ikaw na nag-mahal na higit pa sa kaibigan.
"Kaila! Tara dito! Umuulan wala kang payong!" Tawag sa'kin ni Rade.
Agad naman akong tumabi sa kanya sa loob ng kanyang payong.
"Salamat Rade ha, nakalimutan ko kasi sa jeep yung payong ko e."
"Ayos lang, tara na pasok na tayo sa school."
Mabuti na lang talaga nandito itong kaibigan ko, pero kaibigan nga lang ba talaga self? Feel ko crush mo siya e.
---
"Bye Rade! Salamat dahil sinamahan mo akong umuwi! Ang dilim pa naman ngayon dito sa daan, umuulan pa! Salamat talaga ha! Ingat ka, pasensiya na kasi nahirapan ka pa dahil lang sa'kin!"
"Kaila... Ayos lang 'yon, bilang kaibigan mo handa akong tulungan ka!" Dapat ba akong maging masaya sa sinabi niya o dapat maging malungkot sa salitang 'kaibigan'?
"Maraming salamat talaga Rade, ingat ka!"
"Bye, bukas ulit!"
---
Makalipas ang isang linggo...
Sunday ngayon, umuulan pa 'din pero ayos lang kasi nandito naman ako sa loob ng bahay. Miss ko na si Rade, miss ko na yung pag-aalala niya sa'kin, pag-aalaga, pati ang pagpapayong sa'kin sa gitna ng isang malakas na ulan.
I opened my Facebook Account, at bumungad ang isang Relationship Status. Nakita ko ang pangalan 'don ni Rade, at ang isang babae na nangangalang Cheska.
Totoo ba itong nakikita ko? In a relationship si Rade sa babaeng 'to?
It was real or just a game?
Sinasabi ko lang ba na laro ito dahil hindi ko tanggap kung sakali mang ito ay totoo?
What if it is true, paano ako? Kaibigan lang talaga? Hanggang 'don lang?
Tanong dito, tanong doon. Ganyan ang ginawa ko kaya nalaman ko ang totoo.
Masyado na yata akong nahalata ng mga taong pinagtanungan ko. Wala e, kung hindi ko nga magawang umamin kay Rade na gusto ko siya siyempre hindi ko 'ding magagawa na tanungin siya about sa relationship status nila.
Ang tanging magagawa ko lang dito ang tanggapin ang lahat, ang ipagdasal na lang sila kesa siraan sila.
---
Pumasok akong mag-isa ngayon sa school, alam ko namang wala ng lalaki ang magpapayong sa'kin kaya bumili ako ng sarili kong payong kahapon.
"Kai! Kaila!" Napalingon ako sa likuran ko at nakita ko silang dalawa.
"Gusto mong sumabay na sa'min?"
"Hindi, ayos lang Rade. Ayoko namang maka-istorbo..."
"Ha? Hindi ka naman istorbo ha?"
"May hinihintay kasi ako, kaibigan ko si Adam..." Ewan ko ba kung bakit ko 'to nasabi? Sana naman hindi ko siya nasaktan at wag niyang isipin na pinagpalit ko na siya sa ibang kaibigan. Ang hirap lang ng ganitong sitwasyon na nakikita mong masaya sa iba yung taong mahal mo.
"Ahh... Sige, una na kami. Palagi kang mag-iingat."
"Oo naman! Para sa'yo..."
Umalis na silang dalawa sa harapan ko at pinagmasdan ko silang masaya habang naglalakad ng mag-kasama.
Tila sumabay ang ulan sa'king lungkot na nararamdaman, biglang bumuhos ang ulan kasabay ng pagbuhos ng aking mga luha...
(THE END)
