1

19 1 0
                                    

"Girl, he's so handsome talaga. Ba't ganern?"

Napabuga na lamang si Aleona ng hangin saka minasahe ang sentido. Pagkuwa'y hinarap niya ang kaibigang si Ysabel na nakaupo sa harapan niya. As expected, her friend was looking somewhere far from them. Hindi na niya kailangang alamin kung saan--or more accurately, sino ang tinitingnan nito.

"Alam mo, Ysa, pang-sampung ulit mo nang sinabi iyan." Pinaningkitan niya ito ng mga mata. "One more time, pagmumultahin na kita."

Napanguso ang kaibigan niya saka sinalubong ang kanyang titig. "Ba't ka nagagalit?"

"Tingin mo bakit?"

"Sungit, ah?" Inirapan siya nito saka muling tumingin sa tinititigan kanina. Pagkuwa'y hinawakan nito ang kamay niya. "Pero shocks, Aleona! Ampogi niya mag-smile!" Niyugyog pa siya nito.

Napatalak na lang siya. "Sabi ko sayo, pagmumultahin na kita, di ba? Now, give me one hundred pesos."

"Luh?" bulalas nito. Nandilat pa nga ang mga singkit nitong mata. "Ba't may pagsingil?"

"Para seryosohin mo yung sinasabi ko. Kasi promise, Ysa, nakukulili na ako sayo. Teka, anong oras na ba?" She checked her wristwatch. "Oh, it's almost three na. May klase ka pa, di ba? Lumayas ka na nga dito."

"De wow," Ysabel sneered. Tapos, sinakbit nito ang handbag sa kaliwang balikat. "Makalayas na nga dito. Apakasungit na naman ni Aleona."

"Yan, tama yan." Muli niyang hinarap ang librong binabasa.

"Ikaw? Di ka pa uuwi? Wala ka nang class, right?"

Umiling siya. "Mamaya na. Dito muna ako. Lam mo naman, mainit sa unit mo kapag ganitong oras."

"Sorry naman." Pinandilatan siya ni Ysabel. "And you can turn the AC naman kasi, girl. Di naman big deal yun."

"Di na. Dito na lang ako tutal nandito na rin naman na ako." Sumenyas siyang umalis na ito.

"Okie." Tapos, tumayo na ito. But before she went away, yumukod ito saka bumulong sa kanya. "You make silay for Sylas for me, ha?" Kinindatan niya ito saka nagpaalam.

Aleona just rolled her eyes. Tapos, hinatid niya ito ng tanaw hanggang makalabas ito ng main door ng cafe kung saan sila tumambay -- ang Maid of Orleans Cafe, na nasa loob din ng campus nila.

Hay nako, Ysa. Ano kayang sasabihin ni Tita Adora kapag nakita ka niyang umaalembong? naiiling-iling na lang niyang isip. Mama ni Ysabel ang tinutukoy niyang Adora. Bale, employer din niya dahil ito ang na-hire maging kasambahay siya ni Ysabel sa condo unit ng kaibigan.

Hay nako. Makapag-aral na nga.

ibabalik na sana niya ang atensyon sa binabasang lecture sa Contracts and Obligations nang maramdaman niyang may nakatitig hindi kalayuan sa kanya. When she checked who it was, it was a tall guys na singkit tapos may medium length bangs na nakahawi pakaliwa.

Si Sylas Fortaleja, ang lalaking dalawang linggo nang ini-stalk ni Ysabel.

Meanwhile, Sylas smiled at him. Kumaway pa nga ito. Aleona won't deny na napakagwapong lalaki nga naman talaga nito, lalo na kapag ngumingiti. Even from that distance, she could see how perfect his white teeth are. Not to mention, napaka-friendly ng ngiti nito. He had that typical campus heartthrob type na ngiti. Kaya gets na rin niya kung bakit patay na patay ang kaibigan niya rito.

Aleona smiled meekly saka muling ibinaling ang titig sa libro. Siguro, mahigit sampung minuto na rin siyang nagbabasa at nagha-highlight ng mga importanteng information sa libro nang maramdaman niyang may nakatayo sa harapan niya.

Biting the BulletWhere stories live. Discover now