2

7 1 0
                                    

Nang maisara ni Aleona ang pinto ng unit ni Ysabel kung saan siya naninirahan, bigla na lamang tumulo ang mga luha niya. Napatakip tuloy siya ng bibig sabay usal ng, "Holy shit, bakit ako umiiyak?"

Pinilit niyang patahanin ang sarili habang pinupunasan ang mga luha. Pero wala talaga. Ayaw tumigil. Kaya naman napaupo na lang siya sa sahig saka niyakap ang mga binti.

Sa dami ng pwedeng mawala sakin, bakit yung necklace ko pa? Himutok niya habang nakadukdok sa mga tuhod. Napakaimportante sakin nu'n. Ang shunga-shunga ko naman, kainis!

She didn't know how she lost it, pero ang suspetsa niya ay marahil sumabit iyon noong nakabangga siya. Siguro, sa nabangga niya sumabit. Now, if that guy just knew her, baka sakaling naibalik nito iyon sa kanya.

Tumingala siya. "Pa, sorry. Nawala ko yung kwintas na binigay mo sakin," palahaw niya.

That necklace was the last thing her father gave to her kaya naman ganoon na lang kung ingatan niya iyon.

Bigla tuloy nag-replay sa utak niya ang mga huling sandaling kasama niya ang ama. She won't deny she's a daddy's girl. Bakit ba naman hindi? Her dad is a sweetheart. Ito ang tipo ng ama na kahit abala sa trabaho, humahanap pa rin ng oras para maka-bonding siya.

They were a happy family hanggang sa dumating ang malaking dagok sa buhay nila: her father's death. Hindi niya talaga masyadong maalala kung ano ba ang eksaktong nangyari. All she remembered was seeing her dad confined in a hospital. May mga aparatong nakakabit sa katawan nito. Balot din ng benda ang katawan nito. It was as if he suffered from a really tragic accident.

Then, a few more days, namatay na ito. Mula rin noon, nawala na ang nakagisnan niyang buhay.

Dumilat siya. No. Tama na ang pag-iyak Pinunasan niya ang mga luha saka tumayo. She had no time to be vulnerable. Lalo pa at alam niyang nagpapakahirap ang kanyang mama na pag-aralin siya sa isang prestigious na university.

Tumayo siya saka nagtungo sa banyo para maghilamos. Then, she looked at her wet face and smiled. Yet her face won't cooperate for whatever reason. Halatang pilit ang ngiti niya. Gone was her tough facade. Instead, she saw a pair of tired eyes. Na para bang napakarami niyang dinadamdam.

The image the mirror portrayed was a damsel in distress, and she hated it. Napatalak tuloy siya. Matagal nang tapos ang pag-iilusyon niyang isa siyang prinsesa. Walang knight in shining armor na sasagip sa kanya. All she had right now was herself.

And yet she could not put back the fake image she normally shows. By then, she realized she might be too tired, kaya naman hinayaan na lang niya. She shook her head and grabbed some paper towels to wipe her face. After throwing it into the trash bin, she went out of the toilet.

Kadiliman ang bumungad kay Aleona, palibhasa'y pasado alas sais na rin kasi. Agad siyang lumapit sa switch malapit sa tabi ng doorway ng kwarto nila. White light flashed from the ceiling, illuminating the entire area.

Hindi naman masyadong malaki ang unit ni Ysabel. Pagbukas ng front door, isang pasilyo ang makikita. Lababo at kitchen counter sa kanan; pinto sa banyo, at wall table na may tatlong drop lights at apat na high chair naman para sa dining area sa kaliwa.

Paglampas ng bahagya sa dining area ay ang pinto para sa kwarto nila ni Ysabel. A few more steps after was the other room that was converted to a walk-in closet; then a few more would lead to the living room. Nasa living room din ang sliding door na magdadala sa balkonahe, kung saan naman nila sinasampay ang labada.

Aleona picked her bag that she left at the main door. Tapos, dumiretso siya sa leather couch sa sala at naupo roon.

"Hays, kapagod," bulong niya saka pumikit saglit para ipahinga ang mata. Napilitan din kasi siyang isuot maghapon ang eyeglasses dahil puro sila activity kanina sa mga accounting class niya nang araw na iyon.

After a few minutes, she fished for her phone inside her bag. She has 21 missed calls from Ysabel!

"Hala?!" Noon lang niya naalala nakalimutan niyang i-unmute ang phone. Classroom rule kasi ng professor niya sa huling klaseng pinasukan na dapat naka-silent lahat ng phone habang nagkaklase.

Taranta niyang in-unlock ang phone. Mayroon ding sunod-sunod na chat si Ysabel sa Viber niya.

"HOY TINGNAN MO ANG INSTAGRAM NI SYLAS!!! SASABUNUTAN TALAGA KITA!!!!" was her last message.

Napakunot siya ng noo. She has an Instagram account pero hindi niya iyon masyadong ginagamit dahil wala siyang hilig sa pagkuha ng litrato. Isa pa, hindi rin niya alam account ni Sylas.

Bakit? reply niya sa babae. Itatabi na sana niya ang phone pero nag-reply agad si Ysabel. "Aba, ang bilis naman? Nasaan ba ang gaga na to?" kunot-noong aniya.

She checked her reply: "HAVE YOU SEEN IT BA? OHMYGOD NAKAKALOKA KA!"

"Pwede bang wag kang mag-all caps? Kinakabahan ako sayo, ay." Napailing-iling na lang siya saka tinanong kung ano ba ang account nito.

Her reply: BRUHA?! DI KA PA PALA NAKA-FOLLOW SA KANYA?!

"Aba, malay ko ba? Di naman ako active sa Instagram. At di ko rin naman crush si Sylas."

Hindi nga ba? bulong ng isip niya.

Biglang nag-init ang pisngi niya kasabay ng pag-alala niya kung paano siya nito nginitian kanina. Hindi lang basta friendly ang ngiti nito. Boyfriend material type talaga. Ito ang tipong masarap i-post sa social media para inggitin ang mga makakakita.

But no. She should stop. Crush ng kaibigan niya si Sylas. Hindi na dapat niya itong matipuhan ang lalaki.

She shook her head as she quashed Sylas's image out of her mind. Tapos, tinanong niya kung ano ang account ng lalaki. heyitssylas daw.

Mabilis niyang hinanap ang account nito, at agad ngang lumitaw.

"Wow, ang daming followers," bulong niya ulit nang makitang six digits ang bilang ng users na naka-follow dito. "Sabagay, gwapo kasi tapos galing sa kilalang pamilya."

She had heard of his family -- the Fortalejas. Isa iyon sa pinakamayamang angkan sa bansa. Bukod sa properties nila, marami rin silang business ventures like pawnshops, airlines, and construction company.

Then, she looked at his profile picture, and she was like, "Ang cute naman nito sa profile pic niya."

She clicked the profile picture to zoom in. It was a candid shot of Sylas laughing while looking at someone. Parang napakamasiyahing tao pala nitong tao.

Sabagay, rich kid e. So masaya talaga ang buhay nila. Napailing-iling na lang siya.

Aleona realized she had stared at the picture longer than expected. Binack na niya iyon at nag-scroll down para makita ang nais ipakita ni Sylas.

The latest picture he uploaded caught her attention. It was just a picture of his hand while holding a necklace with a bullet pendant.

Ang kwintas niya!

"Bakit nasa kanya ito?!" bulalas pa niya kasabay ng pandidilat ng mga mata.

Taranta niyang pinindot ang larawan. There was a caption that said, "To the girl who owned this, I just want to tell you I'm not giving this back until you return what you stole from me."

"Ha?" Kumunot ang noo niya. "Anong ninakaw ko sayo?"

She realized na naka-collapse pala ang text. She clicked the "More" button. There was a long series of dots, so she had to scroll her phone down further to see what else was written.

At naibato niya ang phone sa kabilang dulo ng sofa nang mabasa ang nasa dulo niyon.

"Shet, ano yung nabasa ko?" bulong niya habang takip ang bibig. Ramdam niya ang pag-init ng pisngi niya habang bumibilis din ang tibok ng puso niya. "That's impossible. Baka namali lang ako ng basa."

She grabbed her phone again to check if she misread it. She didn't.

Malakas niyang nilapag ang phone sa center table. "What the hell! What the hell!" Tumayo siya at naglakad-lakad sa sala. "Ano yon? Anong kalokohan iyon?"

Sinabi ni Sylas sa huli ang ninakaw raw sa kanya ni Aleona. What was that? Well...

His heart. 

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 22, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Biting the BulletWhere stories live. Discover now