan.

"Hindi mo mahahanap iyon dahil kusang dumidikit ito sa ngipin na parang part na siya ng ngipin," mukhang nakita nito ang pasimpleng ginawa niya, kinuha nito ang kamay niya at ipinakapa ang likod ng kanyang tainga, "anong nararamdaman mo?" malamig sa bahaging iyon ng kanyang tainga, parang may metal na kung ano ngunit balat lamang niya iyon. Kinapa niya ang kabilang tainga, hindi malamig.

"Anong naramdaman mo?" ulit ni Alican.

"Wala," pagsisinungaling niya.

"Okay, you can lie," kibit balikat nito.

"Saan tayo pupunta? Gusto ko na talagang umuwi," naiinis na siya.

"Sa laboratory ko," tipid na sagot nito.

"Kanino palang bahay iyong kanina, kay President Barrack Obama ba 'yon? Para kasing white house?" usisa na lang niya, mukhang hindi siya nito papauwiin, tatakas na lang siya mamaya, mangangalap muna siya ng impormasyon para maisumbong niya sa awtoridad ang kultong kinabibilangan nito. Magiging sunod-sunuran muna siya, mukhang hindi naman siya sasaktan ng mga ito. Maghahanap siya ng cellphone o kahit na anong p'wedeng makacontact.

"Hindi ko kilala ang sinasabi mo, bahay ko iyon, dinala ka namin doon dahil ang akala ko ay matagal ka na namang mawawalan ng malay, your body really amazed me, not so ordinary kind of human body structures," pahayag nito.

Hindi niya pinansin ang mga pinagsasasabi nito tungkol sa kanyang katawan,"Bakit ilang oras na ba akong nawalan ng malay?"

"Two weeks na, simula ng turukan ka ng pampatulog ng special beta ops na kumuha sa'yo sa earth, kung tama ang calculation ko katulad ng pagbibilang niyo ng oras sa earth," hindi na niya pinansin ang ibang pang sinabi nito.

"Ano! Two weeks!? Di nga?" hindi siya makapaniwala, kung gayon ay dalawang linggo na siyang nawawala, may palagay siyang hinahanap na siya sa lugar nila, hinahanap nga ba talaga siya, invisible nga pala siya sa lugar nila, wala kasi siyang masyadong kakilala sa lugar nila, hindi rin naman siya mapapansin kung nawawala na. Juice colored!

Nakarating na sila sa tinatawag nitong laboratory, malapit lang ito sa bahay ni Alican, napansin niyang pinagtitinginan siya ng mga taong naroon, ngayon ay dalawang kulay na ang nakikita niya, may mga nakasuot na ng black pero mas madami pa rin ang kulay green, tanging si Alican lang ang nakaputi at siyempre siya.

Pagpasok nila sa malaking building glass na iyon ay namangha na naman siya, parang advance masyado ang loob nito 'yong mga nakikita niya sa pelikula na mga science fiction, 'yong kagamitan na highly advanced technology ng mga alien. Huminto siya ngayon lang nagsink in sa kanya lahat.

Nanlaki ang mga mata niya ng balingan siya ni Alican, "Oh my god! Alien nga kayo?"

"Huwag mong sabihing hihimatayin ka na naman?"

Nakita kasi nitong napahawak siya sa kanyang noo, "Hindi, nabigla lang ako,"

"Napaka-late reaction mo naman, kanina ko pa sinasabi sa'yo," nagkamot ito sa ulo.

"Kung alien nga kayo, bakit parang katulad namin kayo? Diba ang mga alien kulay green ang dugo, kaya ba maraming nakagreen dito?"

"Wrong information, kayo kasing mga taga-earth mahilig mag-assume, hindi kami gan'on, lahat ng mga tanong mo kay Alala mo na lang itanong, sa ngayon sumama ka muna sa akin may ipapakita ako sa'yo para matigil na 'yang pagdududa mo," pumasok sila sa isang kwarto.

Namangha na naman siya pagkakita niyon.

My Alien Soulmate (boyxboy) [COMPLETED]Where stories live. Discover now